Baixar aplicativo
76.28% Maybe This Time Love Can Win (Tagalog) / Chapter 296: Chapter 296

Capítulo 296: Chapter 296

Hinintay muna naming makabalik si Mike bago kami kumain ni Xandra kaya lang pagbalik ni Mike may kasama na siyang lalaki na di ko kilala.

"Hi!" masayang bati nito sakin.

"Hello!" sagot ko naman.

"Makiki-upo!"

"Sige lang!" sagot ko kaya umupo siya sa tabi ko. Nasa apatang lamesa kasi kami at dahil nga magkatabi si Mike at Xandra yung sa left side ko nalang yung bakante.

"Ako nga pala si Carlos, kasamahan ako ni Mike sa Accounting department." pakilala nito sakin habang inilahad yung kamay niya sakin para makipagkamay.

"Michelle, ate ako ni Mike!" diretso kong sabi.

"Ate ka niya?" sagot ni Carlos sakin habang palipat-lipat ng tingin sa pagitan naming dalawa ni Mike na para bang di maka paniwala.

"Oo, ate ko siya kaya wag kag ano diyan!" sabi ni Mike na may halong pagbabanta.

"Actually kambal kami, nauna lang akong lumabas kaya ate niya ko." seryoso kong sabi habang sumusubo ako ng pagkain.

"Ah, kaya pala mag-sing edad lang kayo mas muka ka pa kasing bata kay Mike." commecnt ni Carlos. Kaya di ko mapigilang matawa at ganun din si Xandra.

"Haha...haha... ang lakas mo ding mambole eh noh!" sabi ko habang naka tingin kay Carlos.

"Bakit?" inosente niyang sabi.

"Puwede ba ate, tigilan mo nga yan." sabi ni Mike na halatang naasar nanaman. Ang pinaka ayaw niya kasi sa lahat na sabihan siya na mas muka pa siyang matanda kaysa sakin. Ewan ko ba siyan sa kapatid ko simula nung nangyari kay Papa para biglang naging mature at bugnutin.

"Okay fine!" tanging nasabi ko nalang at muling kumain.

"Di ba kayo totoong kambal?" di parin maka move-on na tanong ni Carlor na nasa muka parin yung pagtataka.

"Di kami kambal, matanda siya sakin ng pitong taon!" paliwanag ni Mike.

"Talaga tol? di halata ang gada ng ate mo!" papuri ni Carlos sakin. Ako naman namimilog yung mata kasi ba naman pinuri ako na di daw halata sa muka ko yung edad ko. Si Mike naman ay huminto na sa pagkain at tiningnan ng masama si Carlos na para bang gusto niyang suntukin na.

"Kumain ka na nga lang Carlos, ang ingay mo!" sabi nalang ni Xandra, marahil alam na niya na napipikon na si Mike. Umiling nalang ako at muling ipinagpatuloy yung pagkain ko.

Hanggang matapos kami naging gloomy na si Mike at kahit anong lambing ni Xandra ayaw ng tumawa.

"Pagbutihin mo yung ganyang itsura mo ewan ko nalang kung di pumuti yang buhok mo ng maaga!" pananakot ko habang tumayo na ko at iniwan ko na sila dalawa para magkaroon sila ng privacy.

Pag-akyat ko sa taas wala pa yung dalawang assistant ni Yago yung kasama ni Xandra. Pakatok na sana ako sa pintuan ng opisina ni Martin ng biglang bumukas iyon at lumabas si Yago, dala yung kinainan ni Martin na halos walang mga bawas kaya napatingin ako kay Martin na naka tingin sakin ng masakit.

Kung si Mike gloomy si Martin parang sinakluban ng langit at lupa yung muka. Ewan ko ba kung anong meron ngayon bakit ganun sila.

Dahil nga mukang di maganda yung araw ni Martin, dahan-dahan lang akong lumapit sa lamesa ko pero bago pa ko maka upo ay tinawag niya ko.

"Michelle,baka puwedeng lumapit ka muna dito saglit para mapag-usapan natin yung sahod mo?"

"Sahod ko?" tanong ko pero di niya ko sinagot sa halip tiningnan niya ko ng masakit na para bang sinasabi niya na wag kang bingi at lumapit ka na dito.

Kahit medyo kinakabahan ako ay lumapit parin ako.

