@International_Pen
((( SENA )))
Kilala ko ang lalaking to, na minsan na sa akin pinakilala ni Sean…
"Mr Earl?." Na kala ko English speaking ang matandang to?
At nilahad niya yung Juice sa akin. Inabot ko na.
"Ah, tawagin ko po si Sean." Napalinga ako sa paligid, at baka dito siya sa likuran nagpalapag ng chopper niya.
"What happend Mrs. Herald? At di tuloy ang kasal ninyo bukas? And seems your sad right now?" Naupo siya… at inalis ang sombrero niya. May katandaan na din…"Don't bother, ikaw talaga ang pakay ko. Maupo ka, at inumin yan."
Inamoy ko nga… at parang katas ng Orange nga. Napatikim ako.
"Wag ka mag-alala wala akong nilagay dyan." Ngumiti siya sa akin… na sa ngiting yun… ang mata niya… hawig na hawig kay Sean kung ngumiti.
Uminom ako ng marami… at nahati ko nga yung isang baso. Huminga ako ng malalim…
" Salamat po."