Capítulo 249: Chapter 32 Don't Stare at Her, Jeff
Kinuha naman ni Missamy ang Microphono na bigla na lang ako inapakan ulit sa ilalim ng mesa. Talagang malilintikan ang babaing to sa akin.
Saka humarap sa akin na may mga ngiti sa kanyang labi. Tumango sa akin… at humarap kay Jean.
"Hi Jean." May pakaway pang nalalaman. Tipong parang malayo sa kanya yung tao.
"Uhmmm… Saan ba ako magsisimula. Thank you na nauna mo akong mas nakilala kaysa sa groom kong to… na pangalan ko nga sa kanya parang tongue twister… kaya nga Missamy lang alam niyan."
Pinagtawanan ako ng mga bisita ng…
"Sweetie, pabigkas naman ng pangalan ko dyan."
"Maria Missamy Charm Opiana Lee Chan."
Nang bigla akong binatukan ni Missamy.
"Ahahaha.. oh diba lalong humaba ang pangalan ko. Thank you sa Last Name Jeff."
Lasing na ba ang babaing ito?