Baixar aplicativo
13.33% Wilderness Inside / Chapter 2: CHAPTER 2

Capítulo 2: CHAPTER 2

Huminga siya ng malalim habang pinagmamasdan ang sarili sa salamin. Katatapos niya lang maligo sa sandaling iyon. Nakasuot lang siya ng ternong puting underwear niya at parang wala pa siyang balak magpalit ng damit para sa espesyal na okasyon ng araw na iyon.

Napangiti siya ng mapait dahil para sa kanya at ang mapapangasawa niya ang sinasabing espesyal na okasyon. Para sa kanya ay panghabang-buhay na bangungot ito.

Simula pagkabata ay pinangarap niya na ang makakasama niya habang-buhay ay ang taong mahal siya at mahal niya. Pinangako niyang hindi magiging katulad ng sitwasyon ng magulang niya ang bubuuing pamilya.

"Here goes my future happy family," mapait niyang turan. Sa huli din pala ay ipagkakasundo siya ng magulang niga gaya ng ginawa ng mga magulang ng mga ito.

Naisip niyang napakatanga niyang mangarap ng masayang pamilya at puno ng pagmamahalan dahil parehong side ng mga magulang niya ay nasa business industry. Isa pa, hindi niya akalaing ipagkakasundo na siya agad bago man lang siya makapagtapos ng kolehiyo.

"Whatever," mapait na saad niya sa sarili. Wala naman na siyang magagawa. Lumaki siyang puppet at mananatiling puppet. Kahit pa umiyak siya ng dugo at lumuhod para magmakaawa ay hindi pa din matitinag ang mga ito. Kaya hindi niya pinagsisisihang ibigay ang sarili sa isang estranghero. Kahit iyon man lang ang isa sa napakakonting bagay na ginawa niyang siya mismo ang nagdesisyon.

"How can you regret it if you enjoyed it, right?" komento ng boses sa isip niya na ikinainit ng mukha niya. Ayaw niyang balikan ang nangyari noong araw na ibigay niya ang sarili sa estranghero. Hindi niya sukat akalain na halos mawala siya sa katinuan habang ginagawa nila iyon. Kahit na sobrang sakit sa una at halos maluha siya, nalagpasan naman ng di maipaliwanag na sarap na pakiramdam noong tumagal. Pakiramdam na kahit pilit niyang iwaksi sa isip niya ay binabalikan naman siya sa panaginip.

Napako ang tingin niya sa may dibdib niya. Hindi pa din nawawala ang ginawang marka ng estranghero sa kanya. Mejo naninilaw na ang mga marka nito pero halata pa din. Hindi niya alam kung ano ang ginawa nito sa kanya dahil pati tiyan at sa may hita ay may pasa siya.

Napaiktad siya nang may kumatok sa pintuan niya.

"What is it?" tanong niya habang nanatiling nakatayo sa harap ng salamin. Wala siyang balak buksan ang pinto lalo na at di pa siya nakakabihis.

"Pinapasabi po ni ma'am Clara na mag-ayos na daw po kayo."

"Okay, thanks," sagot niya. Tumingin siya sa wall clock niya. May dalawang oras pa siya para mag-ayos bago dumating ang kanilang mga bisita.

Nagsimula na siyang i-blow dry ang buhok niya at mag-ayos.

Pagkatapos ng isang oras ay nakapag-ayos na siya. Wala naman siya talagang balak mag-ayos ng todo dahil para sa kanya, walang espesyal sa araw na iyon. Kahit naman pangit siya sa tingin ng mapapangasawa niya ay wala siyang pakialam at ganon din naman ito dahil matutuloy pa din naman ang kasunduan ng kanilang mga magulang.

Ngayon palang sila magkikita ng mapapangasawa niya. Wala din siyang ideya kung anong pangalan o sikat na apelido meron ang lalaki. Kahit naman malaman niya ay wala siyang kilalang mga taong nasa business industry. Simula nagkaisip siya ay pinangako niya sa sariling kahit anong mangyari ay ilalayo niya ang sariling ma-involve sa business. Kaya noong magkolehiyo siya ay talagang ipinaglaban niya ang kursong Nursing. Ngayon pa lang niya napagtantong kaya pala pinayagan din siya sa huli na kunin ang kursong gusto niya ay dahil may plano pala ang daddy niyang ipagkasundo siya. Sino nga naman ang magpapatakbo ng kompanya nila kapag ipinamana na nito sa kanya? Siyempre, ipagkakatiwala nito ang kompanya sa taong may abilidad magpatakbo at sigurado siyang hindi ito basta-bastang tao.

