Baixar aplicativo
65.07% Lucky Me / Chapter 41: LUCKY FORTY ONE

Capítulo 41: LUCKY FORTY ONE

CHAPTER 41

LUCKY'S POV

"Makinig ka para sa tatay mo 'to!" Mahinang bulong ko sa tenga ni Kenneth bago ako tumayo. Blangkong tingin lang ang itinugon niya. Sabay kaming naglakad at ni Andi patungo sa stage.

"TO GIVE US LUCK AND A SONG NUMBER, LADIES AND GENTS, PLEASE GIVE AROUND OF APPLAUSE TO LUCKY GONZAGA!" Mangilan ngilang students lang ang pumalakpak pag akyat namin ni Andi sa stage. Ano bang inaasahan mo masigabong palakpakan galing sa maarte at mayayamang schoolmates mo?

Halos hindi kami pinapansin ng ibang students na abala sa pagkain, nagku-kwentuhan pagse-selfie ng walang humpay. Naiintindihan ko naman sila dahil lahat kami pagod pa sa mahabang biyahe biyahe kanina. Kinakabahan ng hindi ko alam ang dahilan. Maygad, hindi ito ang perstaym na kakanta sa harap ng maraming tao. Aminado naman akong makapal ang mukha ko sa larangang ito.

Pero hindi ko parin talaga maiwasang kabahan, marahil sa mga taong nasa harap ko at nasa amin na kasi ang attention ng ilang Board of Directors at ilang faculty members. DUmagdag pa sa isipin ko ang sinabi ni Sir Adam na darating daw ngayon ang may ari ng Carlisle Academy. Ginoo! Sa angking kamalasan ko malamang mabengga ako ng mga magulang ni Amber dahil nagpapakasarap ako dito sa Baguio at nakaratay naman ang unica iha nila sa ospital.

'Patay ka bai!'

Nauna akong naupo kay Andi sa isang di kataasang black bar stool chair. Lumapit siya sa microphone stand na nasa gitna ng stage.

"HELLO MIKE SI TESS.. MIKE SI TESS? MIKE NASAAN NA SI TESS?" pabirong banati ni Andi sa harap ng microphone stand para i-test kung gumagana ng maayos ang mikropono at hinila niya ito sa harapan ko. Naging malakas naman ang tawanan ng mga students lalo na si Ytchee at Marlon sa pagbibiro ni Andi kaya nabawasan ang kaba ko habang nakaupo ako sa bar stool chair. Tumango ako kay Andi hudyat na handa na ako at huminga siya ng malalim na akala mo siya yung kakanta. Baliw.

Sinimulan niyang i-strum ang gitara ng dahan dahang at muling nanumbalik sa dibdib ko yung kaba. Sanay na akong kumanta sa harap ng maraming tao pero hindi sa harap ng maarte at mayayamang audience kagaya ng nasa harap ko ngayon. Pumikit ako para i-kalma ang sistema ko.

SONG TITLE: DANCE WITH MY FATHER BY JESSICA SANCHEZ

Back when I was a child

Before life removed all the innocence

My father would lift me high

And dance with my mother and me

And then

Spin me around 'till I fell asleep

Then up the stairs he would carry me

And I knew for sure

I was loved

Muli kong binalikan ang mga alalang naiwan sa akin ni Tatay nung nabubuhay pa siya para mas lalo kong maramdaman ang mensahe ng kanta. Nag focus ako sa larawan ni Tatay sa isip ko nais kong siya ang maging inspirasyon ko habang binibigkas ko ang bawat linya ng kanta.

If I could get another chance

Another walk

Another dance with him

I'd play a song that would never ever end

How I'd love love love

To dance with my father again.

Para akong mapapahikbi o maiiyak habang kumakanta. Ayokong maging masiyadong emosyonal ang interpretasyon ko sa kanta pero hindi ko maiwasang madala tumatagos sa lahat ng organs ko ang lyrics ng kanta.

When I and my mother

Would disagree

To get my way I would run

From her to him

He'd make me laugh just to comfort me

Hindi narin naging mahirap para sa akin ang humugot ng tamang emosyon sa kanta dahil ako mismo sa sarili ko ay ramdam na ramdam yung pagnananais na magkaroon ng isang ama. Sa mga kwento at mga pictures ko na lang kasi nakikita ang tatay at anim na taong gulang ako noon ng nawala siya sa buhay namin.

Yeah yeah

Then finally make me do

Just what my mama said

Later that night when I was asleep

He left a dollar under my sheet

Never dreamed that he

Would be gone from me"

Pakiramdam ko kami lang ni Andi ang tao sa buong convention center dahil sa kakaibang katahimikan ng audience. Masiyado silang tutok sa amin at ang boses ko lang ang tanging nangingibaw na ingay sa loob ng hall. Hindi ko mabasa ang mga reaction sa mga mukha nila. Wala akong idea kung natutuwa sila sa naririnig nila. Buti nalang nakita kong nakangiti at kumikinang ang mga mata ni Sir Adam habang pinapanuod kami. At dahil dun ginaganahan ako sa pagkanta at binirit ko ng todo ang matataas na nota sa abot ng aking makakaya. Inangkin ko ang pag awit sa paraang alam ko, sa paraang gusto ko. Ang mission ko ay ang masiguradong aabot ang mensahe ng kanta sa bawat isa sa kanila.

If I could steal one final glance

One final step

One final dance with him

I'd play a song that would never ever end

Cause I'd love love love to

Dance with my father again

Nabaling ang paningin ko sa mesa namin at nakita kong tahimik lang din sila Ytchee, Marlon. Si Wesley na bahagyang itinaas ang kaliwang kamay ng makitang nakatingin ako sa kanila. Si Kenneth naman titig na titig lang sa amin pero mukhang naglalayag ang isip sa malayo. Ano kayang iniisip ng isang to? Daddy niya o yung sinabi ko kanina bago ako tumayo at kumanta?

Kung kaninang wala silang reaction nung nagsimula akong kumanta, ngayon napansin kong maraming cellphone ang nakatutok sa amin ni Andi. Panay ang flash ng camera at yung iba naman mukhang kinukunan pa kaming dalawa ng video. Tahimik ang buong hall ng matapos ang performance namin ni Andi. Nagustuhan kaya nila? Wala man lang kasing pumalakpak, ano bang klaseng audience ang mga 'to anlalakas man deadma.

Nagkatinginan muna kami ni Andi at hinila niya yung kamay ko at sabay kaming nag bow sa harap nila. Pag angat namin ng ulo saka lang umugong ang malakas na palakpakan at hiyawan sa audience. Nakahinga ako ng maluwag akala ko kasi sablay na. Ang sarap sa pakiramdam ang marinig na palakpakan ka ng mga taong hindi mo kakilala pero hinahangaan ka.

