@International_Pen
((( SEAN )))
Ano kayang maganda na iregalo kay Sena? Tss… Teddy Bear? Negative na yun sa kanya… since may parating na tatlong biik. Ano kaya?
Tsk! Ano ba yan pati na lang regalo ang hirap nap ag-isipan. Haist!
Ano ba?... Lahat na kasi binigay ko na sa kanya… pati yung puso ko.
At kung mag-iisip man siya ng ireregalo sa akin…
Wag na…
So, I do not need a Christmas Gift, because being with her is enough to make my Christmas wonderful and Happy.
Ayaw naman niya ng alahas dahil di niya na-aapreciate, sinabi ko na sa inyo na di nga elegante ang babaeng yun. Mas gugustuhin pa atang manirahan sa kweba. Chocolates? Tss… mga maasim ang target niya ngayon. Haist…
Damit… halos buwan buwan binabago nila Cecile ang laman ng wardrobe niya.
Travel?... Hmmm… pwede. Kaya lang nagdadalang tao siya, baka ano pang mangyaring masama.