Selfish at Selfless love? iniisip ko palang parang nakakatakot na mainlove, pwede palang maging makasarili at magmahal ng higit pa sa sarili mo..
Ganun pala ang power ng love , kaya kang baguhin para sa taong mahal mo...
Hahahaha, napatawa nalang ako sa mga naiisip ko, Imposible namang inlove ako
hindi pa naman nangyayari sakin iyong mga signs na sinabi nya...
wait, parang meron?
isip isip isip,
omg... signs din pala iyong paulit ulit mo syang maiisip... so inlove nga talaga ako???
hindi pwede, imposible... iniisip ko lang sya kasi interesado ako sa kanya, i mean nacucurious lang ako... iyon lang iyon
tsss, makapag online na nga lang...
pagkabukas na pagkabukas ko palang ng fb nakita ko na agad ang friend request nya,
iaacept ko kaya?
napaisip muna ako, pano kung totoo ngang may nadedevelop na akong feelings para sa kanya?
pwes, patutunayan kong wala... clinick ko na ang accept button, nag check naman ako ng message, lahat ng message galing sa mga classmate ko at sa gc ng course namin...habang ini-scan ko ng tingin ang inbox ko,
1 message
zack sanchez , online 4 minutes ago
may nakita akong message galing sa kanya...binuksan ko ito
Hi Hanah !!
kamusta? paaccept naman ng friend request ko..
Thank you ^_^
yan ang natanggap kong message galing sa kanya,
nireplyan ko nalang, since hindi naman na sya active
Hello din zack :)
ok lang nman, ikaw kamusta?
naaccept ko na pala
ur welcome
mag ooffline na sana ako after kong naisend ang message ng magreply ulit sya...
yess!!! naabutan din kitang online, kanina pa kita inaantay mag online e...
pahinge na lang ako ng number mo para sure na makakausap kita, kahit dika mag online
ang bilis ng tibok ng puso ko habang binabasa ito.... hindi agad ako makapag reply, hindi pa kasi nagsink in sa utak ko ang lahat ng sinabi nya...
ah, cge
0925478**** yan ang number ko
pakilala ka nalang pag nagtext ka... reply ko sa kanya
Thank you ulit Hanah,
gusto talaga kitang makilala pa ng lubusan..
Ay, ganun ba?
feel free lang kung may gusto kang itanong sakin
pinipilit kung ikalma ang aking sarili habang tina type ito... bigla namang sumagi sa isip ko, kung bakit parang interesado sya sakin....pero ayokong mag assume
Hehe, sobrang dami ko talagang gustong itanong, about sa family mo, hobbies mo, interest mo at kung ano iyong tipo mong lalaki, chat muna tayo kahit mga isang oras pa, ok lang ba??
ok lang naman sakin, may mga itatanong din ako sayo...
sinagot ko lahat ng tanong nya
time ko na para magtanong at sa dami dami ng tanong na maiisip ko, hindi ko alam kung bakit iyon pa ang naisip ko...
uhmmm, ang cute ng bracelet mo, sino nagbigay nyan sayo??
hindi na sya nag reply..
shet!!! baka sobrang personal ng naitanong ko, baka nagalit sakin, napaka unexpected ko naman kasi magtanong, out of the blue...
no regrets padin kahit magalit sya, iyon naman talaga ang gusto kong malaman, sobrang curios ako sa bracelet nya, tatlong taon nadin simula ng una ko syang nakita...
siguro nga gf or ex ang nagbigay nun ,someone special sa kanya...
at dahil sa tanong ko, baka may naalala sya na memories nila....
nanikip ang dibdib ko bigla, nakaramdam ako ng kirot...selos? nagseselos ba ako sa idea na may mahal syang iba....
nagpasya akong mag offline na, matutulog na lang ako..