Magkahawak kamay at nakangiti kaming bumalik ni Andi sa mesa namin.

"Akala ko exaggerated lang 'tong negrang 'to nung kinukwento niyang magaling kang kumanta." nagulat ako ng bigla akong yakapin ni Ytchee at hindi ako makahinga.

"A-Araayy.." kunwaring daing ko pero nakatawa.

"Nanakawin ko yang boses mo humanda ka!" dinudut-dut niya ang lalamunan ko.

"Huwag baka magalit sayo mga fans ko lalo na yan!" turo ko kay Kenneth na katabi ni Ytchee.

"Tss, Dream on." masungit na tugon niya.

"Bakit hindi?" hamon ko sa kanya.

"Spell ASA?" at bumaling ang tingin sa iba. Sungit!

"Psh, kunwari pa." mahinang bulong ko.

"Sige na huwag ka na mahiya sekreto lang nating tatlo yan." Bigla kaming inakbayan ni Ytchee at bumulong sa pareho naming tenga. Umiling naman si Kenneth at natawa ako sa reaction niya.

"Lucky! Wala ka paring kupas, halika ka nga rito.." biglang sulpot ni Wesley sa tabi ng pinsan. Hinila niya ako sa kamay at inakap din kagaya ni Ytchee.

"Thanks, siyempre wala paring tatalo sayo.." natatawang sagot ko sa tenga niya.

"Ay, ang lagay siya lang may hug? Nag effort din ako sa pag-gigitara dun kanina, bakit wala akong hug?" nakangusong reklamo ni Andi.

"Baka magalit si Lucky eh.." nanunuksong tugon ni Wesley at nandun na naman yung nakakalokong ngiti niya.

"Magyakapan kayo magdamag, WAPAKELS!" sagot ko sa kanya at natigilan siya sa pagtawa at napalitan ng pagsimangot ang gwapong mukha.

"Grabe siya oh!" Hindi mapakapaniwalang turo niya sa mukha ko. Malakas ang naging tawanan nila maging si Kenneth dahil sa reaction ng pinsan niya sa sinabi ko.

"Charot lang! Bawal mag JOKE?" hinawi ko ang daliri niyang nakaturo parin sa mukha ko.

"Si Mommy, si Grandma at ikaw ang niyayakap ko wala ng iba!" taas noong sagot niya.

"Eh di yakapin mo si Andi para apat na kami. He he he!" nag peace sign ako at lalong sumama ang mukha niya.

"Ayoko gusto ko ikaw lang.." nakangusong sagot niya. Kahit kailan talaga napaka isip bata.

"Okay fine sorry na.. Sorry Andi next time kana yumakap." nakangising sagot ko at bumaliK ulit yung ngiti sa labi niya.

"OH GROUP HUG NA LANG PARA MASAYA!!" sigaw ni Ytchee at mukha kaming mga eng eng habang nakatayo sa gilid ng mesa.

'Hilig nito sa group hug!'

Natapos yung program at lunch. In-announce lang yung schedule ng mga daily activities, ni-remind din kami sa mga rules, curfews at ang walang kamatayang class picture ng mga senior per sections. Binigay nadin sa yung buong afternoon namin as free time, kaya free kaming mamasiyal basta may ka buddy pero kailangan naming bumalik before dinner time. Ang ka buddy ko ay si Ytchee, si Andi naman at Marlon at yung dalawang magpinsan naman ang mag partner. First time ko sa Baguio kaya tuwang tuwa ako sa balita. Wala kaming eksaktong lugar na pinag usapan dahil sa sobrang excitement kahit saan na lang daw basta masaya.

"Saan lugar niyo gustong mamasiyal?" nakangiting tanong ni Wesley habang papalabas kami ng The Manor Convention Center.

"Kayo na bahala wala din akong masiyadong alam dito kahit pangalawang balik ko na 'to." Sagot ni Ytchee na katabi ko at kasabay namin yung magpinsan maglakad, nauuna namang sila Andi at Marlon sa paglalakad dahil panay selfie sa bawat madaanan nila.

"Grabe guys super excited na ako sa galore natin." Huminto si Marlon sa paglalakad at humarap sa amin.

"Huwag ka munang ma excite wala pa nga tayong place na pupuntahan." Sagot ko sakanya habang naglalakad.

"May malapit bang grocery store dito? Bumili tayo ng junk foods wala tayong makakain mamayang gabi habang nanunuod ng movies." ani Ytchee na parang si FPY kong maglakad. Oo nga pala bago kami lumabas kanina ng hall napag usapan na naming magmo-movie marathon kami sa suite namin.

"Ay, betcha golly wow ko yang suggestion mo! Sa SM Supermarket tayo laters after gumala." Suggestion ni Andres at nakipag high five pa kay Marlon.

"Sasama ba kayo sa amin Kenneth?" sinilip ni Marlon si Kenneth sa likod namin.

"Okay lang, Wesley and I has nowhere to go anyway." Nakapamulsang sagot niya.

"Cool, may suggestion ka ba kung saan magandang puntahan ngayon?" si Ytchee kay Kenneth.

"Teacher's Camp.." Seryosong sagot niya at nagtayuan ang balahibo ko sa batok.

"Oh bakit parang nagulat ka Lucky, ayaw mo ba dun?" Hindi ako makatingin ng derecho sa mata ni Wesley.

"H-Hindi naman... nabasa ko kasi sa internet may mumu daw dun.." mahinang sagot ko at tinakpan ko ng buhok yung mukha ko. Nakakahiya!

"BWAHAHAHA HAHAHAHAHAHA!" Sabay sabay na tawa nila except kay Kenneth na tinaasan lang ako ng kilay.

"You're kidding right?" napakamot siya sa batok niya at umiling lang ako na parang bata.

"No i'm not. Teacher's Camp is one of the haunted place here in Baguio. Nabasa ko yun sa isang blog internet. Marami daw mumu dun!" pangungumbinsi ko sa kanila.

"Lucky you're so cute!" at pinanggigilan ni Wesley ang magkabilang pisngi ko. Nakasimangot akong nakatingin sa kanila. Grabe, wala wala silang awa!

"Bulbulin ka na lahat lahat takot ka pa sa multo?!" malakas na sigaw ni Ytchee sa mukha ko.

"Kayo na lang pumunta dun, magpapaiwan na lang ako dito." Huminto ako sa paglalakad kasabat ng paghinti nila sa pagtawa.

