Chapter 8 – Cable Blade
Sabi ko kay Kuya Benjo nun, nakain ko na yung Burger… pero sa totoo lang wala naman talaga, saka wala ring Zark's Burger sa Robinsons Metro East. Anyway, grabeng experience yung kanina. Akala ko papalpak ako pero buti nalang kasangga ko si God para mapigilan ko kanina yung maaaring mangyaring masama. Nailigtas ko si kuyang biktima kanina sa panganib, at buti nalang din napigilan din ni Rouser yung dalawa pang kawatan.
Nung naghihiyawan na yung mga tao nun ng 'Rouser!' alam ko na agad na sya yun at naupakan nya na yung dalawa kaya ko na sinamahan si Kuyang biktima kanina… pero ano kayang nangyari kung sinamahan ko pa sya nun….
Malamang sasabihin nyang may kapangyarihan din ako, o baka sabihin pa nyang 'Superhero' din ako tulad nya. Pero hindi eh…
Ginawa ko lang naman yung nararapat gawin at yung sa tingin kong tama. Pero kung ipagpapatuloy ko pa to, talagang doon na rin ako patungo eh, kasi… para saan pa nga tong kapangyarihan ko kung di ko naman gagamitin sa tama. Everything happens for a reason ika nga nila, at mukang may kasagutan na yung 'reason' na to.
Bago ako matulog nun ay naikwento ko pa kay Yaya yung mga nangyari. Then gumawa ako ng list, na tinawag ko 'Skills'
1. Cloud Control (Yung nagagawa kong mapasunod saakin yung ulap sa kalangitan. Cool AF)
2. Cloud Blast (Buga ko ng ulap mula sa kamay ko, na parang fire extinguisher ang dating)
3. Cloud Ball (yan na yun, cloud ball… pang takip sa muka ng kawatan)
4. Cloud Phasing (tinawag ko nalang cloud phasing yung kakayahan kong tumagos sa pisikal na bagay)
5. Levitation (Kaya kong mag-lift ng object sa ere gamit tong cloud powers ko tulad ng papel, phone, plato. Natagos sa ulap pag heavy na masyado yung gamit)
6.
7.
8.
9.
10.
Yan pa lang yung sa tingin kong nadiscover ko nang kapangyarihan ko at sinadya kong gawing 10 kahit na 5 pa lang yung kaya ko gawin, ako na nagbansag sa mga yan kahit na ang korni na lagi may 'cloud' word sa harap. So far, ang pinaka madali for me is yung Cloud Blast, and yung mahirap para sakin is yung Levitation. Parang limit lang sa light objects ang kaya ko, sa plato pa lang nahirapan na ako eh. Wala pang one-month nang madiscover ko tong kapangyarihan ko pero buti nalang gamay ko na agad hehehehe!
..
Monday,
Bukod sa kontrolado ko kaagad yung kapangyarihan ko, hype na hype pa ako sa school ngayon. Inspired akong galingan pa sa academics. Wala naman akong balak mag top 1, basta aral lang. No to lovelife na ako kasi andaming mangloloko dyan eh.
"Ang blooming mo tingnan beh! Hahahaha!" -Queenie (Close friend)
"Di naman, nasa good mood lang talaga ako ngayon beh" -Ako (Claudine)
"Ibig-sabihin nyan ay manlilibre ka samin hahahaha!" -Alex (Close friend ko din)
"No problem sakin… dapat nga yayayain ko kayo nung sabado kaso offline kayo eh" -Ako
"Tingnan mo yan di mo kami sinasama sa gala mo!" -Queenie
"Meet-up ata kaya di tayo niyaya? Naks umiibig kana ulit Claud!" -Alex
"Oy!! Wala akong mineet non! Sa MetroEast ako gumala nun, nabored lang kasi ako"
"Wag mo sabihing…. Nagshawarma ka?!" -Queenie
"I did"
"HALAAAAAAAAAAAAAAA!!!! HUHHHH!!! WALA NA FINISH NA!" -Queenie
Nagwala na nga tong si Shawarma Queen… hahahahaha!! Dapat pala hindi ko na sinabi.
"Sabado?! Teka naandoon si Rouser nun ah!" -Alex
"Oo nga daw beh, may snatcher syang inupakan doon! Nabasa ko lang sa facebook" -Queenie
HAHAHAHAHAHA!! ETO NANAMAN KAMI SA USAPANG ROUSER!
"Nakita mo ba sya Claud?" -Tanong ni Queenie
"Hindi eh, nakauwi na ata ako nun nung nangyari yun" -Kunware di ko alam yung nangyari
"Sa nabasa kong article sa facebook, lima yung nilabanan nya ng sabay-sabay! Grabe ang bangis nya talaga!" -Alex
"Anong lima?! Dalawa lang yun!" -Sabi ko
"Dalawa lang ba? Eh? Ibig-sabihin nakita mo sya?!" -Queenie
Oooooooopppppppsss! Nasabe kong dalawa lang yung nakalaban nya.
"Sabi kasi lima eh, tapos naibalik nya yung bag sa pinagnakawan nung mga kawatan, grabe idol ko talaga sya!" -Alex
"Napaka-bias naman nung gumawa nung article na yan, pero sa pagkakaalam ko dalawa lang talaga yung kawatan na yun." -Sabi ko, kunwari di ko alam.
