@International_Pen
@International_Pen
We can know only that we know nothing. And that is the highest degree of human wisdom.
((( SENA )))
Walang tiwala to si Sean sa akin. Ako lang naman ang babaing pinili niya… pinanindigan niya at pinaliguan ng respeto kahit paano. Inisa-isa ko yung daliri niya hilain…
"Hmmm… isa o dalawang taon na paglilingkod sayo. With sahod ha. Wag yung pinapatay mo sila Sean sa gutom. Parang daga lang yan, kapag wala nang makain… kakapit na lang sa galit at damit mo siyang mapagbubuhusan ng ganti… dahil wala ka man lang tinitira para sa kanila. Katakawan yun Sean… hindi parusa."
Wow… sa daming maaring gawing example yun pa talaga. Galing ko naman. Maiba lang paningin ni Sean sa mga tanga kong kaklase.
"Maglilingkod sa akin? Nagpapatawa ka ba Sena?"
"Edi tumawa na sana ako diba… kung nagpapatawa ako." Sakrakto kong sagot.