"Wag kang OA Luis Manzano minsan lang tayo gagala aartehan mo pa kami ng ganyan." Galit galitang sagot ni Andi.

"Weh di nga ses? Baka naman nagtatakut takutan lang para maka iskor ka na naman ng yakap sa dalawang 'to.." nguso ni Marlon sa magpinsan. Natawa lang si Wesley at sinimangutan naman ako ni Kenneth.

"Kahit naman hindi ako natatakot yayakapin mo ko diba? Diba?" siniko siko ko sa tagiliran ni Wesley at natawa lang siya.

"Oo naman basta ikaw, nanginginig pa." Masayang sagot niya.

"Yan ang hirap 'e, dapat pagdating sa ganyang bagay pantay pantay tayo!" Reklamo ni Andi na ayaw paring magpatalo maka iskor lang sa mga pinsang 'to.

"Ayos lang yan ses, makakahanap ka din ng yayakap sayo hanggang hindi ka na makahinga." tapik ni Marlon sa balikat niya.

"YES! Teacher's Camp here we come!" Excited na sigaw ni Ytchee at nag high five sila ni Wesley.

Pakers!

"LET'S GET IT ON!" sigaw din ni Andi. Wala akong nagawa kundi ang maglakad kasabay nila kahit labag sa kalooban ko.

"Naku si Andi umi-style din yan para makayakap kay Kenneth. Kitain mo magtatakut takutan din yan kunwari mamaya dun sa Teachers Camp." may kalakasang bulong ni Ytchee kay Marlon.

"Trot! Baka nga yung mga mumu pa ang matakot kapag mautut yan dun sa Transient House ng Teachers Camp eh." Natatawang sagot ni Marlon at parang maliksing langaw na dumapo ang palad ni Andres sa ulo ni Marlon.

"Tara na mamaya na ang tsismisan!" pagsusungit ko sa kanila at napangiwi lang silang tatlo.

Palabas na kami ng Convention Center ng masalubong namin si MJ. Napahinto kaming lahat sa paglalakad dahil bigla siyang humarang sa dinaraanan namin. At sa pagkakataong ito hindi siya nag iisa at may iba pa siyang mga kasama.

"Maygad, ses Mommy yan ni Amber." Narinig kong bulong ni Marlon sa likod namin ni Ytchee. Nagtayuan lahat ng balahibo ko sa batok sa narinig. Para akong nagka stiff neck in an instant. Nirapan akong lingunin ang mga kaibigan ko kung tama ba ang narinig ko. Wala akong nagawa kundi ang manigas sa harap nila.

"There he is Tita Sam." Sabay turo sa direksiyon ko. Sarkastiko ang pagkakangiti niya ng magtama ang paningin namin. Kitang kita ko yung tagumpay sa mukha ni MJ. Napayuko ako ng bahagya at napamura lang ako sa isip.

'Wala ka talagang kupas MJ, malapit na talaga akong mapikon sa pinag gaga gawa mo.' Sigh.

"What's going on MJ?" Biglang nagsalita si Wesley at tinabihan ako. Humakbang naman papunta sa harap si Kenneth at bahagyang nagulat ang mga kasama ni MJ ng makita siya.

"Good Afternoon po Tito, Tita..." Magalang na bati niya sa mag asawa. Nginitian naman siya ng matamis ng mag asawa. Lumapit siya para kamayan si Sir Carlisle at nag bow sa babae. Umayos ka ungas nasa harap ka ng magulang ng babae mo. Para kasi siyang biglang nabalisa ng makita ang mga magulang ni Amber.

"Tito Carl, siya po ang may pakana ng lahat kung bakit na aksidente si Amber sa school." Sa tono ng pananalita ni MJ parang ako na nga ang prime suspect sa nangyare sa kaibigan niya.

'Hanggang ngayon ba hindi pa rin siya susuko kakaturo na ako ang may kasalanan sa nangyari kay Amber?'

Hindi ako makapagsalita dahil hindi ko alam kung papaano ko ipapaliwanang ang side ko ng hindi magiging bastos sa harap ng mga magulang ni Amber.

"Is it true iha?" mautoridad na tanong ng Mr. Gutierrez. Parang biglang tinambol ang dibdib ko sa kaba. Ito ang unang pagkakataong nakita ko siya ng harap harapan. Matangkad at magandang lalake dahil mababakas ang taglay nitong kagwapuhan sa spanish features nito.

"Tito Carl, Lucky has nothing to do with Amber's accident." mahinahong depensa ni Kenneth sa sinasabi ni MJ. Na apperciate ko yung ginawa niya pero hindi na niya kailangang gawin yun dahil malinis ang konsensiya ko. Hinawakan ko siya sa braso.

"I'm fine Kenneth i can handle this one." Mahinang sambit ko dahilan para magsalubong na naman ang kilay niya.

"But it doesn't mean he can't hired other people to do his dirty work." Singit ni MJ sa sinasabi ni Kenneth.

"That's impossible MJ, your just over reacting from the start because you hated Lucky so much." Naiinis na sagot ni Wesley at inirapan lang siya ni MJ saka bumaling ang masamang tingin sa akin.

"Magsalita ka bakla ngayon mo ilabas ang pagiging squater mo!" napailing nalang ako sa narinig.

"MJ iha let her speak." Mahinahong awat ni Sir Carlisle.

"Tch, Tito Carl Lucky is not a girl so don't treat her like one." nandidiring sagot niya kay Sir Carlisle. Nakaramdam ako ng pang gigigil sa pang iinsulto niya. Parang gusto ko siyang ibaon sa fountain sa harap ng The Manor Hotel para ang dugo niya ang magsisilbing tubig sa fountain.

"What do you mean by that?" kunot noong tanong niya kay Mj saka bumalik ang tingin sa akin na may halong pagtataka. Nahiya akong salubungin ang mata nito kaya napayuko nalang ako sa hiya.

"Isn't it obvious Tito Carl? He's GAY!" singkapal ng make up niya ang kompyansa at tono ng pang iinsulto niya sa kasarian ko. Tinitigan ako ni Mr. Gutierrez mula ulo hanggang paa at mukhang na confuse din siya sa pisikal na itsura ko.

"MJ your being rude." Mahinahong saway ng mommy ni Amber saka bumaling ang tingin sa akin. Hiyang hiya talaga ako sa harap nilang mag asawa. Hindi ko alam kung paano ko ipapaliwanang ang side ko sa kanila. Nahihiya ako ngayong kaharap na nila ang taong pinag didiinan ni MJ na may sala sa pagkaka ospital ng anak nila.