"Ano yun Sir?" mahina kong tanong

"Maupo ka!" direct niyang sabi sabay abot sakin ng isang folder na agad ko naman binuksan pagka-upo ko. Naglalaman yung ng contract tungkol sa employement ko sa kanya, Nagsasaad yun na handa siyang pasahurin ako ng two hundred thousand pesos during the period of investigation regarding sa nangyari sa Casa Milan Subic. Walang naka lagay dun kung hanggang kailan yung contact basta naka take note dun na kailangan mabigyan ko sila ng magandang result tungkol sa nangyari at kung ano talaga yung possible na naging cause ng problema. Sakin malaki yung offer para sa two weeks na trabaho kaya di ko maiwasang mapatingin ako sa kanya.

"Akala ko ba di mo ko papasahurin kasi kulang pa yun sa utang ko sayo?" tanong ko kay Martin.

"Actually kulang pa talaga yan sa utang mo, kaya lang ayaw ko naman na pagsabi mo sa ibang tao na di kita pinapasahod kaya nagpapalibre ka ng pagkain kung kanikanino."

"Kung maka kung kanikanino ka eh sa pagkakatanda ko si Lucas lang naman yung biniro kong ilibre ako eh pinsan mo naman yun!," pero syempre di ko yun sinabi kasi nga nakakatakot yung itsura ni Martin.

"May reklamo ka pa ba?" ulit niyang tanong ng di ako sumagot.

"Okay na ito!" sabi ko sa kanya habang inaabot ko yung ballpen na naka patong sa lamesa niya.

"Bakit di mo kaya muna tingnan yung nasa likod?" paalala niya sakin nung pasulat na ko ng pirma sa may pangalan ko.

"May second page?" sabi ko habang itinaas ko yung nasa unahan papel. Nanlaki yung mata ko sa nakita kong naka sulat dun kaya agad akong napatingin kay Martin. Dahil nga sa labis kong pagkabigla pati yung bibig ko naka nga-nga narin.

"Baka naman pasukan ng langaw yang bibig mo!" pagbibiro ni Martin habang sumandal sa upuan niya na para bang natatanaw sa reaction ko, pero ako di natatawa.

"Ano ito? tanong ko sa kanya habang ibinakita sa kanya yung naka sulat dun.

"Listahan ng utang mo sakin."

"Alam ko may utang ako sayo pero di naman yung umabot ng sampung milyon, parang wala naman akong matandaang may binigay ka sakin o tinanggap akong nagkakahala ng sampung milyon."

"Anong wala, baka nakaka limutan mo nasayo pa yung engagedment ring na binigay ko sayo at lagpas yung ng ten million?" paalala ni Martin sakin.

"So, yun ba ang dahilan kaya lumaki yung utang ko sayo?" tanong ko kasi kung yun lang yun ibabalik ko na kagad yung sing-sing nasa bahay lang naman yun.

"Bakit di mo basahin yung 3rd page para makita mo kung ano yung nilalaman ng ten million."

pagkarinig ko nun agad kong inilipat yung page at dun nga naka sulat yung breakdown ng utang ko sa kanya. Una is yung bahay namin na tinubos niya sa bangko. Yung cash na binayaran niya sa hospital, yung pera na inutang ko sa mga ka-officemate ko dati including kay Boss Helen pero ang mas shocking dun andun din yung cost ng venue ng kasal namin, picturial cost, pictures, imbitasyon na di naipamigay, at kung ano-ano pa.


Load failed, please RETRY

Status de energia semanal

Rank -- Ranking de Poder
Stone -- Pedra de Poder

Capítulos de desbloqueio em lote

Índice

Opções de exibição

Fundo

Fonte

Tamanho

Comentários do capítulo

Escreva uma avaliação Status de leitura: C296
Falha ao postar. Tente novamente
  • Qualidade de Escrita
  • Estabilidade das atualizações
  • Desenvolvimento de Histórias
  • Design de Personagens
  • Antecedentes do mundo

O escore total 0.0

Resenha postada com sucesso! Leia mais resenhas
Vote com Power Stone
Rank NO.-- Ranking de Potência
Stone -- Pedra de Poder
Denunciar conteúdo impróprio
Dica de erro

Denunciar abuso

Comentários do parágrafo

Login