@International_Pen
((( SENA )))
Napangiti na lamang sa akin si Sean. Ang arte ko at sensitive ko pagdating sa kanya. Habang yung ibang tao, siya itong nagmumukhang maarte. Napangiti na lang din ako. Saka nga pinisil niya ilong ko. Sa favorite niya talaga ilong ko eh… talaga bang sa biik ang ilong ko? Pinagpatuloy niya ang pagpunas sa akin na parang may sakit nga. Hinayaan ko na lang siya. Since tinatamad naman ako.
Sa nakikita ko sa paligid… heto kami sa silid niya dito sa probinsya. At nagsibalikan yung alaala ko. Hahaha…
"Sean…"
"…" naghihintay siya sa sasabihin ko.
"Natatandaan mo pa ako ang kalokohan natin sa bahay niyong to?"
"Ahhh… yung inamin mo sa akin na may mayaman kang fiancei.." saka napa-wink si Sean sa akin.
Bigla akong namula… kaya talaga siya tawang-tawa noon… Naiyuko ko na lamang ang mukha ko. Dahil nga… sa nakakahiya ako. Kaya napalugmok ako sa unan.
"Hey…"
"Alis ka na Sean… nahihiya ako."