@International_Pen
((( SENA )))
Heto na naman ako sa pamamahay ni Sean… Pero, di naman ako nakaramdam ng takot, dahil wala si Sean. No need matakot Sena. Nang sinalubong akong umiiyak si Tolits.
"Bakit ka umiiyak?"
Umangat paningin nito sa akin. At imbes na magsalita… napa-iyak na lamang, at tumakbo palapit sa akin. Napayakap na parang kung anong nangyaring masama. Di makapagsalita dahil sagad kung umiyak.
Napatitig ako kay Butler Nazi, nasa kabilang kamay nito si Tobby.
"Anong nangyari?."
"We don't know… but he is bragging about his dad lately. He just wakes up like that."
At ngayong hapon lang siya nagising? Wow…
Si Kuya…
"Tolits, wag kang babading bading… sabihin mo sa akin. Uupakan ko yan kahit si Tobby pa yan."
"Hindi po ako ang kaaway niya." Saka tago sa likuran ni Butler Nazi.