ILANG sandali pa ay bigla na lang silang ginulat ng nakabibinging alarm sa loob ng silid kung saan sila mga nakakulong. Malakas iyon at nakaririndi sa pandinig kaya napilitan silang takpan ang kanilang mga tainga. Nagpalinga-linga sila sa paligid ngunit, hindi nila malaman kung saan nanggagaling ang tunog.
Makalipas ang ilang segundo ay nawala rin nang kusa ang tunog at napalitan ng boses-boses ng isang babae sa operator. Kasabay niyon ay ang paglabas ng isang malaking holographic screen sa gitna ng silid.
'Instructions.' Iyon ang katagang makikita sa malaking screen kasabay ng babae sa operator na binibigkas ang mga nakasulat doon.
"Attention players. Attention!" saad muli ng babae sa operator. "The game instructions will be given after a second."
Nagsimula na ang timer sa screen ng malaking hologram. Sapat na oras na iyon para kunin ang atensyon ng lahat at abangan ang mga susunod na sasabihin ng operator, maging ang ipapalabas doon.
3... 2... 1...
At muli silang napatakip ng mga tainga dahil sa isa na namang nakabibinging tunog.
Napapamura na ang ilan sa kanila sa pagkarindi. Nang mawala naman ang tunog ay napalitan ang mga imahe sa malaking screen ng isang video play, na lalong nakapagpakunot sa noo ng bawat isa.
"There are sixteen players in this game," panimula ng operator. "Sixteen players... who will strive to keep their lives until the very end."
Ang ipinapalabas na video sa screen ay tila ba true-to-life edition ng larong Color Game. Ang mga players na naroon ay kagaya rin nilang nakakulong sa parehong lugar kung nasaan sila ngayon. Nababakas rin sa mukha ng mga ito ang labis na takot.
"All of the chosen players must wear Color Game suit. It will automatically changed to its designated colors once the bracelets turned activated," patuloy ng operator.
Nakita nga nilang biglang nagbago ang kulay ng suot ng mga players na nasa video, nang sandaling makarating ang mga ito sa battle field dala ng mga human tubes. Mula sa puti ay nagkaroon ng tig-dadalawang pares ang mga kulay.
"Each of you will be having a pair in color. There will be two red, two blue, two black, two yellow, two grey, two green, two orange, and two violet."
Ipinapakita sa malaking screen ang actual instructions na magaganap sa loob ng battle field, upang lubos nilang maintindihan at mapaghandaan ang mga bagay na naghihintay sa kanila roon. Habang sinasabayan iyon ng paliwanag ng babae sa operator.
"In the battle field, your great enemy will be the person who has the same color as yours. You have to kill them for you to survive!" patuloy ng operator sa pagpapaliwanag.
Wala ngang awa na nagpatayan ang mga manlalaro na nasa video. Brutal man o hindi, wala ng kaso iyon sa kanila basta't makaligtas lang, at mabigyan pa ng pagkakataong makarating sa susunod na level ng laro. Sa pag-asang makalalabas pa sila ng buhay.
"The bracelets will be your hint on the game. Press the red button to trace which lifeline is located near you. Press the blue button to trace the location of your enemy. And press the gold button to locate the very important lifeline, the key. But, remember... the key will only show up once the human tubes are turned activated. You'll get a notification for every announcement."
Napatingin silang lahat sa suot nilang bracelets. Ngayon maliwanag na sa kanila kung bakit sila may suot nito.
'Shit!' anas ni Rue. 'Kahangalan ang lahat ng 'to! Sinong matinong tao ang makakaisip gawin ang larong Color Game na true-to-life edition?'
"For each color, there will be only three surviving lifelines placed in different treasure boxes. Those are food, medicine, and weapon. Remember, you have to get only the treasure boxes that defined your color, or else, your time will be wasted. In this game, lifelines are the only hint of survival."
Nagpatuloy ang operator sa pagpapaliwanag.
"The human tubes that will bring you to the next level of the game, will show up twenty minutes before the given time runs out.This means, you have to be in your designated tubes before the level ends. If you happen to enter at the wrong tube, it will not work! If you choose to share it with your enemy, it will not work either. Anyone would be left behind in the battle field will suffer the consequences that awaits at the end of each level."
"This is bullshit! This is really bullshit!" galit na galit na paghuhuramintado ni Alvin. Halos mapatid na ang mga litid nito sa kasisigaw sa tahasang pagtutol sa mga instructions na naririnig.
"You'll be given only 24 hours to finish each level. Every time you enter to the next level of the game, your suit's color will automatically change to match up with your next enemy," patuloy lang ng operator.
