@ International_Pen
((( LUIS)))
Malayo ang titig ni Sean. Alam ko magulo ang isipan niya.
" Bakit Sean…"
" Kasi… di ko rin mapigilan na… mabahala na baka mawala sa akin ng tuluyan si Sena."
At kahit seryoso nga siya sa kanyang sinasabi. Tinawanan ko ito… at napaupo ako.
" Alam mo Bro, kailangan mo lang… times two na magpapasaya at magpapamotivate sayo. Kailan ko kasi makikita ang pamangkin ko."
" Tss… pareho kayo ni Tanda." Binot niya ng damo at binato yun sa akin. Kaya parang confetti na sumabog sa mukha ko. Nagsisimula na naman to. Nakain ko nga yung ilan… at di pa ako tinigilan, hangang sa tumakbo na rin siya papunta doon sa asawa niya.
Napabuntong hininga ako. At muling nahiga. Mabuti at di nagpaka self pity ang isang yun. Kailangan niyo magpakatatag. At alam kong mahal ka ni Sena, Sean.
((( SENA )))
" Ano pinatay mo na si Luis?" yun ang naitanong ko… at hinila ako palapit sa kanya saka niyakap ako.