Baixar aplicativo
74.74% Maybe This Time Love Can Win (Tagalog) / Chapter 290: Exes can never be Friends

Capítulo 290: Exes can never be Friends

Ano ako timang na papayag na dun magtrabaho tapos araw-araw kaming magkita? Ano tinurure ko yung sarili ko? Ang masaklap pa kapag nalaman yun ni Ellena baka kalbuhin ako nun. Hello, ayaw ko ng magulong buhay. Umuwi ako ng Pinas para magrelax hindi para kumuha ng stress at gulo.

"Saan ka pupunta?" tanong ni Martin bago ko maikot yung door knob nung pinto.

"Uuwi na!" diretso kong sabi habang naka ngiti pero sa isip ko gusto ko siyang sakalin. Alam ko sa sarili ko na hanggang ngayon mahal ko parin siya pero ayaw ko naman ibaba yung sarili ko ng sobra para lang sa isang lalaking commited na sa iba. Ganun talaga siguro "Exes can never be friends!"

"Okay!" Yun lang ang sagot ni Martin sakin sabay dampot ng receptacle ng telepono sa kanan niya.

"Buti naman di niya ko pinigilan!" nasabi ko bago ko binusan yung pinto pero bago ko pa maisara iyon narinig ko yung sinabi ni Martin.

"Wala ng magaganap na imbistigasyon mag file na kayo ng kaso labas sa Web...." bago pa matapos ni Martin yung sasabihin niya agad akong bumalik.

"Ikaw naman di ka na mabiro, kahit kailan napaka seryoso mo." sabi ko sa kanya habang todo ngiti ako at umupo sa harap niya.

"Paki lista yung mga kailangan mo!" muling sabi niya sakin pagkatapos niyang ibalik yung papel.

Kaya muli akong nagsulat pati yung specs ng desktop isinulat ko.

"Kailangan ba talagang dalawang pirasong monitor?" tanong niya nung basahin niya yung sinulat ko.

"Oo!" mabilis kong sagot.

"At 32" ang laki?"

"Oo, alam mo naman medyo malabo na yung mata ko kaya kailangan ko ng malaking monitor, Kung pwedi nga lang 50" inches para di kita makita." syempre yung huling sampung salita sa sarili niya lang sinabi.

"Wala kaming 32", 24 lang ang gamitin mo. Isa pa masama sa mata yung sobrang laking monitor." sagot ni Martin sakin sabay pinalitan yung number na inches ng monitor ng isinulat ko. Pagkatapos nun ay tinawagan niya si Yago na mabilis namang pumasok at inabot niya yung papel.

"Pweding lumabas muna?" sabi ko ng makalabas na si Yago.

"Saan ka pupunta?" tanong niya sakin.

"Bibili akong kape, inaantok kasi ako!" pausot ko para kasi ako ma susufocate dahil nga dalawa lang kami sa opisina niya. Di naman ako makapagsabi na maguumpisa na kong magtrabaho kasi nga wala pa yung materials na gagamitin ko. Akala ko pa naman kasi pag-alis ni yago sasabihan niya ko na maupo muna sa sofa or umalis muna pero wala kaya nanatili akong naka upo sa tapat niya habang siya ay nagtatatrabaho na para bang gusto niyang pagmasdan ko siya.

"Anong kape gusto mo?" tanong niya sakin habang itinaas yung telepono na para bang handa ng tumawag.

"Never mind ayaw ko ng magkape!"

"Okay!" sagot niya at muling nagtrabaho.

"Labas muna ko saglit, gagamit lang ng banyo!" muli kong sabi pero tumayo na ko para di na siya maka tangi.

"Yung banyo dun sa kwarto yung gamitin mo, alam mo naman yung password ng pinto!" sagot ni Martin na di man lang ako tiningnan.

Wala akong nagawa kundi dun pumunta at kagaya nga ng sabi niya di nagbago yung password nun, birthday ko parin. Malamang wala na siyang oras magpalit ng pasword kaya yung dati parin yung ginagamit niya. Pagpasok ko sa loob ng kwarto niya, ganun parin ito halos walang nagbago kagaya ng office niya.

