Baixar aplicativo
38.65% Maybe This Time Love Can Win (Tagalog) / Chapter 150: Chapter 178

Capítulo 150: Chapter 178

"So di ako makakalakad kagaya ni Anna?" Inosente kong tanong.

"Kung kasing laki nung kay Andrew yung kay Martin malamang di ka makalakad, pero kung kasing laki lang nung kay Lester malamang normal lang ang lakad mo diba Analyn?" Di ko mapigilang mapangiti sa message ni Anna. Akala mo kung anong size lang ang pinag-uusapan namin.

"Ewan ko sayo Anna, pwedi ba wag mo na ngang sinasama yung pangalan ng taong yun!"

Ayaw na kasi ni Analyn marinig yung pangalan ni Lester parang curse yun sa tenga niya.

"Di mo ba na miss yung ganung eksena sa buhay mo Analyn?" Tanong ni Anna.

"Di mo ko kagaya Anna malibog!"

"Malibog kagad, normal lang yung sa tao noh!"

"Wag mo kaming igaya sayo ni Michelle!"

"So ibig sabihin di man lang nag-iinit yung katawan niyo kapag may nakita kayong guapo?"

"Hindi!" Mabilis na sagot ni Annalyn.

"Ikaw Michelle?" Tanong sa akin ni Anna. Bigla tuloy akong napa-isip, naisip ko yung ginagawa namin ni Martin ibig bang sabihin nun malibog na din ako ppero mabilis ko naman iyong binawi kasi madami naman ako ganun sa mga lalaking nakaka salamuha ko kahit pa guapo sila. Talagang iba lang ang reaksiyon ng katawan ko kay Martin at sa tingin ko normal lang naman yun kasi in relationship kaming dalawa.

"Hoy Michelle, ano tinulugan mo na kami?"

"Sensya na Anna na po-pollute kasi utak ko sa pinagsasabi mo haha...haha...!" Message ko.

"Kunyari ka pa ini-imagine mo siguro kayo ni Martin noh? Aminin mo hahahah!" Tumwang tuwang message ni Anna. Di ko tuloy maiwasang biglang mahiya.

"Speaking of your boyfriend saan na ba kayo nakarating?" Tanong ni Annalyn.

"Nakarating na kami ng Laoag, Cavite and Laguna. Tapos next week pupunta kami sa Palawan." Pa-inosente kong sagot pero alam ko naman kung anong tinutukoy ni Analyn.

"Hindi yan ang tinatanong ni Analyn! Gusto naming malaman kung hanggang saan na yung naabot ng kamay niya at ng kamay mo?"

"Gabi na inaantok na ko! Bye!" Pag-papaalam ko. Sympre kahit mg bff ko sila di parin ako handa sa ganung usapan. Para kasi sakin samin dalawa lang yun ni Martin at di dapat ipangalandakan sa iba.

"KJ mo kainis ka!"

"Yaan mo na, nahihiya eh hahahha!" Sagot ni Analyn sa reklamo ni Anna.

"By the way don't forget your resume Annalyn, ikaw din Michelle pasa ka malay mo swertihin at dito ka na sa America maka-pagtrabaho."

"Sige pag-isipan ko!" Huling message ko bago kami nag-paalam sa isa't-isa.

Pag-exit ko ng messanger namin doon ko lang napansin na may text uli si Martin nagtatanong kung tulog na daw ako mag e-eleven na ng gabi. Naalala ko nga pala di ko siya nireplayn kanina at ngayon nawili naman ako sa pakiki pag kwentuhan sa barkada ko kaya di ko na siya napansin kaya agad ko siyang nireplyan.

"Di pa! Ikaw?"

"Bakit ngayon ka lang nagtext kung di ka pa pala natutulog. Anong ginawa mo?"

"Nakipag kwentuhan ako sa mga barkada, medyo maganda ang usapan kaya di ko napansin ang oras."

"So dahil sa barkada mo nakalimutan mo na ko?"

"Medyo... haha...haha...!" Text ko. Pero makalipas ng ilang minuto di na nagreply si Martin. Naisip ko marahil naka tulog na pero ang pinagtataka ko bakit di man lang nagpaalam or nag good night sa akin.

