Capítulo 306: Chapter 89 Close The Terrace
"Anong problema mo sa ngiti ko?"
"Ingit ka lang sa ipin kong ubod ganda. Wala akong personal dentist, ever since…"
Wag pansinin MIssamy. Mapipikon ka lang… kung sa ngiti mo napipikon si Jeff… edi go lang Missamy. Ipakita mo sa kanya na wala kang sinasamba.
Kahit mukha na nga talagang praning.
Naunanag umalis yung dalawang bata… na parang makakatulog na nga si Icy. Kinuha na ito ni Jay, at nagpaalam na rin.
Kaming dalawa na itong naiwan ni Jeff.
Kala ko ba may date sila ng Jowa niya… bakit parang gutom na gutom? Di ba nakakain ng maayos? Oo nga naman di ka makakain ng maayos dahil nasa harapan mo ang pinapasikatan mong taon. Yieehhh… nagagawa ng pag-ibig nga naman.
Napangiti na naman ako na parang tanga.
At si Jeff biglang binitiwan ang tinidor at kutsara niya… na nawala na nga atang gana sa akin… na feeling niya siya itong pinagtatawanan ko. Hahaha, siya naman talaga. Ang sensitive niya… grabe.