Baixar aplicativo
73.33% Wilderness Inside / Chapter 11: CHAPTER 11

Capítulo 11: CHAPTER 11

Ang pagkagulat niya sa biglaang pagbuhat nito ay napalitan ng pagkamangha. Kaya pala iisa lang ang pintuan sa right side ng ikalawang palapag ay dahil buong side na ito ay nasasakupan ng kwarto ng lalaki. Ngayon niya lang napansin na ang partition wall pala kung saan nakadikit ang headress ng kama ay may daanan pala papunta sa sariling banyo nito. Di niya maiwasang mamangha sa banyo nito dahil sa sobrang gara at cozy. Ang bathtub nito ay nakapwesto sa may glass wall kaya kitang-kita ang labas kapag maliligo.

"Like what you see?" tanong nito at tinignan siya. Napatango siya dito kaya napangiti ito. Dahan-dahan siyang ibinaba at agad siyang nagtungo sa may bathtub para dumungaw kung ano ang makikita. Napaawang ang bibig niya dahil kitang-kita niya ang view ng garden at swimming pool ng lalaki. Ilang beses na siya nakapag check-in sa mga magagarang resort at hotel pero hindi pa din niya maiwasang mamangha sa bathroom ng lalaki dahil talagang napakaganda nito at napakalinis.

"I'll buy us a bigger bathtub next time," kindat nito at nakangiting tila may naiisip na kalokohan. Inirapan niya ito at pilit pinipigilan ang sariling hindi maapektohan sa sinasabi nito dahil alam niya kung ano ang naglalaro sa isip nito sa mga oras na iyon.

"You may leave now," mataray na utos niya na ikinatawa nito. Itinaas nito ang dalawang kamay na tila sinasabing sumusuko ito.

"Fine," pagsang-ayon nito na natatawa. "I'll bring you your clothes later," dagdag nito at tinanguan niya. Sinigurado niyang totoong umalis nga ito saka lang siya nagtanggal ng saplot.

Napabuntong-hininga siya sa sarap nang maramdaman ang tubig sa katawan niya nang dahan-dahan siyang humiga sa tub. Siguro ay inihanda na nito kanina ang panligo niya habang tulog pa siya. Maliwanag pa sa labas at ang hula niya ay nasa alas dose na din ng tanghali. Naisip niyang mas maganda ang view kapag gabi at mas nakakarelax magbabad sa tub kapag madilim na ang paligid at mga ilaw nalang sa pool ang nakikita at ng mga buildings malapit sa bahay ng lalaki. Idagdag pa ang liwanag ng buwan at mga bituin ay talagang sigurado siyang mapapasarap magbabad.

Mga 30 minutes siyang nakababad nang makaramdam na siya ng gutom. Nagpasya siyang tapusin na ang paliligo. Umalis siya sa tub at nagtungo sa malaking nakaenclosed na shower at naligo.

Pagkatapos niyang maligo ay binalot niya muna ng twalya ang buhok saka nagsuot ng bathrobe na nakalagay sa built in closet. Nagtungo siya sa vanity mirror sa tabi ng closet at umupo. Napagtanto niyang nakalagay na ang kanyang hair dryer at hair curler at mga iba pang gamit sa pag-aayos ng buhok at mga pang beauty regimen niya. Hindi niya maiwasang mapangiti dahil talagang nakaayos na ang kanyang mga gamit at mukhang wala na pala siyang i-u-unpack.

Saktong makapagpatuyo siya ng buhok, nadrain at nalinisan na niya ang tub nang dumating ang lalaki. Dala-dala na nito ang kanyang isusuot at napataas ang kilay niya nang mapansing hindi naman niya damit ang dala nito.

"That's not my shirt," nakataas ang kilay na sabi niya dito na nakapagpangisi dito.

"It's mine," kinindatan siya nito at napaatras siya nang hilahin nito ang tali ng bathrobe niya. Napatakip siya ulit sa sarili dahil nalihis ang pagkakatakip sa kanya.

"What are you doing?" mabilis ang tibok ng pusong tanong niya. Ninenerbyos siya na naeexcite pero dapat niyang pigilin ang sarili sa pang-aakit nito dahil hindi pwedeng sa lahat ng pagkakataon ay bibigay siya sa mga galawan nito.

"Helping you change?" mejo natatawang sagot nito dahil siguro sa reaksyon niya.