"Eto pala girls yung latest post sa official facebook fan page nya, nag-post sya sa kung sino daw ba yung nakakakilala sa isa pa daw na superhero na may kakayahang mag-control ng ulap. Tapos shinare nya din yung video na kuha ng CCTV nung nakaraan, yung may pinatumba nya yung riding in tandem!" -Alex
"Yan yung binato sila ng puting bola diba tapos di natanggal sa ulo nila tapos bumangga sila sa sasakyan?" -Queenie
"Oo Queenie! Ulap daw yung puting bola na yun at siya ata yung tinutukoy ni Rouser na isa pang Superhero at mukhang gusto nya yun makasama, magkakaroon na ng sidekick si Rouser hahahaha!!" -Alex
"Magiging sidekick nya lang yon? Parang hindi naman" -hahahahaha! Gago tong mga kaibigan ko amwala
"Hindi pa nga natin alam pangalan nung isang yun eh, yung alias nya bilang superhero" -Queenie
"Nakita ko na yung video na yun, sino kaya yung isang yon noh? Maganda ata sya?" -Galing ko umarte, eh ako yung tinutukoy netong dalawang to. Di lang nila alam hahahaha!!
"I think mas maganda ako sa kanya kaso wala akong super powers" -Kapal ng muka neto ni Queenie
Napasarap yung kwentuhan naming tatlo nun. Ang kulet pala ng ganito noh… yung hangang-hanga sila sayo pero di nila alam na ikaw pala yung hinahangaan nila. Di ko pwede ipaalam sa mga to na ako yung isa pang "Superhero" kuno na tinutukoy nila, dadaldal pa naman nila.
Habang wala kaming prof, pumunta ako sa corridor nun para muling pag-masdan ang kaulapan. Sinubukan ko kung kaya ko pang mapasunod yung ulap sa gusto ko… at kahit papaano ay nagagawa ko pa din pala. Nalingap lang ako ng ilang minuto nun at pagkalingon ko'y naiba bigla ang hulma ng ulap na kinontrol ko. Hugis 'arrow' na ito ngayon na parang may itinuturong lugar sa di kalayuan. Di ko alam kung bat nagbago ito ng hulma, ang alam ko lang is hindi ko ginawa yun.
..
Pagkatapos ng klase namin,
Nabalitaan ko nalang kay Kuya Benjo habang pauwi na kami na may nangyaring enkwentro ng pulis at mga kriminal sa malapit sa Palengke, isa yung sugatan sa pulis at tatlo yung patay sa grupo ng mga kriminal. Sabi pa nya late daw nakadating yung Superhero ko, si Rouser tinutukoy nya. Hanggang sa pag-dating namin sa bahay, yung laman ng balita ay puro tungkol sa enkwentro ng pulis at kriminal na may kinalaman sa droga at sa aktwal talagang krimen. May mga tungkol din sa aksidente at sa politika, wala namang sense yung sa politics for me.
BREAKING NEWS!
Metrobank sa Cainta, sinalakay ng nagngangalang 'Cable Blade' at kanina lang ay agad nitong nakatakas sa mga pulis na rumisponde. Mahigit kumulang 14 Million ang natangay ng kriminal. Lahat ng gwardya ng armored van, patay!
Pulis: "Hindi pangkaraniwang tong kriminal na nag-rob dito sa Metrobank, mag-isa lang sya pero advance ang mga equipment nya. At mukang may training din sya ng tulad saaming mga pulis dahil nagawa nyang ma-assault mag-isa yung mga guard ng armored van. At mukang pinagplanuhan nya din tong atake nya, sa ngayon iniimbestigahan pa ng aming mga kapulisan yung pangyayari dito, we'll check the CCTV footage pa"
Reporter: "Nakita nyo po ba yung Kriminal? Pwede po bang magbigay kayo ng detalye sa kanya? Kung anong itsura nya?"
Pulis: "Mga nasa around 25-30 years old sya na lalaki, organized sya masyado para sa kawatan eh, may dalawa syang espada at grappling hook na kakaiba tingnan kasi sa bewang nakalagay, yun yung ginamit nyang pantakas"
Reporter: "At dagdag pa po doon yung abilidad nyang pang pulis tulad ng sabi nyo kanina"
Pulis: "Hindi naman actually pang pulis, it seems lang na mukhang may combat training sya kaya katakot-takot po sya"
..
Lahat kami nabigla sa breaking news na iyon. 'Cable Blade' huh… grabe, nang makita ko sa fb yung pictures nung nangyaring iyon sa Metrobank Cainta, grabe yung pagkakapaslang nya sa anim na naandoon, yung isa pa nga sa mga napatay nya, pinutulan nya ng kamay. Anlaki pati ng nanakaw nya, malamang sa 14 Million na yun ay tatahimik sya pansamantala.
After ng breaking news na yon, nagtrend agad sya sa facebook at twitter. Sabi nga ng mga netizens nabasa ko lang ah, may 'Supervillain' nang katapat si Rouser. Inaantay ko yung labas ng CCTV footage, gusto ko makita kung legit ba yung espada at grappling hook na sabi ng pulis sa TV.
Sa kwarto ko, napalingon muna ako sa kalangitan nun. Naalala ko bigla yung ulap na nakita ko kanina na parang may tinuturong lugar kasi hugis arrow eh, pero dinedma ko lang kanina… may ibig sabihin kaya iyon? Na-curious lang ako bigla…
..
..
..
..
..
"Mamamatay lahat ng haharang sa daan ko, at walang makakapigil sakin sa pagkuha ko ng gusto ko hehehe… sayang lampas 14 million sana mauuwi ko kung hindi lang nagsidatingan agad yang mga lintek na pulis na yan."
--Cable Blade
Cloud Girl's first villain reveal!