Mas lalo akong nahiya at nanliit sa sarili ko dahil kaharap ko ang Mommy ni Amber. Sa ayos at tindig nito mukha itong dating Beauty Queen, napaka sopistikada ng hitsura nito yung tipong mahihiya ka parati kung makakaharap mo siya. Namana ni Amber ang ganda at tangkad ng ni ma'am Samantha, perfect na sana kung sana pati ugali nakuha niya.

"Tita Sam, mortal na kaaway namin ni Amber ang baklang yan!" duro niya sa direksiyon ko. "Palibahasa lumaki sa squatters area lumaki kaya walang breeding 'e." Bahagya akong napanganga ako sa sinabi niya.

'Mortal na kaaway talaga? Nice, ako pa talaga ang taga squatter sa ugaling ipinapakita niya ngayon? Ambilibabol!'

"MJ let her explain and hear her side..him rather." Sinundan niya ito ng mahinang ubo para maklaro ang lalamunan saka muling itinuon ang tingin sa akin. "Is there any truth about MJ allegations that you're behind Ambers accident?" sinalubong ko ng may halong pagtataka si Sir Carlisle.

"None sir." Mahinang sagot ko sa harap nilang mag asawa. HIndi ko alam kung papaano ko ipagtatanggol ang sarili ko sa harap nila ng hindi mangangatog ang tuhod ko. Masiyado silang nakaka intimidate mag asawa. Mag aaksaya lang ako ng laway mas mabuting antayin nalang naming magising si Amber para malaman namin ang totoo.

"Liar! Tell them the truth Lucky, i know you paid someone to do it to Amber! Akala mo lahat ng tao mapapa ikot mo ha? Pwes hindi ako at ang kaibigan ko!!" galit na galit na sigaw niya sa harap naming lahat. Tahimik lang ang mga kasama ko at nakikinig sa bandang likuran ko.

'Ano daw nagbayad ako ng ibang tao? Bilib na talaga ako sa kapraningan ng isang 'to!'

Hindi ba dapat ako ang magalit sa haliparot na 'to sa dami ng kasalanan niya sa aken? Lakas ng loob niyang manampal, manira ng gamit at saksakan ng pagka bintangera. At ngayon hindi pa nakuntento at dinala niya pa talaga ang parents ni Amber para masaksihan ang kabaliwan niya? High na high lang bes?

"Calm down iha." Hinawakan siya sa balikat ng mommy ni Amber para kumalma pero nagngingit parin siya sa galit.

"No Tita Sam, hindi ako kakalma hanggat hindi na paparusahan yang baklang yan!"

"We already saw the CCTV video on Amber's incident MJ" basag ni Sir Carlisle na ikinatulala ni MJ ng ilang segundo. "Don't worry the inverstigation is not over yet. Right now we can't just blame any of your schoolmates just because she is your enemy. Wesaw her leave on the said video." Nakahinga ako ng maluwag sa paliwanag ni Sir Carlisle.

"A-And who shown you the video Tito Carl?" nagtatakang tanong niya at nagpapalit palit ang tingin niya sa mag asawa.

"Your friend Kenneth and Wesley. They visited Amber at the hospital but she was still asleep back then." Senyas niya sa magpinsan.

"She's not my friend sir. She's evil." Nakangusong sagot ni Wesley at gusto kong tumawa ng malakas dahil sa sagot niya. Isip bata talaga.

"You don't have to worry MJ, we can handle Amber's case from here. All you have to do now is enjoy your time with your friends and this short vacation." nakangiting pangumbinse ni Sir Carlisle.

"Hindi ako pwedeng magkamali sa mga sinasabi ko Tito Carl.." giit niya parin sa gusto at tinapik lang siya nito ng mahina sa balikat. "Why don't you ask Amber Tita Sam she believes in me." Umiiyak na baling ni MJ sa mommy ni Amber.

"Tss. Galing umarte pang Best Actress sa FAMAS." Mahinang bulong ni Ytchee at mabilis siyang sinaway ni Marlon.

"We did iha and i don't think she would agreed to that. She had seen the video as well. Amber actually refused Lucky's offer to help her about the books she's been holding and when Lucky passed by someone pushed her on the stairs.." paliwanang ng mommy ni Amber kay MJ. As if papasok sa katiting na kukute niya ang sinasabi ni ma'am Samantha. Ilang ulet niyang pinanuod ang video clip at narinig na rin niya ang side ko pero wala, ako talaga ng prime suspect niya.

"I can't believe this is happening. I can't believe this.." Parang nababaliw na bulong niya sa sarili at hindi na mapakali sa kinatatayuan niya.

"Relax iha.." hinawakan siya ni ma'am Samantha sa magkabilang balikat para kumalma.

"YOU SONOFOBITCH! HOW CAN YOU MANIPULATE EVERYTHING SO EASILY?!" nanggagalaiting sigaw niya habang umiiyak. Bakas ang pagkagulat sa mukha ng mag asawang Gutierrez sa nasaksihang pagbabaliw baliwan niya.

"Hindi ko maintindihan kung saan nanggagaling ang galit mo MJ. Una hindi tayo personal na magkakilala. Pangalawa hindi ka kasali sa kung ano mang hindi namin pagkakaunawaan ni Amber. Pangatlo, nakakapagod ng makinig sa mga accusations mo kahit alam mo naman yung buong katotohanan." kalmadong wika ko. Kailagan kong habaan pa ang pasensiya ko sa babaeng 'to. Walang magandang maidudulot kung papatulan ko pa ang kapraningan niya sa harap ng magulang ni Amber.

"Ang kapal ng mukha mong sabihin yan lahat sa harap ko!" Nagsimula na namang umagos ang luha sa pisngi niya. Napailing lang ako sa mga sinasabi niya.

Hindi talaga mag konek 'e. Ano ba talaga ang ikinagagalit niya sa akin? Wala naman akong natatandaang kasalanan sa kanya bukod sa pagpapatol ko sa mga kababawan niya sa campus. Maiintindihan ko pa si Amber pero si MJ? HELL NO!!!

"Bakit ba galit na galit ka sa akin may nagawa ba ako sayo na hindi alam MJ?" sa wakas na isatinig ko rin ang tanong na naglalaro sa utak ko. Nakita ko kung papano siya nabalisa at dahan dahang pagkuyom ng kamao niya.

"Marami at isa na dun ang hindi mo pag amin sa totoong nangyari.. na nagbayad ka ng tao para gawan ng masama ang kaibigan ko." Huminto siya sa pag iyak pero nag liliyab ang mga mata sa galit.

