@International_Pen
((( SENA )))
Namilog yung mata ko ng makita ko yung TIME ZoNE … Natigilan din si Sean maglakad. Di ko napigilan
sarili ko, ako na ang napahila kay Sean sa loob!
"What is this Sena?" Reklamo niya ng nasa harapan na kami ng Cashier Booth.
"Alam mo Sean kahit napakabusy ng araw dapat may time din tayo magrelax, may oras pa naman tayo
mag enjoy, bahala ka kapag maaga kang namatay wag kang magsisi at lalong di pwedeng sisihin si Papa God na di ka nakapasok sa ganitong lugar. Minsan lang maging bata... hehehe."
Saka napakindat ako kay Sean na ngayon parang di gusto yung sinabi ko. Hahaha... ang bata ko talaga mag isip... sa gusto ko siyang makitang marelaxs man lang.
"Bili ka na ng Card! Madaming Load… Dali!" tulak ko sa kanya sa may Cashier…
"Card for what?"
"Para makapaglaro!"
"Tsk!"
Napilitang patulan yung utos ko. Ahehehe, masunuring bata.
Kumuha nga si Sean ng VIP Access sa lahat ng laro! Napahalik ako sa Card na dasal ko noong nasa