@ International_Pen
((( SENA )))
Nang marinig ko ang mga salitang yun ni Sean. Hindi ko na hinintay na may kumuha sa akin. Ako ang siyang nagkusang tumalikod at lakas loob na hinakbang ang aking paa. Ang swerte ko dahil wala akong maisip… ang swerte ko dahil wala akong magawa, ang swerte ko dahil ang bigat na nararamdaman ng aking dibdib ngayon, di ko pa naman ata ikakamatay kahit alam kong durog na durog ang aking puso. Sino nga ba ako para ipakita kay Sean, na labis akong nasasaktan sa nangyayari sa amin ngayon. Sino nga ba ako?
Sumara ang pinto. Kahit di ako pumikit ng aking mga mata patuloy na umaagos ang aking luha. Nanlalamig… nanginginig. Parang panaginip na gusto mong tumalon sa mataas na gusali para lang magising ka sa bangungot na ito.
Hi Everyone
Thank you so much!