"I-I can manage," inirapan niya ito na lalong nakapagpalaki sa ngisi nito. Saglit siya nitong tinitigan at tila nag-iisip kung susundin siya o tutuksuhin pa lalo. Napabuntong-hininga siya ng maluwag nang tumango din ito. Iniabot nito muna ang panty niya. Nag-init ang mga pisngi niya dahil talagang pinili nito ang isa sa pinakasexyng underwear niya.

Kinagat niya ang dila para hindi nalang magkomento. Nang tila wala itong balak tumalikod ay siya nalang ang tumalikod at mabilisang nagsuot ng panty. Pagkatapos na pagkatapos niyang maisuot ang panty niya ay naramdaman niyang niyakap siya nito sa likod. Sobrang bilis ng tibok ng puso niya sa ginawa nito. Dahan-dahan nitong tinanggal ang bathrobe sa kanya mula sa likod hanggang mahulog ito.

Sobrang intimate ng posisyon nila sa mga sandaling iyon kaya parang hihimatayin na siya sa tensyon. Napayuko siya nang marealized kung ano ang balak nito. Naramdaman niyang isinuot nito ang bra niya mula sa kanyang kanang kamay at isinunod sa kaliwang. Halos mawalan siya ng hininga sa bagal ng pagsuot nito sa kanya at talagang may kasamang haplos ang ginawa nito. Sigurado siyang nagtayuan ang lahat ng balahibo niya sa katawan sa ginagawa nito sa kanya.

Nang maihook nito ang bra niya ay iniharap siya nito. Para siyang robot na sunud-sunuran sa lalaki.

"I would fuck you right hear right now but I know you're already hungry," diretsong anas nito. Alam niyang nagpipigil nga ito at hindi niya alam kung bakit mejo disappointed siya kung kaya gusto niyang sabunutan ang sarili. Hindi niya alam kung bakit ganito nalang kalakas ang atraksyon niya sa lalaki at tila kahit anong gawin nito sa kanya ay nakahanda ang kanyang katawan para dito.

Nahimasmasan siya bigla nang maramdamang isinuot na nito sa ulo niya ang T-shirt nitong puti. Nang sa wakas ay maisuot na niya ay tinignan siya nito mula ulo hanggang paa. Dahil petite siya at ito naman ay parang higante sa harap niya sa tangkad nitong lagpas 6 feet ay hanggang tuhod niya ang t-shirt nito.

"Gosh, you're sexy as fuck," husky ang boses na turan nito saka pumikit muna saglit para siguro icompose ang sarili. "Let's go eat," yaya nito pagkalipas ng ilang segundo. Tumango lang siya dito dahil pakiramdam niya ay natuyo ang lalamunan niya.

Nang makarating sila sa kwarto ay nakaayos na ang bed. Alam niyang masinop ito sa mga gamit sa pagkakataong din iyon. Wala siyang makitang wala sa lugar na kagamitan.

"That door over there," turo nito sa pintuan sa katapat na wall ng papuntang bathroom na ngayon lang niya napansin dahil kakulay ng pintuan ang gray na wall. "is the door to our closet," pagtatapos nito. Kaya pala nasa gitna ang nag-iisang pintuan sa right side dahil pala ang left side na dulo ng kwarto ay ang bathroom at ang right side naman ay ang closet. Hindi pa man niya nakikita ang loob nito ay sigurado siyang malaki ang walkin closet nito dahil ang side ng bedroom nito ay pang tatlong kwarto.

"Hmmm," lang ang naisagot niya dito dahil namamangha pa din siya sa bahay nito. Maituturing silang mayaman at madami na din siyang napuntahang mga bahay ng mga kaibigan niya pero ibang level ang bahay ng lalaki. Kahit na dalawang palapag lang ang bahay nito, ang laman ng loob nito ay sobrang luxurious at parang pang 5-star hotel ang interior. Sobrang modernized at alam niyang sariling pera nito ang ginagastos dahil nalaman niyang may sarili din itong businesses at bukod pa doon ay tumutulong din siya sa businesses ng pamilya nito at balita niya ay sikat ito sa galing sa larangan ng business. In fact, isa ito sa pinakabatang filipino businessmen na nafeature sa pinakasikat na business magazine sa bansa. Sa taong 23 ay nakagawa ito ng sariling pangalan at mas lalo pang pasikat ngayon 27 na. Nabasa niya din na ang independent business nito ay ang hotel beach resort at kasalukuyang ipinapatayo ang branch sa palawan. Pero dahil wala naman siyang interest sa mga business news at di sumasama sa daddy at mommy niya sa mga business gatherings na dinadaluhan ng mga ito ay wala siyang alam nang unang makita ang lalaki. Ngayon niya lang napagtanto kung bakit ganon nalang ka-firm ang daddy niya na ipakasal siya dahil sigurado na ito sa future ng kompanya nito.

