@ International_Pen
((( SENA )))
Ang duwag ko para harapin si Sean no? Opo… Ako na itong nagpapakaduwag. Di ko kaya kung ano ang nakaabang… pero kailangan ko yun harapin ng buong –buong ako. Kasama yung dalawang bata at tatlong katulong saka dalawang tauhan ni Sean… naglakad lakad kami sa di kalayuang bulubundok na sakop pa ng lupain ni Sean. May isang puno sa ibabaw ng bundok… pinuntahan ko yun… kahit matalib… sa na curious ako kung anong klaseng puno ba yun. Saka parang ang sarap maupo sa kalimlim ng punong yun, at tanaw ang punong to, sa silid ni Sean. Di naman pinagbabawal na gumala kami… basta wag lang lalabas. Haist. Habang yung dalawang bata… pinapangunahan ni Tolits ang kalokohan na pagulong paibaba ng burol. Masaya naman yung si Tobby.
Tobby, daddy mo… ano ginawa niya kay Sean.