Baixar aplicativo
75% (Primero #1) He Abused Me / Chapter 6: Chapter 5

Capítulo 6: Chapter 5

Samantha POV

Maaga palang nagready na ako para sa pag-alis ko mamaya.

Nasa isang malaking luggage na rin yung mga damit na gagamitin ko hindi ko na dinamihan pwede namang maglaundry nalang ako dun eh. Sayang din kasi ung sakaling di ko rin magamit yung ibang damit kung madami kong dadalhin.

Kagabi bago ako matulog gumawa na ako ng resignation letter and ipinadala ko nalang yun kay Janine mamaya pagpasok niya sinabi ko rin sa kanya na ilagay nalang yun sa mesa ko dati at pakuha nalang nung mga gamit ko na nandoon pa sa mesa ko.

After lunch ako aalis hihintayin ko pa kasi si Jus and Janine, dadaan kasi sila dito para magpaalam sakin at ibigay narin yung mga gamit ko. Ewan ko lang kung isasama nila si Dave, pero siguro.

~

Kakatapos ko lang kumain ng lunch at sakto namang may nag-doorbell na.

*Dingdong! Dingdong!*

Dali-dali akong pumunta sa gate para pagbuksan ito.Siguro sila Janine na 'to at yea, tama nga ako. Sila nga kasama nila si Dave.

"Oh! Pasok guys!"

Aya ko sa kanila sabay nilakihan ang pagbukas sa pintuan.

Nagtuloy-tuloy kami papasok sa loob at sabay-sabay umupo sa sofa.

"Gusto niyo bang kumain muna? Nagluto ako."

Tanong ko sa kanila.

"Ayy! Gusto ko yan! Sige kain muna tayo!Gutom na ako!"

Sigaw naman ni Jus sabay takbo papuntang kusina. Sumunod naman si Janine na nginitian ako nung dumaan sakin.

"PG ka talagang bakla ka eh nuh?!"

Rinig ko pang sigaw ni Janine kay Jus.

Tinignan ko naman si Dave na kasalukuyang nakatingin sa may luggage ko na nasa sala.

"Aalis ka?"

Tanong nito sakin nang nakakunot-noo.

Napakagat naman ako sa pangibababa kong labi at dahan-dahang tumango.

"San ka pupunta?"

Tanong pa nito.

"Batangas, sa rest house nina Janine."

Sagot ko naman sa kanya.

"Bakit?"

Tanong niya ulit pero bago ko pa masagot ay bigla nalang lumabas galing kitchen si Jus at inaya na kaming kumain.

Sumunod nalang naman na kami sa kusina,Napapak lang ako ng grapes habang kinakausap sila. Tapos nanaman kasi akong kumain ng lunch.

"So? Tuloy-tuloy na talaga ang pag-larga mo sister?Di ka na talaga mapipigilan?"

tanong naman ni Jus sakin sabay subo na nang pagkain.

Umiling-iling naman ako sa kanya.

"Bakit ka ba kasi aalis? Saka nagresign ka pa talaga kahit pwede namang mag-leave ka nalang muna?"

Tanong naman ni Dave na nakain rin.

"Wala, magbabakasyon lang."

Sabi ko nalang sa kanya.

Hindi ko gustong sabihin kay Dave ang dahilan baka kung ano pang mangyari saka buti na nga lang hindi siya nagtatanong sakin tungkol sa nangyari kagabi dahil sa paghila sakin ni Sir Sky.

~

Hindi rin naman na nagtagal dito yung tatlo dahil babalik pa sila sa trabaho at dinaanan lang talaga ako. Bago naman kami magkahiwa-hiwalay forever na habilinan naman ang pinaalala sakin nung tatlo. At bibisita daw agad sila dun once na hindi busy, Nakakatuwa lang na para namang super tagal ko dun eh samantalang one month nga lang ako dun. haha

Pagkaalis nila inaayos ko na muna yung mga pinagkainan at konting linis ng bahay at umalis na rin ako. Syempre ni-lock ko ng mabuti yung bahay, Hayss mamimiss ko 'to.

Ginamit ko yung Porsche ko matagal na 'to sakin at bihira ko lang talagang gamitin dahil narin mahal ang gas. Nabili ko 'to dahil sa mga ipon ko noon sa pagiging scholar hindi ko naman kasi talaga super ginamit yung perang itinira sakin ng parents ko sa bank para sa pag-aaral ko. Kaya yun nagipon-ipon pa ako at nabili ko 'to.

