@International_Pen
((( SENA )))
Nagising ako bigla… at di familiar sa akin ang paligid. Kaya agad kong hinanap ang pinto… saka binuksan ko at si Hint itong nasa labas… at ilang tauhan ni Sean.
Nasa pamamahay pa kami ng Madrid… at ano na nga bang oras… kaya lihim akong napatitig sa wrist watch ni Hint… 15:56… ibig sabihin… 3:56… Di pa ba kami uuwi ni Sean. Oo nga pala si Elaine…
"Your Master?" tanong ko kay Hint na medyo feeling ko nabibilaokan ako kapag kausap ko siya.
"I'm here." Sabat ng boses nang hinahanap ko. Napalingon ako sa kanya… na napapahilot na lamang sa leeg niya.
Lumapit na siya sa akin. Pinatungan yung ulo ko ng kamay niya… saka pinaharap ako sa pinto papasok… At pumasok na rin siya. Sabay sara ng pinto.
"Anong nangyari habang natutulog ako Sean?"
Kasi agad itong naupo.. at hinila ako paupo sa tabi niya.
Napayakap sa likuran ko… saka isinandal ang baba sa balikat ko.