@International_Pen
((( SENA )))
Parang nakalimutan bigla ni Sean ang mundo niyang napaka-busy. Dahil maghapon niyang kinakamusta ang kalagayan ni Elaine. Naging maayos yung operasyon. Yun ang sinasabi nilang power of faith. Sa mundong to, magulo man ang ilang tao… hahaha, ako minsan lang naman. Pasensya na po… lalo na nagdadalang tao ako. Mundong magulo nga ang tawag dahil sa mga ginagawa ng ibang tao, ang kailangan na lang natin kapitan yung pagdarasal nang taimtim, baling araw magigising ka na lang na maayos na ang lahat. Yung kurot sa bawat puso, maghihilom, magpapatawad at pagmamahal ang iiral. Kaya sama sama nating ipagdasal yung mga taong di sumasagid sa isipan nila yung pipikit ka na lang… magdadasal na lakas na susuporta sayo kung ano man ang siyang kakaharapin mo.
Sa bawat araw na nagdaraan sa bawat isa sa atin, may nangyayari na kailangan tayong kumilos. Magmalasakit sa iba, kahit pakiramdam natin… Out of place tayo… No.