"Color Game has four levels. The first level composed of sixteen players, the second level would down to eight players, third level would have four players, and for the last level, there would be only two players that will fight for survival. There must only one left standing until the game be over!"
Natapos rin ang operator sa pagpapaliwanag. Tanging isa nga lamang ang natirang buhay sa lahat ng mga manlalarong nasa video. Isang lalaki na mababatid ngang magaling sa pakikipaglaban. Puno ng determinasyon at pagpupursigi upang manatiling buhay. Ang mga mata nito na tila nag-aapoy sa pagnanais na manalo ay talagang nagpapakitang may potensyal itong matirang buhay.
Iwinagayway nito ang punyal na ginamit upang talunin ang kalaban sa huling level ng laro. Matulis iyon at tama lang ang haba. Ang natural na kulay nito ay natakpan na ng dugo ng kawawang kalaban. Maging ang kulay abuhin nitong damit ay halos mapuno na rin ng dugo. Hindi dugo na nanggaling sa kanyang mga sugat kundi sa dugo ng kalabang pinatay nito.
NANGINGINIG na sa takot ang karamihan sa kanila. Magkasalikop ang mga palad ng ilan at taimtim na nagdarasal. Maluha-luha naman si Rue at gulong-gulo ang isipan sa mga nangyayari. Nais niyang paniwalaan na panaginip lamang ang lahat ng ito at magigising din siya sa reyalidad.
Takot na takot siya at ang anumang kaluskos sa paligid ay nagdudulot na sa kanya ng labis na pagkaalarma. Lalo pa sa tuwing mapapadako ang tingin niya sa mga kasamahang nakakulong at isipin na isa sa mga ito ang maaaring pumatay sa kanya.
"Guys... Guys!" sigaw ni Alvin nang makita ang halo-halong imosyon sa bawat mukha ng mga kasamang bilanggo. May ilang hindi na maitago ang takot at pagkabalisa. May ilan ding mukhang pursigidong lumaban at papatay kung kinakailangan.
"Guys, hindi natin kailangang sundin ang gusto nilang mangyari! Kalokohan ang lahat ng 'to! Baliw na ang taong nasa likod ng buwisit na larong ito!" muling saad ni Alvin. Nagbabaka-sakaling makikinig ang mga ito sa kanya.
Napadako ang tingin ni Rue sa natitigilan pa ring nobyo na si Carl. Ngunit, tanging iling lamang ang itinugon nito sa mga titig niya. Siguro, maging katulad niya ay wala na rin itong mahagilap na sasabihin. Tila ba naging barado na rin kasi ang kanyang lalamunan at walang boses na gustong lumabas mula roon.
"Let the game... begin!" Boses muli ng operator ang biglang pumukaw sa diwa ng lahat. Pagkuwa'y biglang dumilim ang buong paligid. Kasabay nang paglikha ng nakakaalarmang tunog ng mga suot nilang bracelets.
Bumalot ang tensyon sa buong paligid. Ang tunog na likha ng mga suot nilang bracelets ay agad na napalitan ng mga sigaw ng bawat isa-sigaw ng mga takot at nagmamakaawang manlalaro.
"Teka, sandali! Carl! Carl!" sigaw ni Rue at pilit na inaaninag sa dilim ang kanyang nobyo. Ngunit, wala siyang makitang kahit na ano. Tanging ang mga sigaw din lamang ng nobyo ang kanyang naririnig.
"Rue, huwag kang matakot! I will protect you no matter what, okay? Walang sino man ang makakapanakit sa 'yo. Pangako ko 'yan!" pang-aalo ni Carl sa nobya.
"Caaaaaarl!" muling sigaw ni Rue, bago tuluyang walang nang marinig.
Naramdaman na lang niya na tila ba nakasakay siya sa isang elevator na napakabilis nang pagbaba.
Kakapit sana siya sa mga rehas dahil pakiramdam niya'y mawawalan na siya ng balanse. Ngunit, ganoon na lamang ang labis niyang pagtataka. Napansin niyang salamin na ang nakapaligid sa kanya at hindi na ang rehas na kanina'y kinalalagyan nila.
Kung paano iyon nangyari sa bilis ng mga kaganapan ay hindi na niya mawari. Lahat ay tila nangyari sa pagkurap lamang ng mga mata.
Nararamdaman niya kahit papaano ang mga pagbabago sa kanyang paligid. Ngunit, nananatili siyang walang nakikita. Napakadilim pa rin sa paligid.
...to be continued
— Novo capítulo em breve — Escreva uma avaliação