Baixar aplicativo
37.88% Maybe This Time Love Can Win (Tagalog) / Chapter 147: I LOVE MY BED

Capítulo 147: I LOVE MY BED

"Salbahe!" Bulong ko sa kanya nung bitawan niya yung labi ko.

"I love you!" Tanging tugon niya sa akin habang naka ngiti.

"I love you too!" Sagot ko naman pero inirapan ko siya at tuluyan na kong umatras palayo sa kotse, para bigyan ng way para maka alis na.

Di parin sinasara ni Martin yung bintana ng kotse at nanatili parin siyang naka tingin sa akin at ayaw pang umalis. Kaya muli akong lumapit sa kanya para malaman ang dahilan kung bakit, baka mayroon pa siyang kailangan or may nakalimutan. Pag-lapit ko agad siyang ngumiti na parang nabuhayan ng dugo at sabay salita.

"Sama ka sakin!" Di siya tanong sa halip parang pahayag na di ka pweding tumangi.

Sa halip na sagutin ko siya bumaleng ako kay Mang Kanor.

"Kuya alis na po kayo at marami pa pong trabaho itong Boss mo mamaya mapagalitan na ito at puro lakwatsa ang ginagawa." Mahaba kong salaysay samantalang si Martin ay naka hawak sa dalawa kong kamay na parang nagmamaka-awa na sumama ako pabalik sa kanya.

"Honey please!" Paki-usap niya.

'Umayos ka na! Tapusin mo yung trabaho mo para sa Monday walang tatawag sayo at mag-tatanong tungkol sa trabaho." Marahil biglang natauhan ng marinig yung sinasabi ko.

"Oo nga pala... hehe...hehe...!" Sabi niya habang kumakamot pa ng ulo.

"Sige na, umalis na kayo at anong oras na!" Pagtataboy ko.

"Sige... alis na kami!" Paalam niya. Tanging tango na lang ang isinagot ko at tuluyan na silang umalis. Nang di ko na matanaw yung sasakyan nila agad na kong pumasok sa bahay namin.

Di ko na pinansin yung mga matang naka tingin sa akin at mga bungangang nagbubulungan. Mga tao nga naman walang magawa sa buhay at inuubos ang oras sa pagtsismisan. Pagpasok sa bahay naka-upo parin sila Papa at Mama sa upuan at nag-uusap.

Di ko na sila inistorbo kasi nga moment na nila yun malamang yun din ang dahilan kung bakit smooth yung pagsasama nilang dalawa kasi nga may oras silang mag-usap tungkol sa mga plano nila sa buhay at sa bawat desisyun. Bihirang bihira mag-away si Papa at Mama halos di ko nga maalala kung kailan huling away nila. Si Papa yung nagproprovide ng financial ng pamilya samantalang si Mama ang nagma-manage ng bahay kasama na dun yung pagdedesiplina sa amin ni Mike. Kahit di kami mayaman pero kahit papano maganda din ang kita ni Papa kaya kahit minsan di kami nagutom or di nabigyan ng damit o mga kailangan sa buhay. Si Mama naman kahit papano ay maasikaso sa bahay kaya wala kaming nagiging problem.

Ang tanging dalangin ko rin sana kapag nagka pamilya ako kagaya lang din ng sa amin yung di masyadong kumplekado pero iniisip ko paano kaya kami ni Martin magiging kagaya rin kaya nila Mama at Papa ang pagsasama naming dalawa. Lalo pa nga at may ibang bet yung pamilya niya para sakanya. Sabagay maiintindihan ko din naman sila lahat naman ng magulang ang gusto ay yung best lang para sa mga anak nila. Di ko naman sinasabing hindi ako best pero sa paningin ng iba kapag mayaman dapat mayaman din ang kapareha kapag mahirap dapat mahirap din kaya swerte mo kapag mahirap ka at may mayaman na nagka gusto sayo.

Yun ang iniisip ko habang naka higa na ko sa kama ko. Kung ano-ano nanaman pumapasok sa isip ko sabay buntong hininga. Agad kong niyakap yung unan ko sabay pikit ng mata para maputol kung ano mang negative thought na pumapasok sa isip ko basta ang alam ko "I LOVE MY BED."