"Weird, Baka sobrang pagod kaya nakatulog na!" Naisip ko kaya itinabi ko na yung phone ko para makatulog na rin ako pero labis parin akong nagtataka kasi ever since na naging kami di pa nangyari na ganun na tinulugan niya ko ng di man lang nagsabi ng I love you pero ngayon basta na lang di nagreply pero di ko na masyadong inisip at naghanda na ko matulog.

Papikit na sana ako ng mata ng biglang tumunog yung cellphone ko. Kaya muli akong bumangon para kunin yun, si Martin ang tumatawag.

"Hello!"

"Talagang di mo man lang ako aamuin?" Bungad niya sa akin.

"Huh bakit aamuin?" Takang tanong ko naman.

"Buksan mo yung data mo video call tayo!" Utos niya sa akin at mabilis niyang dinisconnect yung tawag. Di ko maiwasang magtaka pero sinunod ko parin yung utos niya kay nagbukas ako ng data.

Pag-connect ng tawag namin agad bumungad sa akin si Martin na naka simangot. Pero ang labis na pinagtatakahan ko nasa office parin siya hanggang ngayon dahil naka suot parin siya ng Americana at naka upo parin sa office chair niya.

"Bakit nasa office ka pa?" Mabilis kong tanong.

"Di pa ko tapos!" Matipid niyang sagot pero halata parin sa boses niya na nagtatampo.

"Malapit na maghating gabi, baka pwedi naman na yan bukas."

"So nag-aalala ka sakin?"

"Oo naman!" Mabilis kong sagot.

"Nag-aalala ka pero di mo man lang ako nagawang kamustahin tapos sasabihin mo sakin na nakalimutan mo ko. Anong klase kang girlfriend, di mo man lang naisip na yung boyfriend mo na di nagawang mag dinner para lang tapusin lahat ng pending work niya para makasama ka next week ng walang sagabal tapos ikaw kunting ni-ha-ni-ho wala man lang." Di ko tuloy kung matatawa ako sa sinabi niya o makukunsensya, di ko akalain isip bata din pala minsan yung boyfriend ko at marunong ng magtampo.

"Sorry, alam ko naman kasi na busy ka kaya di na kita inistorbo." Pagpapakumbaba ko.

"Alam mo naman kahit anong busy ko basta ikaw ang nagtext or tumawag di pweding di ko sagutin." Pambabara niya sa akin. Di ko na tuloy alam kung anong sasabihin sa kanya para mapawi yung tampororot niya.

"Sorry na!" Muli kong sabi.

'Talagang nagso-sorry ka?" Pag-uusig niya.

"Oo, I'm very sorry sa pag neglect ko sa pinaka guapo kong boyfriend at pinaka caring, pinaka sweet, pinaka loving at pinaka imama....ture!" Talagang sinuspense ko pa yung word na imamature kasi gusto kong makita yung magiging reaction niya at di nga ako nagkamali dahil napa ngiwi siya sa huli kong sinabi di ko tuloy mapagilang mapa halakhak sa tawa.

"Okey na sana mapapatawad na sana kita kaya lang may immature pa sa dulo!" Pagpoprotesta niya habang sumandal sa upuan niya at ikiross ang dalawa niyang braso sa tapat ng dibdib niya.

"Ay ganun ba, sige ulitin ko... ehem... Sorry na sa pinaka guapo kong boyfriend, sa sweet and very lovable, at higit sa pinakamamahal kong lalaki sa buong mundo!" Sabay kindat sa kanya at ang sagot niya sa akin eh yung naka matamis niyang ngiti.

"I love you!" Usal niya.

"I love you too!" Ganti ko.


Load failed, please RETRY

Status de energia semanal

Rank -- Ranking de Poder
Stone -- Pedra de Poder

Capítulos de desbloqueio em lote

Índice

Opções de exibição

Fundo

Fonte

Tamanho

Comentários do capítulo

Escreva uma avaliação Status de leitura: C150
Falha ao postar. Tente novamente
  • Qualidade de Escrita
  • Estabilidade das atualizações
  • Desenvolvimento de Histórias
  • Design de Personagens
  • Antecedentes do mundo

O escore total 0.0

Resenha postada com sucesso! Leia mais resenhas
Vote com Power Stone
Rank NO.-- Ranking de Potência
Stone -- Pedra de Poder
Denunciar conteúdo impróprio
Dica de erro

Denunciar abuso

Comentários do parágrafo

Login