Nalaman niya ang mga ito dahil pagkatapos nilang ma-engage ay nagresearch siyang konti tungkol dito. Napag-alaman niyang nag-iisa din itong anak at tagapag-mana ng kompanya ng pamilya.

Nalaman niya ding nagsimula ito sa baba at hindi agad tumuntong sa taas na posisyon sa family business ng mga ito dahil ayaw nitong basta nalang iabot sa kanya ang posisyon nang walang kahirap-hirap. Kaya hindi nakapagtatakang nakilala ito kanina ni Hannah.

"You alright?" napatigil ito sa paglalakad nang mapansing wala sa loob siyang nakasunod dito habang hila-hila siya.

"Huh?" gulat na tanong niya. Sa sobrang lalim ng iniisip niya ay di niya narinig ang sinabi nito.

"Do you still need a rest?" may pag-aalalang tanong nito.

"No, no," napailing-iling siya. "I'm alright. Just hungry," sabi niya na totoo naman. Tinitigan siya nito saglit bago tumango.

Pagdating nila sa kusina ay nakahanda na ang mga pagkain nila. Naaamoy niyang bulalo ang ulam nila ngayon. Napangiti siya dahil ang nakahain ngayon ay isa sa pinakapaborito niyang sinabawang ulam.

"Nanay Celia listed all your favorite dishes, you know," nakangiting sabi nito nang mapansing umaliwalas ang mukha niya. Natouch naman siya sa pagka-thoughtful ng nanay Celia niya dahil nagawa pa nitong ilista ang mga paborito niya.

"I'm not surprised," nakangiting turan niya. Simula pagkabata kase ay inalagaan siya ng matanda.

"Thank you," pasasalamat niya nang ipaghila siya ng upuan. Tahimik niya itong pinanuod habang pinagsisilbihan siya. Hindi niya sukat akalain na kahit na hindi naging maganda ang pag-uusap nila about sa engagement nila at basically stranger pa naman talaga sila ay ganito siya nito asikasuhin. Kung may ibang taong makakakita siguro sa kanila ay iisipin ng mga ito na totoong magkasintahan sila at di makapaghintay sa nalalapit na kasal.

Hindi niya maiwasang malungkot pa din sa sitwasyon nila. Kahit na attracted sila sa isa't isa ay hindi pa din ito sapat para magpakasal. Para sa kanya ay wala sa kanilang dalawa ang deserve para maikulong sa isang kasal na walang tunay na pagmamahalan.

"You alright?" tanong nito nang mapansing nakatitig siya dito. Nakakunot-noo na ito ngayon at tila may pag-aalala sa napakagandang mga mata nito.

"Yeah," pilit siyang ngumiti. Hindi niya pa din talaga maiwasang malungkot hindi lang para sa kanya kundi para sa lalaki. Hindi niya alam kung ano talagang rason nito bakit napapayag na ipagkasundo knowing na hindi naman nito kailangan ang mana. Hindi rin naman siya maniniwalang sapat na ang attraksong nararamdaman nito sa kanya para magpatali ito sa kanya. Alam niyang may mas malalim na dahilan kung bakit ito pumayag.

"You sure?"pangungulit nito kaya pinilit niyang ngumiti para tigilan siya sa pagtatanong. Hindi pa ito ang tamang oras para tanungin niya ang tunay na rason nito. Alam niyang sinabi na nito noong una pa na gusto siya nito pero hindi siya naniniwalang iyon lang ang dahilan nito.

"Yes!" pilit ang tawa niya. "Let's eat na," yaya niya at nagsimula nang kumain. Ang kaninang lungkot ay napalitan ng sarap nang matikman ang bulalo.

"You like it?" tila ang ekspresyon nitong nakatingin sa kanya. Parang naghahanap ng assurance ang tingin nito habang naghihintay ng sagot niya.

"Yes! Sobrang sarap," walang halong birong sagot niya na nakapagpangiti dito. "Grabe, I didn't know ate Let can cook like this," sabi niya pa.

"Huh! It's me who cooked it and you're welcome," nakangising pagmamalaki nito. Nanlaki ang mga mata niya na napatingin dito. Hinihintay niyang sabihin nitong nagbibiro ito pero hindi nito binabawi ang sinabi.

"For real?" di naniniwalang tanong niya dito.

