(Jing-ER POV)
"Dahil kapag may nakalabas, ikaw lang naman ang siyang babalikan ko Miss. Sana nga nagkakaunawaan tayong dalawa. Do you understand?" Pabulong niyang sabi sa huli nitong sinabi.
Napatango na lamang ako. Malalasahan ko na kasi ang daliri nito. Di ko pa naman ini-expect na meron akong malanding labi.
Aalis na sana siya ng biglang may mga sumulpot na taga media na siyang ikinasilaw ng mga mata ko. Agad naman niyang hinarang ang sarili sa akin. Hinabol ng mga tauhan niya ang mga taga media.