@International_Pen
((( SEAN )))
Natangap ko ang tawag ni George na napabisita si Mr. Earl, kaya agad kung sinabi sa kanila na tigilan muna ito na maka-alis. At kung maari pa-akyatin sa silid kung nasaan man kami. Ayokong iwan si Sena na mag-isa dito.
"Master Sean, tumatangi si Mr. Earl na umakyat. Kailangan na daw niyang umalis."
"Ako ang kakausap, bababa ako."
Bago ko iniwan si Sena, si Hint itong nakabantay sa may pinto.
Nang bumaba ako…
"Mr. Earl…"
"Sean… wala ka paring magawa para kumbinsihin ang kapatid mong nangan--------." Natigilan ito na parang may maling sinabi… kapatid?
"Kapatid ninyo ni Luis. Magpipinsan kayo diba?"
Napangisi ako…
"Anong ibig sabihin ng salitang sinabi mo kanina!"
Napa-ubo ubo ito. Nang tuluyan na akong lumapit…
"Please. I invite you to seat for a minutes, Mr.Earl."
Lahad ko ng sofa na malapit lang sa amin.
Napapikit ito… saka walang nagawa kundi maupo muna.