"At least you're not forced to run a company," pampalubag-loob na sabi ng tinig sa isip niya at tama naman ito. Kung may magandang dulot man ang kasunduang ipangasawa siya, iyon ay ang makuha niya ang dream course niya simula magkaisip siya. Gusto niyang magsilbi sa iba at mamuhay ng normal kahit man lang sa trabaho niya. Ngayong fourth year na siya at intern sa isang pampublikong hospital ay mas napamahal siya sa kurso niya at napatibay ang pangarap niyang magsilbi sa iba. Ang magduty sa hospital ang pahinga niya dahil kahit na nakakapagod ang trabaho, masaya siya sa ginagawa niya at mas kakaunti din ang oras niyang mamalagi sa bahay nila na wala namang ginagawa.

Napahikab siya at napatingin sa orasan. May 50 minuto pa ang natitira bago dumating ang kanilang mga bisita at pwede pa siyang umidlip.

Nagdesisyon siyang humiga at umidlip para makabawi ng tulog. Late na sila ng mga kagrupo niya sa internship na makapag-out galong sa night duty. Mahigit isang oras din silang nag-extend sa duty-na madalas namang mangyari dahil sobrang busy nila at kailangan pa nilang mag-endorse sa kasunod nilang grupo bago mag-out. Maliban sa late na nga nag-out ay kakaiba traffic kaninang umuwi siya kaya 11 ng umaga na siya nakauwi galing sa 12-hour night duty niya. Mga 1 ng tanghali na siya nakatulog kanina dahil kumain muna siya ng brunch niya at naligo pa.

Kung tutuusin ay apat na oras lang ang tulog niya. Mga bandang 5 ng hapon ay ginising siya ng mama niya para kausapin tungkol sa dinner nila ngayong gabi.

Anim lang silang magdidinner ngayon. Silang tatlong magpamilya at ganon din sa side ng lalaki. Siya ang humiling na kung maari ay dinner lang ang gagawin nilang pagpapakilala at engagement proposal na gagawin kuno ng lalaki. Nagalit ang daddy niya noong una dahil dapat daw ay magpa-party sila kasama ang mga taong nasa business circle ng mga ito. Nag-walkout pa nga ang daddy niya nang malaman ang gusto niya pero laking gulat niya nalang nang sabihan siya nito na pagbibigyan daw siya sa gusto niyang mangyari. Nalaman lang niya na kinausap ito ng mommy niya na mas ikinagulat pa niya dahil ang mommy niya ay sunud-sunuran lang din sa daddy niya.

Nagising siya nang may kumatok sa pintuan niya. Pinapababa na siya dahil dumating na ang mga bisita nila.

Hindi na siya nag-abalang tignan ang sarili dahil sigurado siyang magagalit ang daddy niya kung paghihintayin niya sila.

Huminga siya ng malalim bago lumabas ng kwarto niya. Hindi niya maipaliwanag ang nararamdaman. Kinakabahan siya at naiiyak habang naglalakad. Kinakabahan siya dahil makikita na niya ang taong makakasama niya sa iisang bubong at naiiyak siya dahil sa sama ng loob na ang taong ito ay hindi naman niya mahal.

Nang makababa siya sa hagdan ay huminga muna siya ng malalim bago lumiko papuntang dining area nila.

Naririnig niya ang daddy niya na nagsasalita tungkol sa business.

Napahinto ang mga ito sa paguusap nang dumating siya.

"You're finally here," sabi ng daddy niya. Nang salubungin niya ang tingin nito ay napalunok siya. Kitang-kita niya ang pagtalim ng mga mata nito at alam niyang dahil ito sa suot niya.

Naka-itim na sleeveless dress siya na above the knee na hapit sa kanyang katawan. Para sa kanya ay maganda naman at presentable pero kumpara sa binili ng mga ito na puting gown ay underdressed talaga siya.

Sinalubong siya ng mama niya na ipinagpapasalamat niya. Iginiya siya palapit sa mga ito para ipakilala.

"This is our Luna," sabi nito habang hila-hila siya palapit.

Unang nakasalubungan niya ng tingin ay ang nakangiting ginang. Morena ito at kahit may edad na ito ay kitang-kita pa din ang taglay na ganda. Nakangiti ito sa kanya ng matamis at sa di maipaliwanag na dahilan ay magaan na agad ang loob niya dito.