Nang dumaan ako sa guard house ipinaalam ko muna kay kuyang guard yung pagkawala ko at nagsabi na kung pwedeng magpa-patrol minsan para mabantayan rin yung bahay ko.Syempre nuh! Mahalaga sakin bahay ko dahil remembrance yun nina mommy and daddy sakin.

Gumamit nalang ako ng GPS para makapunta sa batangas kung saan nandoon yung resthouse nila Janine.

Sky POV

11:30 basa ko sa orasan sa side table ko.Shit! Tinanghali ako nang gising! Nakakainis naman kasi hindi ko alam na bigla nalang magaayang magkipaginuman yun si Mr. Ang kaya ginabi narin ako ng uwi kahapon. Tsk.

Nagayos na ako para dumaan muna ng kompanya magababkasakali ulit na nandoon si Samantha.

Pagdating ko sa kompanya mga nagla-lunch na sila, dumiretso naman na ulit ako sa floor ng office ko pero katulad kahapon ay wala nanaman akong Samanthan-g nakita.

Paalis na ulit sana ako pero napansin ko ang isang sobre sa lamesa ni Samantha.

Binuksan ko ito at bullshit! Resignation letter!

Binuksan ko yung mga maliit na drawer sa ilalim ng mesa niya pero wala na doong gamit. So, dumaan siya dito kanina?

Tumatakbong bumababa ako at dire-diretsong pumunta sa parking at sumakay agad sa naka-parking kong 918 Spyder.

Tinahak ko ang daan patungo sa bahay ni Samantha na nasa Cris village.

Hindi na ako huminto pa nung napadaan ako sa gate kung saan nandoon ang guard dahil may kausap rin naman itong nasa loob ng isang black porsche.

Nang nasa harap na ako ng bahay ni Samantha ay tumigil na ako.

Bumaba ako at saka nag-doorbell. Paulit-ulit akong nagdoorbell pero walng nalabas. Wala ba siya dito?! Argh!

Magdo-doorbell sana ulit ako nang biglang may lumabas na isang matandang maid sa kabilang bahay na katabi nitong bahay ni Samantha.

"Ah, Hijo hinahanap mo ba si Samantha?"

Tanong nito sakin habang may hawak pang isang trash bin na halatang itatapon palang niya.

"A-ah. Oho,nandito po kaya siya?"

Tanong ko naman sa kanya.

"Ay! Naku! Wala! Kaaalis lang niya, baka mahabol mo pa iyon dahil hindi pa naman siya nagtatagal."

Sagot naman nito. Tumango-tango naman ako at mabilis na nagpasalamat dito sabay sakay na ulit ng sasakyan ko.

Nang makarating ako sa guard house nagtanong agad ako kung lumabas ba ng village si Samantha.

"Ah sir oho, Kaaalis-alis lang ho niya yung nakasakay ho sa black porsche."

Sagot naman nito. Letse! Kung minamalas ka nga naman oh-oh!

Nagpasalamat naalang ako sa guard at umalis na ulit. Nakakainis! Nakasalubong ko na pala siya kanina tas hindi ko pa alam. Arghh!

Babalik ako bukas baka naman bumalik na siya nun. Di ko pa naitanong sa guard kung sinabi ba nito kung saan siya pupunta. Bullshit talaga!


Load failed, please RETRY

Status de energia semanal

Rank -- Ranking de Poder
Stone -- Pedra de Poder

Capítulos de desbloqueio em lote

Índice

Opções de exibição

Fundo

Fonte

Tamanho

Comentários do capítulo

Escreva uma avaliação Status de leitura: C6
Falha ao postar. Tente novamente
  • Qualidade de Escrita
  • Estabilidade das atualizações
  • Desenvolvimento de Histórias
  • Design de Personagens
  • Antecedentes do mundo

O escore total 0.0

Resenha postada com sucesso! Leia mais resenhas
Vote com Power Stone
Rank NO.-- Ranking de Potência
Stone -- Pedra de Poder
Denunciar conteúdo impróprio
Dica de erro

Denunciar abuso

Comentários do parágrafo

Login