"This is nonsense MJ, paulit ulit lang tayo." walang kagana ganang sagot ko. Gusto kong ipakita na hindi ako interesado sa mga walang kwentang argyumento niya.

"Ngayon nagpapanggap kang walang alam at inosente para mapagtakpan ang mga kasalanan mo." at sinabayan ito ng mapaklang tawa.

"Tss! Pambayad nga sa fieldtrip wala ako tapos ngayon aakusahan mo pa akong nagbayad sa ibang tao? Hindi na kita masundan teh." buti nalang mahusay akong mag modulate ng boses kundi napagtaasan ko siya ng boses ko dahil nag sisimula ng uminit ang ulo ko. Tama nga ang mga kaibigan ko pang FAMAS best actress ang acting niya.

"W-What?" narinig ko ang reaction ni Wesley sa tabi ko pero hindi ako lumingon sa kanya.

"Because that's the whole truth!" muling sigaw niya.

"This is pointless MJ, I get your point but can we just wait until the investigation is over?" May bahid ng pagkainis na sagot ni Kenneth.

"They're right MJ. Amber's case is still investigation. For now lets just wait for the results and stop blaming anyone specially Lucky.." Mahinahong wika ng mommy ni Amber. Nagulat ako at alam ko ganun din ang mga kasama ko. Hindi ko inaasahan manggagaling yun kay ma'am Samantha kahit ako ang pinaghihinalaan ng lahat na gumawa nun kay Amber na ismong anak niya

"What? Please Tita Sam don't believe any words from that faggot. I'm telling the truth Tito Tita please you have to believe me." Pagmamakaawa ni MJ sa harap ng parents ni Amber at tinitigan lang siya ng mga nito.

"Like what your Tita Sam said.. lets wait until the investigation is over and i'll assure you MJ we will make the necessary actions right then..." naputol ang kung anong mang sasbaihin nito ng biglang nag ring ang cellphone ni Sir Carlisle at dinukot niya ito at sinagot. "Yes, I'll be there in 10 minutes." At muling isinuksok sa bulsa ang cellphone niya at may ibinulong sa asawa.

"We have to go MJ. Amber called me a while ago she's looking for you." nginitian siya ng matamis ng ginang. Sinulyapan lang kami ni Sir Carlisle at ngumiti ng matamis. Lumapit naman sa harap ko si ma'am Samantha. "Thank you so much Lucky. If weren't for you iha i'll be lying on the hospital bed right now.." pinisil pisil niya ang balikat ko bago ako yakapin ng mahigpit. Napakamot nalang ako ng ulo sa hiya. Narinig kong napasinghap si Mj at nagulat naman ang ang kaibigan ko sa narinig sa ginang.

"Wala po yun ma'am. " matipid na sagot ko.

"And by the way iha, we're very impressed with you a while ago. Your voice is very inspiring na touch ako sa song number mo. " ngumiti silang mag asawa sa akin at napanganga ako.

"I agree honey.." nakangiting sabat ni Sir Carlisle sa tabi ng asawa. Maygad! Mas kinabahan pa ata ako sa compliment ni ma'am Samantha kesa sa mga pinagkukuda ni MJ kanina.

"Thank you po." Nginitian nila akong mag asawa bago sila tumalikod at tuluyang umalis.

Tinaasan ko ng kilay si MJ dahil hanggang ngayon shock pa din siya sa narinig sa mommy ni Amber.

"Anong ginawa mo? Plinano mo na naman 'to para mapahiya ako noh?" galit na sigaw ni MJ at naglapitan na ang mga kasama ko at pinalibutan namin siya.

'KINGENANG BUHAY TO!'

"PWEDE BA MJ ITIGIL MO NA YANG KAPRANINGAN MO!" sigaw ko sa mukha niya. Hinawakan ako ni Wesley sa braso. Napapagod na ako sa kaabnuyan ng babaeng to 'e.

"Bilib na bilib na talaga ko sa karisma mo dahil lahat ng tao kaya mong paikutin."

"Tama na MJ, tapos na yung eksena mo kanina wala na yung mga kasama mo may lakad pa kami at nakaka abala ka." sabat ni Ytchee at sinamaan siya ng tingin nito.

"Hindi ako mapapagod hangga't hindi ako nakakaganti sayo. Tandaan mo may araw ka rin sa akin, pagbabayaran mo lahat ng ito." Seryosong banta niya.

"OO NA KINGENA KA, AANTAYIN KO YUNG ARAW NA SINASABI MO, AT PAGDATING NG ARAW NA YUN SUSUKLIAN PA KITA!!" napipikang sagot ko. Tinitigan niya ng masama ang mga kasama ko saka siya nag walk out. Narinig ko tumawa si Ytchee at Andi.

"Grabe hindi ba siya nagsasawa kanga ngalngal sa tuwing magkikita kayo?" singit ni Marlon na mukhang iritableng iritable.

"Bakit ba galit na galit sayo yun?" ani Wesley at inakbayan ako.

"Ewan ko ba dun, hindi ko rin maisip kong anong naging kasalanan ko sa impaktang yun."

"Hayaan niyo na lang siya mapapagod din yun." Sagot ni Kenneth.

"Mapapagod? Malabo yun dapat dun i-push niyang maging endorser ng Jollibee eh." Napailing na sagot ko sa kanya at napangiti siya.

"Hala bakit naman Jollibee ses?" nagtatakang tanong ni Marlon.

"BIDA BIDA EH." Singhal ko at sabay sabay silang tumawa.

"Pero bet na bet ko yung susuklian mo siya pagdating ng araw, laughtrip yun sobra!" malakas na tawa ni Ytchee at nahawa kami sa kanya.

"Paulit ulit kasi ampota nakaka bobo na." Napa buntonghininga ako sa inis.

"Eh ano yung eksena niyo ni ng mommy ni Amber?" si Andres at napalingon ako sa sinabi niya.

"Ano pala yung ibig sabihin niya na dun at bakit siya nagpapasalamat sayo?" interesadong tanong ni Kenneth.

*** F L A S H B A C K***

Magkasabay kaming umalis sa mesa ni Andi papunta siya sa buffet table para kumuha ng desserts at hinanap ko naman kung nasaan ang comfort room.

"Teka saan ba CR dito?" mahinang bulong ko. Huminto ako at iginala ko muna sa paligid ang paningin ko. Nakita kong naglalakad palabas ng hall yung ushertte kaya hinabol ko.

"Excuse me, Miss saan po banda ang CR dito?" Huminto siya at hinarap ako.

"Derecho ka lang tapos turn right nasa side lang siya ng hallway may makikita kang mga halaman dun na yun." nakangiting paliwanag niya. Nagpasalamat lang ako at sinunod ko yung direksyon na tinuro niya. Malapit lang pala sa hall lumabas pa ako.

