@ International_Pen
((( SENA )))
Halos di makapaniwala ang nasa loob ng silid sa ginawa ko. Masakit yun Sena… at parang maiihi na ako kapag lumingon sa akin si Sean. Pwede, bumalik lang kanina… adjust lang ng kunting oras… Segundo lang… Author. Di ko dapat yun ginawa. Sadyang... may sumanib lang na kung anong inis sa akin... Tapos ngayon... nilisan ako na parang walang nangyari... Wag mo naman akong hayaan na harapin si Sean ng ganito... Sorry na po. Puputulin ko na po kamay ko... wag lang na ibuhos sa akin ang galit ni Sean.
Tago na lang sa ilalim ng mesa Sena... 😭😭😭
Pinigilan ko dapat yung sarili ko…. Huhuhu. Patay tayo baby, kay Daddy.
Lumingon nga ito sa akin. Napayuko lahat ng tauhan niya… pati ba ako kailangan yumuko…
Titig niya sa akin… parang malilintikan ako. Ngunit napalunok na lamang siya ng laway niya… halatang nagpigil ng pumikit ito… saka napailing na lamang na tuluyan nang hinakbang ang kanyang paa sa palabas ng silid.