Baixar aplicativo
60% Wilderness Inside / Chapter 9: CHAPTER 9

Capítulo 9: CHAPTER 9

Ang pamilyar at magandang mata ni Saga ang sumalubong sa kanya nang magising siya sa marahang haplos nito sa pisngi niya.

"We're here," namamaos na sabi nito at agad na lumayo na tila biglang natauhan. Napakunot-noo siya sa inaakto nito. Sa iksi ng panahong magkakilala sila, sigurado siyang ang normal na Saga ay bubungaran siya ng ngisi pagkamulat palang niya ng mga mata at saka siya aakitin. "Let's go," yaya nito sabay kuha sa bag niya at nauna nang lumabas ng sasakyan. Saglit na sinundan niya ito ng tingin bago nagkibit-balikat at binuksan na din ang pintuan. Saglit siyang mapatigil nang agad na nasa labas na ito ng pintuan niya. Wala pa din itong imik at inalalayan siya sa pagbaba. Sinara nito ang pintuan at nilock.

"You alright?" di mapigigilang tanong niya dito.

"Yeah," sagot nito at naglakad na papasok. Tahimik siyang sumunod dito at agad na natuon ang atensyon niya sa babaeng nagtitimpla ng kape habang kumakanta.

"Ate Let, pwede na kumain?" tanong ng lalaki na nakapagpatigil sa babae sa pagkanta at tila nagulat na lumingon.

"Ay nandito na pala kayo," natatawang sabi nito at agad na linapitan siya. Nagulat siya nang hawakan siya nito sa kamay at tila excited na hilahin siya papuntang lamesa. "Pwede na," sagot nito at pinaghila siya ng upuan. "Nice to meet you again ma'am," maaliwalas itong ngumiti sa kanya at sinenyasang umupo na siya.

"Luna nalang po," sagot niya. Umupo siya at awkward na napatitig sa lamesa. Sa sobrang energetic nito ay hindi niya alam pano magrereact.

"Anong ulam ate?" napabuntong hininga siya nang agawin ng lalaki ang atensyin nito mula sa kanya.

"Bacon, hotdog at itlog," sagot nito at nagsimula nang maglagay ng pinggan sa lamesa. "Magkakape kayo? tanong nito sa kanila.

"Ako lang ate at gatas nalang kay Luna," ang lalaki na ang sumagot para sa kanila, dahilan para mapalingon siya dito. Gusto niya ding magkape kaya nagtataka siya at bakit ito ang sumagot sa kanya.

"But I want some coffee as well," sambit niya dito

"You might not be able to sleep if you'll have coffee," tila tatay na sagot nito sa kanya. Magsasalita pa sana siya pero naunahan na siya nito. "You need to rest because you just got out from your night duty," paliwanag nito.

"But I already slept on our way home so I'm all good," sagot niya. "Besides, I have to fix my things as well," dagdag pa niya pero umiling ito.

"You can do that when you wake up and that's final," may pinalidad sa tono nito na bahagya niyang ikinagulat. Iba ang pagkaseryoso nito ngayon at tila mainit ang ulo. Mas pinili nalang niyang manahimik dahil mukang tinamaan ito ng masamag hangin. Mejo naninibago siya ngayon dahil ito ang kauna-unahang masungit ito sa kanya.

Tahimik siyang kumain at pinakiramdaman ang lalaki. Tahimik din ito at tila malalim ang iniisip. Mabilis niyang tinapos ang pagkain at diretsong tinungga ang gatas.

"I'll go rest now," mahinang sabi niya. Tila natigilan ito saglit nang tumayo siya. Hindi pa ito tapos kumain at talagang sinadya niyang unahan itong matapos para makaalis na muna sa presensya nito. Hindi niya kase kayang tiisin ang nakakabinging katahimikan dahil hindi siya sanay sa inaasal nito. "I'll just ask ate Let to show me my room," inunahan niya na ito bago pa makapagsalita. Tinalikuran niya ito at naglakad na paalis para hanapin ang kasambahay.

Naabutan niya ito sa sala na nagwawalis.

"Ate, saan po ang room ko?" tanong niya na nakapagpalingon dito. Tila may pagtataka sa mukha nito nang makita siyang mag-isa pero tila sensitive naman ito sa sitwasyon kaya di na siya nagtanong.

"Halika, dalhin kita sa kwarto niyo," ngumiting sagot nito at nagpatiuna nang naglakad paakyat ng hagdan. Saglit siyang natigilan nang huminto sila sa pamilyar na kwarto. Ito ang kwarto ng lalaki at saka lang nagsink-in sa kanya ang sinabi ng kasambahay na "niyo" ang ginamit nito nang sabihan siyang dalhin sa kwarto. Saka lang niya napansin na nakapwesto sa gitna mismo ng hallway ang pintuan na ipinagtataka niya. Usually kase, pagbungad palang sa unahan ay kwarto na agad ang mabubungaran ngunit dito ay wall lang ang makikita sa hallway katapat ng nasakupan ng living room. Huminto sila sa tapat ng nag-iisang pintuan sa right side.