Pagkatapos ko mag CR naghugas lang ako ng kamay sa sink at sandaling nagpatuyo ng kamay sa dryer. Nakapamulsa at pumipito pito pa ako habang naglalakad palabas ng CR. Naghihikab pa ako habang naglalakad itong nagkalaman ang tiyan ko siguradong aantukin ako. Nasa kalagitnaan pa lang ako ng paghihikab at laking gulat ko sa nakasalubong.

Parang nag slow motion sa paninigin ko ang dahan dahang pagkakatapilok ng isang babae habang naglalakad may tatlong dipa ang layo sa akin. May hawak itong cellphone na nakadikit pa sa kaliwang tenga niya. May kataasan ang hills na suot nito at masiyado siguro siyang abala sa kausap sa phone kaya nawala ang atensyon sa nilalakaran.

Nakita ko ang sarili ko sa kanya dahil minsan na akong nalagay sa posisyon niya. Ang pagkakaiba lang sa pagkakataong ito may pwedeng tumulong sa kanya. Mabuti nalang likas na mabilis ang reflexes ko dahil sa paglalaro ko ng volleyball at mabilis akong umabante para saluhin siya. Magkayakap kami ng ilang segundo at hindi ko alam kung kaninong tibok ng puso ang malakas na naririnig ko ngayon kung kaniya ba o sa akin.

Naalala ko nung first day ko sa Carlisle wala akong kamalay malay na may humps pala sa dinaraanan ko kaya nag dive ako sa semento. Iniisip ko na sana noon may tao ding handang sumalo sa akin kagaya ng pagkakataong ito. Sigh.

"Oh my god.." parang naiiyak na usal niya at ramdam ko ang panginginig ng kamay niya na nakalapat sa likuran ko.

"Are you okay ma'am?" Stupid me, bakit pa ako nagtanong alam ko naman yung sagot. Engot. Tsk!

"Thank you, thank you---" natatarantang sagot niya habang dahan dahang tumatayo.

"Its okay ma'am your safe now." Hinimas himas ko ang likod niya para kumalma. Dun ko lang napansin ang kabuuan niya ng tumayo siya ng tuwid sa harap ko. Middle aged woman, mga 5'6 ang taas at napakaganda, maputi at makinis. Mukha siyang beauty queen. Feeling ko kaedaran lang siya ni Nanay pero mahirap hulaan dahil mukha siyang bata kung tititigan, mukhang maalaga kasi ito sa katawan at alagang alaga ang makinis at malambot nitong balat.

"If you don't mind me asking iha, student ka ba ng Carlisle Academy?" bukod sa pagiging sopistikada niya napaka bait ng dating o ng aura niya, masarap sa pandinig ang boses niya na akala mo'y isang musika. May lambing sa dulo at ang sarap sa pandinig kaya natulala ako sa kanya pansamantala.

"O-Opo ma'am. " Nahihiyang sagot ko at ngumiti siya ng matamis.

"I see. Maraming salamat iha sige na bumalik kana sa loob."

"Sige po maauna na po ako." At nag bow lang ako sa harap niya at nagmadaling umalis. Taga Carlisle din ba siya? Bakit ngayon ko lang siya nakita?

***E N D O F F L A S H B A C K***

KENNETH'S POV

"Okay ka lang?" mahinang sambit ni Wesley sa tabi ko habang naglalakad at nag iikot kami sa Teacher's Camp.

"O-Oo naman. Bakit?" nagtatakang tanong ko.

"Wala naman napapansin ko lang kanina kapa na nanahimik eh."

"Palagi akong tahimik masiyado ka lang maingay."

"Something bothering you Kenneth. Don't lie to me.." Nakangiting tugon niya.

"Tss, dami mong napapansin."

"Because I know you very well bro." pang aasar niya at tinulak ko siya ng mahina sa balikat at tinawanan lang ako.

Actually, a lot of things bothering me today. Hindi ko na nga lang alam kung papaano ko siya iisa-isahin ngayon.

Kanina pagbalik ko galing sa suite nila Lucky tinawagan ako ni Daddy. Nagdaramdam siya sa hindi ko pag papaalam ng umalis ako sa bahay kanina. I know my fault, pero sinadya ko talaga yun dahil nagtatampo parin ako sa kanya. Hindi parin kasi mawala sa isip ko yung nangyari sa mall kapag nakikita ko siya. Nasanay akong wala siya noon, things more better without him around, I hope it stays that way. Pero hindi na yun mangyayari ngayon dahil bumalik na siya sa bahay for good.

"What can you say about Lucky's performance?" biglang pag iiba niya ng usapan.

"He's incredible you know as usual.." walang kagana ganang sagot ko. Pero i mean it, Lucky's really incredible a while ago.

"Yeah, stunning. I always felt different when he sung." Napatitig ako sa mukha niya. Atleast hindi ako nag iisa, because we feel the same way.

"Tss, mukha nga eh tulala ka kasi habang kumakanta siya." Natatawang sambit ko para hindi ako mahalata at pinandilatan niya ako.

"Bakit ikaw din naman ah?" nakangusong sagot niya. Tulala din ba ako kanina? Hmm, Maybe. Naisip ko kasi si Daddy habang kumakanta si Lucky kanina. I really felt Lucky's emotion while singing . I feel sad, sadder than sad actually. Aside from he's very good at singing, he's exellent when it comes to song interpretation. He's amazing story teller. Dadalhin ka niya sa mundo niya at ipaparamdam niya sayo what it feels like to be the main character of the story.

But on a lighter side, i feel proud of myself too. Kasi ako ang hiningian niya ng idea sa kung anong kakantahin niya kanina. And i was thinking about my dad that time when he asked my suggestion. Honestly na bigla din ako dun pero knowing Lucky, sometimes he's contrary of what you expected.

"Na amaze lang siguro ako the way he interpreted the song." Matipid na sagot ko.

"Yeah, narinig ko na ng ilang beses ang iba't ibang song cover ng kantang yun, but Lucky's interpretation is heartmelting. I feel Lucky, after i heard the song suddenly i miss my dad." mahinang sambit niya.

'Yeah, me too Wesley.'

"Do you feel the same way Kenneth, did you miss your dad too?" nakangiting balik niya ng tanong.

"Sometimes." Mahinang sagot ko. I felt stupid. Itinuon ko nalang ang atensiyon ko sa iba.

"I guess i'm starting to like him.." bigla akong napalingon sa kanya at nakita ako siyang naka ngiti habang nakatingin kay Lucky na kasalukuyang tumatawa habang kasama ang mga kaibigan niya.