"You're so beautiful, anak," masayang sabi nito at niyakap siya. Nag-init ang mukha niya sa papuri nito kaya mejo awkward niyang binalik ang yakap nito. Matangkad na ginang ito kaya naisip niyang baka beauty queen noong araw.

"So are you po," nahihiyang sabi ko nang pakawalan ako.

Hinawakan siya nito sa magkabilang balikat kaya mas lalo siyang lumiit sa 5 flat niyang height.

"I'm your mommy Leah," pagpapakilala nito. "and this is your daddy Martin," pagpapakilala nito sa asawa na mukhang foreigner.

Nakangiti din ito sa kanya nang bumaling siya dito at hinalikan siya sa pisngi. Mas lalo siyang nanliit sa height niya dahil nasa 5'11 to 6'0 siguro ito.

"You're beautiful hija," puri din nito. "you obviously got it from your mom," dugtong na biro nito na ikinatawa ng lahat.

"Well,"natatawa nalang habang napapailing na sabi ng daddy niya. Mejo gumaan ang loob niya na makitang masaya ang mga magulang, lalo na ang daddy niya. Napakabihira ang ganitong makita niyang hindi lang nakangiti kundi tumatawa pa ang daddy niya.

"Is it now my turn to introduce myself to my future wife?" singit ng isang baritonong boses. Hindi niya alam pero tila nagsitayuan ang mga balahibo niya sa katawan nang marinig ang nagsalita.

"Of course," tumatawang sabi ng mommy niya. Pagharap niya dito ay tila huminto bigla ang mundo niya. Napaawang ang bibig niya dahilan upang mapako ang tingin ng lalaki dito. "Luna, this is Saga Araujo," pagpapakilala ng mommy niya na nakapagpabalik sa kanyang huwisyo. Nakatitig ang nakakahipnotismong mga mata nito sa kanya. Ang magkaibang kulay ng mga mata nito ay mas lalong nakadagdag sa sex appeal nito.

"L-luna," mejo nanginginig ang boses na sabi niya at iniabot ang kanang kamay. Tila natigilan ito at napatingin sa kamay niya saka inabot para makipagkamay. Tila may koryenteng dumaloy sa kamay niya sa pagdikit ng balat nila.

"Luna," ulit nito na tila musiko sa pandinig niya. Nagulat nalang siya nang bigla siya nitong hatakin para yakapin. Para siyang bata sa mga bisig nito dahil sa tangkad at ganda ng katawan. "You're hot," bulong nito bago siya binitawan. Sigurado siyang sa sandaling iyon ay sobrang pula ng mukha niya hindi dahil sa hiya kundi sa sexual tension na nararamdaman niya. Gusto niyang sampalin ang sarili dahil sa makamundong pagiisip. Sobrang apektado siya sa ginagawa nitong pang-aakit sa kanya at nagagalit siya dito dahil tila pinaaruan siya.

"Let's have a feast," narinig niyang sabi ng daddy niya dahilan para magsiupuan ang mga ito. Huminga siya ng malalim para pakalmahin ang sarili.

"Sit beside Saga," turan ng mommy na ikinangiti ng lalaki. Wala siyang magawa kundi sumunod lalo na at ipinaghila siya nito ng upuan habang nakangiti ito ng nakakaloka. Gusto niyang burahin ang nakakalokang ngiti nito.

"Before we start eating, let's have a toast for Saga and Luna," nakangiting anunsyo ng daddy niya habang hawak-hawak ang baso nitong may wine.

"No dad, cheers to you and your loving company," mapait na turan niya sa sarili.


Load failed, please RETRY

Status de energia semanal

Rank -- Ranking de Poder
Stone -- Pedra de Poder

Capítulos de desbloqueio em lote

Índice

Opções de exibição

Fundo

Fonte

Tamanho

Comentários do capítulo

Escreva uma avaliação Status de leitura: C2
Falha ao postar. Tente novamente
  • Qualidade de Escrita
  • Estabilidade das atualizações
  • Desenvolvimento de Histórias
  • Design de Personagens
  • Antecedentes do mundo

O escore total 0.0

Resenha postada com sucesso! Leia mais resenhas
Vote com Power Stone
Rank NO.-- Ranking de Potência
Stone -- Pedra de Poder
Denunciar conteúdo impróprio
Dica de erro

Denunciar abuso

Comentários do parágrafo

Login