"Tawagin mo lang ako sa baba kapag may kailangan ka Luna ha," masiglang sabi nito sa kanya at umalis niya. Nang mawala ito sa paningin niya ay hindi pa rin niya magawang makapasok sa kwarto. Hindi niya lubos akalain na noong yayain siya ni Saga na tumira sa iisang bubong ay hindi sumagap sa isip niyang magsasama din sila sa iisang kwarto. So basically, live-in ang inalok nito sa kanya.

Pinaikot niya ang mga mata sa paligid. Dalawang palapag lang ang bahay pero napakaluwang. Ngayon niya lang napagmasdan ng matagal ang second floor ng bahay ng lalaki. Kapansin-pansin na lalaki ang nagmamay-ari sa interior ng bahay. Pag-akyat ng hagdan ay may living room. Hindi ito typical na hallway tapos mga kwarto agad ang bubungad. Ang disenyo ng ikalawang palapag ay parang pang-unang palapag na may living room din. Dahil glass house ang bahay ay maliwanag ang paligid dahil nakataas ang blinds. Ang ceiling naman ay black at ang mga furnitures ay combination ng gray at black lang. Ang konting walls ay napipinturahan ng light gray kaya lalaking-lalaki ang dating.

Kusa siyang napalakad para ikutin ang ikalawang palapag. Nilagpasan niya ang unang pinto na nasa right kung nasaan ang master's bedroom. Napansin niyang may dalawa pang pintuan pero nasa left side na. Nagtataka siya dahil iisa lang ang pinto sa right side pero ang luwang naman ng ikalawang palapag. Pinihit niya ang unang pinto na nasa left side at napaawang siya nang makita ang mga gym equipment.

Maluwang ito at kompleto sa mga equipment at napagtanto niyang kaya pala ganon kaganda ang katawan ng lalaki ay dahil may sarili itong gym. Sinara niya ang pinto at naglakad muli papunta sa ikalawang pinto. Umaasa siyang kwarto iyon para doon nalang siya mag-stay imbes na makikwarto sa lalaki. Kahit naman engaged na sila at may nangyari na sa kanilang dalawa ay hindi pa rin siya komportableng makisama sa iisang kwarto lang.

Dahan dahan niyang pinihit ang pinto at kadiliman ang bumungad sa kanya. Nagtaka siya dahil glass house ang bahay ngunit sa kwartong iyon ay sobrang dilim. Sinubukan niyang kapain ang dingding sa pagbabakasakaling may switch doon at napangiti siya nang makapa ito. Pinindot niya ang switch at namangha siya nakita. Isa itong cinema room. May limang malalaking sofa beds na pwedeng pang-dalawahang tao at may katabing maliliit na tables. Ang apat na mga sofa beds ay nakaaysos sa 2 rows at sa gitna ng magkatapat na dalawang sofa beds ay may lamesa. Sa pinakadulo ay at nakapwesto sa gitna ay kapansin-pansin na mejo mas malaki sa apat at sa harap nito ay lamesa din.

Kaya pala sobrang dilim nang buksan niya ang kwarto dahil nadisenyohan ito para maging cinema room. Sa sentro ng wall sa harap ng mga sofa beds ay ay ang malaking TV. Namangha siya sa pagka-cozy ng cinema. Lumapit siya sa pinakamalaking sofa bed na nakapwesto sa gitnang dulo. Tila nagiimbita ang itsura nito kaya di niya maiwasang umupo. Sobrang lambot upuan ito at dahan-dahan siyang humiga. Napapikit siya pata namnamin ang lambot at dahil na din siguro sa pagod ay nagtuluy-tuloy sa tulog ang pagtatangka niyang umupo lang.


Load failed, please RETRY

Status de energia semanal

Rank -- Ranking de Poder
Stone -- Pedra de Poder

Capítulos de desbloqueio em lote

Índice

Opções de exibição

Fundo

Fonte

Tamanho

Comentários do capítulo

Escreva uma avaliação Status de leitura: C9
Falha ao postar. Tente novamente
  • Qualidade de Escrita
  • Estabilidade das atualizações
  • Desenvolvimento de Histórias
  • Design de Personagens
  • Antecedentes do mundo

O escore total 0.0

Resenha postada com sucesso! Leia mais resenhas
Vote com Power Stone
Rank NO.-- Ranking de Potência
Stone -- Pedra de Poder
Denunciar conteúdo impróprio
Dica de erro

Denunciar abuso

Comentários do parágrafo

Login