Mabilis akong pumasok ng banyo at kagaya sa labas wala rin itong pinagbago at meron parin dung sabon, shampoo at other neccesity na pang babae gaya ng napkin and lotion. May bago ding toothbrush, towel and bathrobe. May tsinelas din na pang babae pero di ko yun isinuot kasi nga hassle maghubad ng sandals. Isa pa iniisip ko baka kay Ellena yun kaya di ako nagtangkang isuot at gumamit ng kahit anong bagay na naroon. Ang pinagtatakahan ko lang bakit same brand siya ng dati kong ginagamit, siguro yun lang talaga ang preffered brand ni Martin, naisip ko.

Paglabas ko, napatingin ako sa kama at di ko maiwasang mapabuntunghiniga. Dati kasi kapag nag-oovertime si Martin dun ako natutulog habang hinihintay siya o kaya nag afternnon nap kami dun na magkatabi di ko nanaman napigilan yung luha na tumulo sa mata. Biglan kasing pumasok sa isip ko yung itsura ni Ellena habang natutulog dun at kayakap si Martin.

Muli akong bumalik sa banyo at naghilamos para mahimasmasan. Andun kasi na napapaisip ako kung tama ba yung desisyun kong tanggapin yung trabaho. Sabagay two weeks lang naman siguro naman kaya kong tiisin alang-alang kay Boss Helen at Alvin.

Bigla akong nagulat ng may biglang magsalita "Okay ka lang?" tanong ni Martin habang naka tayo siya sa pintuan ng banyo at naka tingin sakin.

"Okay lang!" sagot ko buti nalang medyo kumalma na ko kaya di na garalgal yung boses ko.

"Gamitin mo yung tuwalya na yun para punas sa muka mo! Wag kang mag-alala bago yan at walang gumagamit na iba!"

"Okay!" matipid kong sagot habang inabot yung tumalyang tinuro niya at ipinunas ko sa muka ko.

"Kung inaantok ka, pwedi ka munang matulog dito habang sineset-up pa yung gamit mo!" sabi ni Martin na muli kong ikinagulat akala ko kasi umalis na siya pero yun pala nanatili lang siyang nakatayo doon habang pinagmamasdan ako.

"Hindi, okay na ko!" sabi ko sa kanya habang isinasamapay ko yung tuwalya.

"Okay ka lang eh ang kapal ng ng eye bag mo!" galit niyang sabi sakin. Kaya muli akong tumingin sa salamin at dahil nga binasa ko yung muka ko, kitang-kita tuloy yung eye bag ko.

"Matulog ka muna dito!" sabi ni Martin bago ako tinalikuran at umalis, di na ko naka sagot kasi yung the way na pagsasabi ni Martin ay parang utos na di mo pweding suwayin.

"Hays!" buntong hininga ko habang inabot ko yung unan na nasa kama. Di ko mapigilang amuyin yun para malaman kung natulog ba dun si Ellena pero maliban sa amoy ni Martin wala na kong ibang maamoy kaya para akong nabunutan ng tinik at walang sabi-sabing hinubad ko yung sandals ko at nahiga dun. Muling tumulo yung luha ko kasi miss na miss ko yung amoy na iyo. Amoy ng lalaking pinaka mamahal ko.


PENSAMENTOS DOS CRIADORES
pumirang pumirang

Guys baka di ako makapag-update bukas kasi need ko magupdate ng Lets start Again kaya 3 chap yung release ko ngayon...

Thanks.......

Load failed, please RETRY

Status de energia semanal

Rank -- Ranking de Poder
Stone -- Pedra de Poder

Capítulos de desbloqueio em lote

Índice

Opções de exibição

Fundo

Fonte

Tamanho

Comentários do capítulo

Escreva uma avaliação Status de leitura: C290
Falha ao postar. Tente novamente
  • Qualidade de Escrita
  • Estabilidade das atualizações
  • Desenvolvimento de Histórias
  • Design de Personagens
  • Antecedentes do mundo

O escore total 0.0

Resenha postada com sucesso! Leia mais resenhas
Vote com Power Stone
Rank NO.-- Ranking de Potência
Stone -- Pedra de Poder
Denunciar conteúdo impróprio
Dica de erro

Denunciar abuso

Comentários do parágrafo

Login