@ International_Pen
((( Sena )))
Kahit paano pala nakakamiss din ang gulo ng palengke sa Pilipinas. Dati di ako papaya na walang tawaran na nangyayari. Ngayon naman dahil si Cecile itong nagbabayad… di ko na magawang magtanong kung magkano ba dahil… agad akong tinatanong kung ano pa ang kailangan ko dahil… ata nag-aalala lang siya. Nasa paligid tauhan ni Sean, di naka uniporme para na rin wag akong instant artista at baka nga pagkamalan pa akong katulong ni Luis. Nang…
" Ay miss… Asawa mo?"
Habang inaamoy ko yung bulaklak bago ko bilhin… Baka di magustuhin na aking Ina eh, ibalik sa akin. Nay ko po… wag naman dahil mawawalan ako ng pagkatino niyan. Wag na wag niyo akong tatakutin. Tay, pigilan niyo si Mama ha. Kilala niyo anak niyo… kinakasuklaman ko ang November One! Sa naglalabasan yung pelikula sa TV.
"Hind po. Magpinsan po kami."