'Hindi ko na siguro kailangang itanong kung sino ang tinutukoy niya.'

"What do you like about him?"

"I don't know, i can't explain it. Naisip ko lang ngayon.." Umiling iling pa siya at natatawa.

"Matagal mo na siyang gusto, in denial ka lang talaga ulol." Nakangiting sagot ko pero parang may bumara sa lalamunan ko ng bitawan ko ang birong yun.

"Siguro nga, from now on i wanna know more about him, EVERY-THING." desididong sagot niya.

"Wesley, favor naman oh, kunan mo kami ng picture. Ito ang first barkada picture namen eh." putol ni Andi sa usapan namin. Of course mabilis itong pumayag dahil involve si Lucky.

Naiwan akong tulala sa tabi dahil sa huling sinabi ni Wesley. Parang tinamad at nawalan ako ng ganang gumala. Hindi ko bigla maintindihan yung sarili ko. Nagbago yung mood ko at ang tingin ko sa paligid. What's wrong with me?

Pinanunuod ko na lang silang lahat habang nagkakatuwaan sa pag kuha ng picture sa bawat lugar na mahintuan namin.

"PSSSST!" Nag angat ako ng tingin at nakita ko si Lucky na sinenyasan akong lumapit.

"Sumama ka naman, wag kang kill joy." Bungad niya paglapit ko.

"Kayo na lang wala ako sa mood." Mahinang sagot ko habang nakapamulsa.

"May problema ba?" linapitan niya ako at halos isa't kalahating dangkal nalang ang pagitan naming dalawa. Walang kakurap kurap na tinitigan niya ako.

"Nothing. I'm fine. " pinilit kong ngumiti at magmukhang normal sa harap niya.

"No, you're not." umiiling na sagot niya.

'Ang kulit nito.'

"Alam mo ba na yung mga taong madalas na sinasapian ng mga espiritung gala 'e yung mga taong loner at tahimik." pabulong na kwento niya. "Yung tipong sobrang seryoso at hindi mahilig makisalamuha?" Seryosong dugtong niya habang nakatingin dun sa apat na walang kapagurang nagkukulitan.

"Saan mo naman nabasa yan? Ikaw matatakutin ka na nga hilig mo pang takutin ang sarili mo." singhal ko dahilan para magsalubong ang kilay niya.

"Totoo yun, napanuod ko na yun sa TV dati at yung iba nabasa ko." Nakangusong sagot niya at inirapan ako.

"Don't you dare roll your eyes on me." naiinis na banta ko.

"NYEH, NYEH, NYEH, NYEH, NYEH!" Pang gagaya niya sa tono ko. Abnormal.

"Tss, Hindi ako matatakutin kagaya mo. Alam mo bagay na bagay kayo ni Wesley eh, pareho kayong matatakutin sa mga simpleng bagay." At bigla siyang tumawa ng malakas. Weirdo, sinabi ko lang na bagay sila tuwang tuwa naman siya.

"Alam mo ba kung paano kami nagka kilala ng pinsan mo?" nakangiting tanong niya.

'Who care's. Kailangan ba lahat malaman ko about sa love story niyo?'

"O-Oo na ikwento niya sa akin before." masungit na sagot ko.

"Hindi yun ang tinutukoy ko. Kung ang iniisip mo yung time na pinatamaan niya ako ng bola sa ulo." hindi maalis ang ngiti sa mapulang labi niya.

"Eh ano?" kunot noong tanong ko at nararamdaman kong malapit ng maubos ang pasensiya ko. Kung ano man ang gusto niyang sabihin wala akong panahong makinig sa mga yun.

Hindi siya nagpapigil at nagsimula siyang magkwento. Natagpuan ko nalang yung sarili kong tumatawa habang nakatingin sa mukha niya. Natatawa ako hindi dahil sa kwento niya kundi sa paraan niya ng pagku-kwento. May ka kengkoyan kasi si Lucky hindi siya exaggerted pero natatawa ako sa mga facial expression niya lalo kapag tumatawa na siya. Natural ang pagiging komedyante niya. Lagi siyang may komento sa lahat ng bagay sa paligid niya. Ito ba nag tunay na ba Lucky Gonzaga?

"Ang laki laking tao matatakutin. Amazing!" tumawa siya at nahawa ako sa kanya kaya sabay kaming tumawa ng malakas.

"If i'm not mistaken, that's the time nung tinawagan niya ako ng maraming beses para samahan siya."

"Tinawagan ka niya? Bakit daw?" nagtatakang tanong niya.

"Ewan ko dun sinama pa ako dun malapit sa Admin Building. Kung saan niya naramdaman yung malamig na malamig na hangin after niyo mag usap." Paliwanang ko at bigla siyang natulala at hindi na gumalaw. "Hey, L-Lucky are you okay?" hinawakan ko siya sa magkabilang balikat at inalog alog ko pero hindi na siya gumagalaw. Kinabahan ako bigla.

"I-I"m f-fine." Nauutal na sagot niya sabay ngiti.

"I'm fine pero bakit namumutla ka?" nag aalalang tanong ko dahil nakita kong pinagpapawisan siya.

"S-Sinabi niya sayong nakaramdam siya ng malamig na hangin nung time na yun?" napapalunok na sagot niya.

"Oo, malamig daw na hangin. Kaya yun sinamahan ko siya kung saan lugar ka niya nakita."

"A-At a-anong nakita niyo?" lumapit siya sa harao ko at parang batang tinitigan ako.

"HAHAHAHAHAHAHA!" hindi ko napigilang matawa dahil sa na alala ko nung araw na yun.

"Anong nakakatawa Kenneth?" blangko padin ang expression ng mukha niya.

"W-Wala wala naman. Natatawa lang ako kapag naaalala ko yun."

"So, hindi lang pala ako ang nakaramdam ng malamig na hangin ng araw na yun kundi pati pala siya." Nakayukong sagot niya at naka kuyom ang mga kamao na nakapatong sa dalawang binti niya. Inalalayan ko siyang tumayo ng tuwid. What's going on with him?

"Are you sure you're okay?" hinawakan ko siya sa kanang balikat.

"Naramdaman ko rin yung malamig na hangin nung umalis siya." Tulalang sambit niya habang nakatingin sa mga kaibigan niya.

'Hala seryoso siya?'

"Sinamahan ko si Wesley pabalik sa lugar na yun." Mahinang sagot ko at tinitigan niya ako sa mata. This time seryosong seryoso ulet siya at bumalik ang pamumutla niya.

