Baixar aplicativo
47.93% Maybe This Time Love Can Win (Tagalog) / Chapter 186: Chapter 214

Capítulo 186: Chapter 214

Natapos yung isang linggo namin ni Martin sa usual na routine naming dalawa. Papasok ako sa umaga at mag stay sa office ng buong mag hapon. Pag dating ng uwian ay susunduin niya ko sa office at ihahatid sa bahay. Minsan kapag may meeting siya malapit sa area ko sabay kaming kakain ng lunch.

Para saakin bumagal ang araw paano ba naman sa buong weekdays nasa monitor lang ako nakikipag titigan ma swerte nalang ako minsan kung may makasama ako sa pwesto namin kasi nga laging nasa field yung mga kasama ko.

Pinagtityagaan ko si Dina maka usap at makasama.

"Hays! Mukang nanakit na yung katawan ko kaka upo dito sa opisina." Raklamo ko habang inuunat yung katawan ko.

Malapit ng mag lunch break at yun lang yun time ko makalabas ng office kaya minsan niyaya ko si Dina kung saan saang makakainan para lang kahit papano ay makapag lakad-lakad ako.

"Tara na!" Sigaw ni Dina sa akin.

"Sir Dariel lunch break muna ako!" Paalam ko.

Nagkataon kasi maagang natapos yungsched ni Sir Dariel sa client kaya may kasama pa ko sa pwesto namin.

"Sige!" Pag sang ayon naman niya.

Habang naglalakad kami ni Dina tumunog yung cellphone ko. Tumatwaga si Martin.

"Hon?" Bungad ko.

"Lunch ka na?" Tanong niya sa akin mula sa kabilang linya.

"Oo, Pababa na kami ni Dina! Ikaw?"

"Papakain narin may lunch meeting ako sa isa sa investor namin. Gusto ko pa naman sana na makasama kang kumain."

"Sabay nalang tayo mag dinned mamaya. Text ko nalang si Mama na wag na tayong sakupin ng hapunan."

"Sige sunduin kita ng maaga." Masigla niyang pagsang-ayon.

"Okey, Sige na baka mamaya ma snatch pa tong cellphone ko."

"Okey, ingat kayo!"

"Ikaw din, Love you!"

"Love you too!" Huling sabi niya sa akin bago tuluyang naputol yung tawag niya.

"Ang sweet naman!" Pang-aasar ni Dina sa akin.

"Mag boyfriend ka na rin kasi para ma-experienced mo rin."

"Hay naku! Di ko pa nga nakikita yung lalaking magpapatibok ng puso ko." Reklamo niya.

"Nakita mo na kaya lang ayaw mo pa kasing magtapat."

"Hala! Ako talaga magtatapat? Excuse me babae kaya ako!" Sambit niya sa akin habang nanlalaki yung mata habang itinuturo niya yung kanyang sarili.

"So willing kang maghintay?" Tanong ko sa kanya habang paupo na kami sa bakanteng lamesa.

Naisipan naming kumain sa isang chinese fast food. Bigla ko kasing namiss na kumain ng wanton mami.

"May iba ba kong choice?" Tanong niya rin sa akin sabay upo sa tapat ko.

"May dalawa kang option. Una magtapat ka sa kanya para mapansin ka niya Pangalawa kimkimin mo nalang yan hanggang maging matandang dalaga ka. Haha...haha....!" Pang aasar ko sakanya.

"Ewan ko sayo!" Irap niya sa akin.

Buti nalang dumating na yung pagkain namin kaya tinawanan ko nalang siya.

"By the way Michelle di ka na ba talaga lalabas?" Tanong niya sa akin habang kumakain kami.

"Bakit ayaw mo na ba akong makasama?" Mahina kong sabi sa kanya na parang naiiyak pa ko.

"Oo, sawang-sawa na ko sa pagmumuka mo!"

"Sa ganda kong ito pinagsasawaan mong makita?"

"Bakit anong feeling mo si Martin lang ako na di nagsasawa sa pagmumuka mo?"

"Ganun, bukas di na ko sasabay sayo kumain." Irap ko sa kanya.

"Arte....! Pero pera biro di ka na talaga mag field?"