"Ouch!" napahawak ito sa dibdib at nagkunwaring nasaktan ang damdamin.

"Di nga?" di pa din naniniwalang tanong niya. Kung totoo man ang sinasabi nito ay hindi na niya alam kung anong hindi nito kayang gawin.

"Well yes," pagmamalaki nito. "I wouldn't be this successful in my business if I'm not this good," dagdag pa nito sabay kindat sa kanya.

"So your business is in the food industry?" tanong niya dito.

"Nope but my family is in the hotel industry but we're also famous about what's in our menu," sagot nito. "I took up culinary arts in the Culinary Arts Academy in Switzerland if you're familiar with it," sabi nito na nakapagpalaki ng mga mata niya. Alam niyang isa sa best culinary schools sa mundo ang Culinary Arts Academy dahil kung meron man siyang isang option dati maliban sa nursing ay ang pagkuha ng Culinary Arts kaya alam niya kung ano ang mga best schools sa kursong iyon.

"Of course I'm very familiar with that academy," napa-slow clap pa siya. Alam niyang ilan lang ang natatanggap sa school na iyon at di siya makapaniwalang isa itong alumni doon. "Culinary Arts was my second option in case my dad didn't allow me to take up nursing," sabi niya dito.

"Really?" curious na tanong nito sa kanya. "Why nursing and not just culinary?"

"Well, first of all, being a nurse is my dream job," tipid na sagot niya.

"Why?" titig na titig na tanong pa nito. Halata sa tingin at tono ng pagtatanong nito na gusto siyang usisahin. Nagtataka siguro ito kung bakit nga ba nursing instead na business administration or malapit sa business na kurso ang kinuha niya since ang pamilya niya ay nasa business industry.

"To be honest, I love serving those who are in need," natawa siya dahil pang beauty queen ang sagot niya o kaya pang politician na nagpapalakas sa nakikinig. "I know, I know it sounds cliche but it's the truth. Whenever I'm in the hospital, my heart is filled with contentment that I got to help those who are sick. I'm happy because I can help them in my own little ways and at the same time sad because I can see those who are struggling financially. A little thank you coming from them after doing something for them is all worth it," hinihintay niyang tumawa ito sa kadramahan niya pero nang mapatingin siya dito ay napatango-tango ito at walang judgment sa mga mata niya. Tila humanga pa ito.

"So you really don't want to be in the business?" turan nito.

"Yep and it's probably the main reason why we're in this shit. My dad is obsessed in continuing his business even after he'll die," mapait na sagot niya na nakapag pakunot-noo dito.

"That's understandable," pagtatanggol nito sa daddy niya na ikinainis niya. "He's a businessman and he doesn't want his blood and sweat to just go to waste," malumanay na paliwanag nito.

"So he'd rather sell his only daughter?" sarkastikong tanong niya.

"Is that how you see it?" tila may kung ano sa ekspresyon nito na di niya mawari.

"Yes!" malakas na sagot niya. Lumabas na naman ang hinanakit at galit niya sa daddy niya. Mas lalo pang ikinagagalit niya ay ang pagtatanggol ng lalaki sa daddy niya at hindi niya maintindihan iyon. "I don't know why you're so chill about our situation but I will never ever be okay about it. If it's my body that you want, you can have it but please if you ever get tired of me, help me get out from this prison," desperadong sabi niya dito na ikinaigting ng mga panga nito. "Please help me stop our marriage," may pagmamakaawa sa tinig na turan niya dito. Hindi ito nagsalita at pumikit lang ng ilang segundo bago tumayo na ikinagulat niya.

"When you're done eating, just leave everything and rest. I'll go out for a while," malamig ang tono nito saka umalis. Naiwan siyang gulat at nalilito.


Load failed, please RETRY

Status de energia semanal

Rank -- Ranking de Poder
Stone -- Pedra de Poder

Capítulos de desbloqueio em lote

Índice

Opções de exibição

Fundo

Fonte

Tamanho

Comentários do capítulo

Escreva uma avaliação Status de leitura: C11
Falha ao postar. Tente novamente
  • Qualidade de Escrita
  • Estabilidade das atualizações
  • Desenvolvimento de Histórias
  • Design de Personagens
  • Antecedentes do mundo

O escore total 0.0

Resenha postada com sucesso! Leia mais resenhas
Vote com Power Stone
Rank NO.-- Ranking de Potência
Stone -- Pedra de Poder
Denunciar conteúdo impróprio
Dica de erro

Denunciar abuso

Comentários do parágrafo

Login