"Anong nakita mo? Naramdaman mo rin ba yung lamig?"

"O-Oo.." mahinang sagot ko.

"OH MY GOD! OH MY GOD!" Bigla siyang napaupo at niyakap ang tuhod na parang batang takot na takot.

"Malamig nga yung hangin Lucky.. Kasi naka bukas yung pinto ng truck ng nag dedeliver ng frozen food sa school." At bigla akong tumawa ng malakas at nakita kong nahinto sa paghaharutan yung apat at biglang napatingin sa aming dalawa ni Lucky.

"Siraulo ka seryoso ako!" sigaw niya sa akin.

"Oo nga, seryoso din naman ako ah." Natatawang sagot ko at tumayo siya kitang kita ko ang galit sa mga mata niya. At sa takot napatakbo ako at hinabol niya ako. Kaso mabilis niya rin akong naabutan dahil sa kakatawa ko. Humihingal kaming dalawa at ilang beses niya akong kinurot at pinaghahampas sa braso.

"Ikaw nakaka inis ka seryoso ako tapos puro ka kalokohan." Pinaghahampas niya ng mahina ako sa braso at mangiyak ngiyak naman si Lucky habang sabay kaming humihingal.

"Eh seryoso din naman ako ah." Natatawang sagot ko habang iniilagan yung ibang hampas niya.

"Hoy, ano yang eksenang habul habulan niyo pasali naman kami.." lumapit na sila Andi sa amin ni Lucky.

"Yan kay Wesley mo itanong kung ano talaga ang nangyare." Turo ko kay Wesley. Napilitan akong ikwento ko ang napag usapan namin ni Lucky kanina.

"HAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAH!" Sabay sabay na tawa nilang apat.

"Laughtrip yun ampota!" sagot ni Ytchee.

"Nung hindi ko pa alam na truck yun ng frozen food, ganun din ang naramdaman ko. Creepy!" natatawang kwento ni Wesley.

"Hoy, grabe kayo makatawa, kung kayo ang nandun baka matakot din kayo. Parang zombie na nga yung lakad ko nun pabalik sa Admin Building dahil sa takot." Ngusong sagot ni Lucky. "Parang ganito oh!" at saka idinemo ang uri paglalakad niya. Lalo siyang inulan ng kantiyaw galing sa mga kaibigan niya.

"Epic yang Zombiew Walk mo ses, kinabog mo yung Tsunami Walk ni Shamcey Supsup at Cobra Walk ni Janine Tugonon." Natatawang sagot ni Marlon. Lalong lumakas ang tawanan namin ng gayahin pa ni Ytchee yung Zombie Walk ni Lucky.

"Tama na yan, baka mapikon si Lucky sa inyo." Saway ni Wesley kaya tumigil na sila sa pagtawa. He's being over protective. Inakbayan niya si Lucky para i-comfort. Nag iwas ako ng tingin. Naala ko na naman yung pinagusapan namin kanina. Seryoso na kaya siya dun?

"Picture picture ulit, Lucky dahil ikaw ang pinaka maganda sa amin ikaw ang kumuha ng picture!!" sigaw ni Andi at nginiwian siya ni Lucky bago tanggapin ang DSLR camera. Natawa ako sa itsura niya pero hindi na ako nagpahalata nung tumingin siya. Mahirap na baka mahampas na naman ako sa braso.

"Sumama kana dun Kenneth, huwag mo kong tingnan baka ma inlab ka sa akin sa-gu-tin pa kita ura-urada!" Pabirong sigaw ni Lucky sa akin kaya lahat sila napatingin sa aming dalawa. Mapanukso ang tingin ng tatlong kaibigan niya. Nakangiti naman si Wesley pero hindi umabot sa tenga.

Hindi ko alam kung anong susunod kong gagawin dahil nahihiya ako dun sa biro niya, ngayon pa na alam ko na yung tunay na nararamdaman ni Wesley para kanya. Ayokong may ibang isipin si Wesley o ma misinterpret niya yung biruan namin ni Lucky.

Napilitan akong lumapit sa kanila at napansin kong kakaiba yung tingin ni Wesley sa akin, not the usual Wesley look.

'I'm Dead!'

"Oh Andi umusog ka ng kaunti sa dulo!" bigay ni Lucky ng direksiyon kung saan kami pupwesto. "Marlon sa gitna ka ng mag pinsan! Ytchee sa kabilang dulo ka sa tabi ni Kenneth!" sunod sunod na sigaw ni Lucky.

"Bakit sa dulo ako seshie?" sigaw ni Andi kay Lucky habang sinisipat yung camera na hawak niya.

"Para may balance at theme yung picture niyo." Sagot niya ng nakangiti.

"Ay bet ko yan ses, anong theme namin?" sabat bi Marlon.

"BARBEQUEUE!" malawak na ngiting sagot ni Lucky at lahat naman kami nagtataka sa sinabi niya.

'Barbequeue?'

"SMILE!! SAY LUCKY ME!" sigaw niya kaya hindi na kami nagtanong kung bakit.

"LUCKY ME!" sabay sabay naming sigaw.

"Anong connect sa BBQ?" sigaw ni Andi kay Lucky.

"Diba sa BARBEQUEUE STICK nasa huli lagi yung taba? Kaya nga hinuli kita eh." Seryosong sagot niya habang ina-adjust yung lens ng camera. Bigla akong natawa ng malakas at ganun din si Wesley at yung iba naming kasama.

"Loko loko talaga.." napapailing na bulong ni Wesley. Nagtama muli ang mata namin at sabay kaming napangiti sa isa't isa.

"PUNYEMAS KA BAKLITA KA!!" Malakas na sigaw ni Andi at naghabulan sila ni Lucky.

"BWAHAHAHAHAHAHAHAHAHAH!" Malakas na tawa naming lahat.

To be continued...


Load failed, please RETRY

Status de energia semanal

Rank -- Ranking de Poder
Stone -- Pedra de Poder

Capítulos de desbloqueio em lote

Índice

Opções de exibição

Fundo

Fonte

Tamanho

Comentários do capítulo

Escreva uma avaliação Status de leitura: C41
Falha ao postar. Tente novamente
  • Qualidade de Escrita
  • Estabilidade das atualizações
  • Desenvolvimento de Histórias
  • Design de Personagens
  • Antecedentes do mundo

O escore total 0.0

Resenha postada com sucesso! Leia mais resenhas
Vote com Power Stone
Rank NO.-- Ranking de Potência
Stone -- Pedra de Poder
Denunciar conteúdo impróprio
Dica de erro

Denunciar abuso

Comentários do parágrafo

Login