@International_Pen
((( SENA )))
Kahit tinawag niya ako sa aking pangalan. Di ko hinayaan na umangat ang aking paningin… at kung nanaisin ko nga, gusto kong takpan ang tenga ko dahil baka may di na naman siyang magandang sasabihin. Sa tuwing tinatawag niya ako… noon, masaya pa akong tutugon. Ngunit ngayon… ibang usapan na. Tawag niya sa akin na may kasunod na panlalait at masasakit na salita. Mga bagay na di ko dapat marinig dahil alam naman niya na masasaktan ako.
Pag uwi namin sa Pilipinas, kailangan ko nga kausapin si Kuya, tungkol sa sinabi ni Sean tungkol sa kanya… na hindi ko siya kapatid.
"Bingi ka ba?" muli niyang hingi ng attention ko. Naibaba ko na ang kutsara at tinidor. Tapos na kumain si Mommy Baby. Baka kapag pinatulan ko si Daddy, baka mawala yung kinain natin.