Pag-gising ko mag six na ng gabi kaya bumangon na rin ako kahit gusto ko pa sanang matulog kaya lang iniisip ko kasi baka mamaya wala na kong itulog. Dinampot ko yung cellphone ko para sana tingnan kung may message si Martin. Meron nga siyang text pero kanina pa yung three ng hapon nagsasabing naka rating na daw siya sa office niya di muna ako nagreply at balak ko sana magpalit muna ng damit kasi kanina natulog ako kagad ngi di ko na nagawa magbihis.

Pagbaba ko sa baba naghahain na si Mama sa lamesa ng pagkain samantalang si Papa ay naka upo na at handa ng kumain.

"Buti naman bumaba ka na, ipapatawag pa naman sana kita kay Mike!" Wika ni Mama na nagpapatuloy sa pagsandok ng kanin sa kaldero.

"Hilamos lang ako saglit Ma!" Sagot ko naman sabay pasok na sa banyo. Nagmadali ako dahil nga kakain na.

"Baka magpropose na sayo ng kasal sa Palawan si Kuya Martin, Ate!" Sabi ni Mike habang kumakain kami apat sa hapag kainan.

"Hindi yun!" Kibit-balikat kong sagot kasi naman nag-usap na kami na after one year pa namin pwedi pag-usapan ang tungkol sa kasal.

"Bakit 'nak, ayaw mo pang mag-asawa?" Tanong ni Mama.

"Maaga pa Ma! Saka bata pa ko!"

"Paano kang naging bata eh twenty six ka na, pwedi ka ng mag-asawa!" Sagot naman ng matabil kong kapatid.

"Kung nagmamadali ka eh di ikaw na maunang mag-asawa!" Buska ko sa kanya.

"Bakit 'nak di ka pa ba sigurado kay Martin?" Si Papa naman ang muling nagtanong.

"Di naman sa ganun Pa kaya lang masyado pang maaga, sabi ko kay Martin after one year saka namin pag-usapan."

"Akala ko choosey ka pa! Di ka na makakahanap ng kagaya ni Kuya Martin, Ano ka ba Ate kaya dapat paspas!"

Tiningnan ko lang ng masakit si Mike at muli na kong sumubo.

"Anong gagawin niyo sa Palawan?" Tanong ni Mama.

"Mag-hohoney moon!" Pabiro kong sagot pero bago pa ko matawa sa sarili kong biro mas mabilis yung hampas ni Mama sa akin.

"Ma naman nagbibiro lang ako eh!" Reklamo ko habang hinahaplos ko yung hinampas niya. Ang bigat talaga ng kamay niya.

"Ayaw mong magpakasal pero gusto mong mag-honeymoon."

"Si Mama di maka intindi ng biro!" Sagot ko habang nagmamaktol.

"Biruin mo lela mong panot, humanda ka lang talaga kapag sakang kang umuwi galing sa bakasyon niyo!"

"Bakit ka magiging sakang?" Inosente kong tanong. Pero di na sumagot si Mama kasi nga siniko siya ni Papa. "Magiging sakang ka ba talaga kapag ginawa mo yun?" Tanong ko sa isip ko.

"Ate pasalubong ko ha!"

"Oo pasasalubungan kitang buhangin!"

"Kay Kuya Martin na lang ako magsasabi."

Agad kong tiningnan ng masama si Mike ng marinig ko ang sagot niya sa akin.

"Paano ka nagka number ni Kuya Martin mo?" Pag-uusig ko.

"Hiningi niya!" Sagot ni Mika sa akin.

"Hiningi niya?" Ulit kong tanong.

"Oo, hininga niya sa akin. Pati nga kay Papa at Mama hiningi rin niya."

Sagot ni Mike sa akin. Napatingin ako kay Mama at Papa para kumpirmahin yung sinabi ni Mike at agad naman silang tumango.


Load failed, please RETRY

Status de energia semanal

Rank -- Ranking de Poder
Stone -- Pedra de Poder

Capítulos de desbloqueio em lote

Índice

Opções de exibição

Fundo

Fonte

Tamanho

Comentários do capítulo

Escreva uma avaliação Status de leitura: C147
Falha ao postar. Tente novamente
  • Qualidade de Escrita
  • Estabilidade das atualizações
  • Desenvolvimento de Histórias
  • Design de Personagens
  • Antecedentes do mundo

O escore total 0.0

Resenha postada com sucesso! Leia mais resenhas
Vote com Power Stone
Rank NO.-- Ranking de Potência
Stone -- Pedra de Poder
Denunciar conteúdo impróprio
Dica de erro

Denunciar abuso

Comentários do parágrafo

Login