"Kung ako lang gusto ko talaga ang boring kaya sa office plus nanakit na yung mata ko katitig sa computer. Feeling ko nga yung pwet ko may kalyo na din biruin mo from eight ng umaga hanggang five naka upo lang ako. Samantalang sa two years ko sa company halos wala pang kalahating oras na sumayad ito sa swivel chair ko."

Pagsisntemyento ko kay Dina.

Sa totoo lang yun talaga yung sa loobin ko kaya lang para maiwasan yung pagtatalo namin ni Martin nagtyaga nalang ako sa loob ng opisina kaysa naman di niya na ko papasukin.

"Sa bagay kapag nag-asawa kayo ni Martin malamang di ka na niya papausin sa trabaho. Mananatili ka nalang sa bahay niyo at nagbibilang ng kayamanan."

Napatigil ako sa pagsubo ng pagkain at napaisip kung yun ba talaga na ang magiging papel ko once na mag pakasal na kami ni Martin.

"Parang di ko yun kaya!" Mahina kong usal.

Naisip ko lang kasi simula nung maliit ako di ako sanay ng walang ginagawa kasi talagang na bored ako kapag ganun.

"Sarap kaya nun, donyang donya ka na!"

"Donyang donya ka diyan. Kumain ka na nga!" Reklamo ko kay Dina.

Sa totoo lang di pa namin pinag-uusapan ni Martin kung paano ang magiging set-up namin once na magpakasal na kami. Kung papayagan pa ba niya ako mag work, kung saan kami titira. Makikisama ba ako sa parents niya or dun ba kami sa Pad niya bubuo ng pamilya. Kung paano yung family ko kung mag-aanak ba kami kagad or ilang anak ba ang bubuuin namin.

Medyo naging busy rin kasi si Martin ths few days kasi nga malapit na yung Christmas eve at halos fully book yung mga hotel nila maliban pa yung mga restaurant and other hotel facilities dahil nga sa xmas party ng ibat-ibang company. Dagdag pa na nalalapit narin yung birthday niya kaya minsan kahit nag text or nagtatawagan kami more on kamustahan lang sa nangyayari sa bawat isa.

Pag dating naman ng gabi habang hinahatid ako mas pinipili nalang namin pumikit habang nakayakap sa isat-isa dahil nga din sa pagod at maghapong naka tutok sa computer.

Yung tungkol naman sa kasal namin napag kasunduan namin ni Martin na Church wedding ang gagawin namin para mas sagrado then ang reception ay sa beach. Yun ang pinoproblema ni Zaida kung saan siya makakahanap ng ganung location.

Yung motif is pure white from the dress, design, flowers at lahat ng gagamitin sa kasal dapat white because it symbolized purity.

Yung wedding dress di pa ko nakaka pili ng design na gusto ko pero nag send na si Zaida ng mga pweding pagpilian. Ang inaalala ko nalang is yung tungkol sa pamilya ni Martin sana bago kami maikasal ay matanggap na nila ako para buo yung blessings na matanggap namin.


PENSAMENTOS DOS CRIADORES
pumirang pumirang

Sorry Guys!!!

Nagbakasyon si Author para bawas stress sa work, sa buhay at sa mga reader ko na laging nagmamadali at walang alam na comment kung di BITIN haha... haha..!

Thanks sa support!

Load failed, please RETRY

Status de energia semanal

Rank -- Ranking de Poder
Stone -- Pedra de Poder

Capítulos de desbloqueio em lote

Índice

Opções de exibição

Fundo

Fonte

Tamanho

Comentários do capítulo

Escreva uma avaliação Status de leitura: C186
Falha ao postar. Tente novamente
  • Qualidade de Escrita
  • Estabilidade das atualizações
  • Desenvolvimento de Histórias
  • Design de Personagens
  • Antecedentes do mundo

O escore total 0.0

Resenha postada com sucesso! Leia mais resenhas
Vote com Power Stone
Rank NO.-- Ranking de Potência
Stone -- Pedra de Poder
Denunciar conteúdo impróprio
Dica de erro

Denunciar abuso

Comentários do parágrafo

Login