@ International_Pen
((( SEAN )))
Nang makauwi ako, agad kong tinungo ang silid namin ni Sena. Hating gabi na ngunit hindi pa siya natutulog. Nadatnan kong kausap siya ng kanyang katulong. At natahimik sila ng dumating ako. Hindi na ako nakapagsalita dahil agad akong tinanong ni Sena tungkol kay Luis.
" Kamusta si Luis?"
"Tss…" Yun na lamang ang naisagot ko at agrabyadong napaupo ako sa sofa. Senenyasan ko na muna ang katulong niyang lumabas na.
At nang marinig ko na sumara na ang pinto…
" Sean may problema ba? Anong nangyari? At bakit namatay ang kanyang ama?"
Di ko sinagot ang mga tanong niya… kundi…
" yan ba ang rason para di mo ako sundin na matulog ka na! Hating gabi na Sena! Mamaya lang umaga na! Alam mo namang di maganda ang kalusugan mo, ano to? Importante pa sayo ang Luis na yun at tanong na yan para unahin ang kapakanan ng sanggol na nasa sinapupunan mo?!"