Baixar aplicativo
29.63% Maybe This Time Love Can Win (Tagalog) / Chapter 115: I Hope you don't mind

Capítulo 115: I Hope you don't mind

"Pasok ka!" Sabi sa akin ni Martin habang pinauna akong pinapasok sa kwarto niya. Na agad agad ko namang sinunod. Pero nakita kong di suminod sa akin si Martin kaya agad ko siyang tinanong

"Saan ka pupunta?"

"Balatan ko lang itong mangga sa baba. Higa-higa ka muna diyan sa kama ko o kaya nuod ka munag TV andiyan sa drawer yung remote."

"Sige!" Pagsang-ayon ko. Tuluyan na niyang isinara yung pinto at umalis. Agad kong tiningnan yung buong kwarto ni Martin fully aircon siya sa katunayan gumagana ito marahil naisip nila paandarin kasi nga uuwi si Martin. Dahil nga medyo pagod balak ko sana humiga muna kaya lumapit ako sa ay kama.

Pahiga na sana ako ng mapansin ko yung picture na nasa side table. Agad ko iyong kinuha nasa larawan ay si Elena at si Martin marahil college days pa nila iyon kasi naka uniform pa silang pareho. Nasa likod si Martin habang yakap-yakap si Elena sa harapan niya kung saan naka pulupot yung dalawang kamay niya sa baywang nito. Makikita sa muka nilang dalawa na mahal na mahal nila yung isa't-isa.

Di ko na kinayang tingnan pa yung napaka intimate picture nilang dalawa kaya muli ko iyon binalik sa side table at muli akong tumayo. Pinili ko na lang lumapit sa may binatan para sa huminga pero bago pa akong makarating ng beranda muli kong napansin yung naka display doon sa may aparador sa may sulok.

Andun yung iba't-ibang picture ni Elena at Martin na magkasama since childhood nilang dalawa. Meron din doong isang kulay puting teddy bare kung saan may nakasulat sa hawak-hawak niyang puso na "I LOVE YOU MARTIN from Elena." May isa ring picture kung saan makikitang naka gown si Elena at sadyang napaka ganda niya habang may hawak siyang trophy at may note na nakasulat sa gilid "FOR YOU BABE I LOVE YOU!"

Dahil sa nakikita ko di ko na napigilang maiyak kaya agad akong tumakbo sa banyo. Ayaw ko kasing makita ako ni Martin ng ganun baka kasi mamaya bigla siyang bumalik. Pagpasok ko ng banyo agad akong naghilamos at maka ilang beses akong bumuntong hininga. "Past is Past" sabi ko sa sarili ko. "Baka nakalimutan lang niyang alisin or baka wala lang siyang time ligpitin kasi busy siya." Pag-aalo ko sa sarili ko.

"Hays!" Muli kong buntong hininga. Dahil sa pagmamadali kong maghilamos di ko sinasadyang nabasa yung damit ko. Naisip kong maghiram muna ng damit ni Martin para ma blower ko yung suot ko nakakahiya naman kasing lumabas ng basa ako lalo pa nga at bakat yung suot kong bra.

Agad akong pumunta sa cabinet ni Martin para sana kumuha ng t-shirt pero laking gulat ko ng pagbukas ko ng pintuan ay damit pang babae yung mga naka display doon. Muli kong binuksan yung isa at kagaya ng isang cabinet puro pambabae rin ang nandoon. Ang pinagkaiba lng yung sa kabila ay puro casual ware samantalang ang isa ay puro pang formal at doon umagaw ng pansin sa akin yung isang lab coat na di ko maiwasang kunin. May kutob na ko kung kaninong gamit iyon pero gusto kong maka siguro at doon nga tumambad sa akin yung name tag na naka kabit pa doon "DR. ELENA MADRIGAL".

Sakto naman pagbukas ng pinto na akala ko si Martin pero si Elena ang pumasok kaya lalong kumunot ang noo ko. Parehas kaming di naka pag salita doon ko lang naalala na hawak ko parin yung damit niya kaya muli ko itong ibinalik sa aparador.

"Sorry wala akong intensyon paki-alamanan yung gamit mo nagkataon lang nabasa kasi ako balak ko sanag manghiram muna ng damit ni Martin nagulat lang ako kasi may mga pambabaeng damit na nandito." Sabi ko kay Elena habang pinipilit kong kumalma at isinara yung pintuan ng aparador.

"Andito yung mga damit Martin." Sagot ni Elena sa akin habang binuksan yung pintuan ng aparador sa tabi niya. Andun nga yung mga damit panlalaki na maayos na naka salansan.

"Salamat!" Sagot ko sa kanya at pumunta ako kung saan naroon yung damit ni Martin. Randomly lang akong humila ng t-shirt dun at mabilis akong pumasok uli ng banyo.

Agad kong isinara yung pinto at sumandal ako dun. Muling tumulo yung luha ko na parang ulan na tuloy-tuloy ang pagbuhos. Tinakpan ko ng palad ko yung bibig ko para walang lumabas ng ingay kasi ayaw kong marinig ni Elena na nasasaktan ako.

Makalipas ng ilang minutong pagluha muli akong naghilamos pero makikita parin yung pamumula ng mata ko kaya sinadya kong ilugay yung buhok ko at naglagay ng baby bangs para kahit papano matakpan ito. Muli akong lumabas suot yug t-shirt ni Martin andun parin si Elena naka upo sa sofa at nagbabasa. Di ko na siya pinansin at dumiretso na ko sa tokador para hanapin yung blower para matuyo yung damit ko.

Doon ko lang napagtanto na yung kwarto ni Martin ang gait ngayon ni Elena habang andito siya sa mansion nila ang pinagtatakahan ko lang bakit sa dinami dami ng kwartong andito bakit pinili pa niyang dito matulog. Imposible naman ito lang ang bakante or available at lalong malabo na wala silang guess room dito sa laki ba naman nito.

Marahil narirnig ni Elena yung tanong na utak ko kaya kusa na siyang nagpaliwag.

"I used to be staying here nung kami pa ni Martin every time na pumupunta ako dito."

"Oh!" maiksi kong sagot habang tinutuyo parin yung damit ko. Kaya pala andito yung mga gamit niya. Kaya pala may mga pambabaeng toiletries sa toilet kaya pala may mga lipstick, lotion, at kung ano-ano pang pambabaeng pampaganda dito sa tokador.

"May mga gamit parin kasi ako dito dahil nga di naman daw umuuwi si Martin kaya ito na lang pinagamit sa akin."

"Okey!" Indifferent kong sagot.

"I HOPE YOU DON'T MIND."

"Wala naman yun sa akin isa pa di ko naman ito bahay kaya wala akong karapatang masamain yung intensyon mo." Diretsa kong sagot. Dahil nga tuyo na yung damit ko di ko na hinintay sumagot si Elena at muli na kong bumalik sa banyo para muling magpalit. Paglabas ko wala na si Elena doon dahil nga nalaman ko na may ibang gumagamit ng kwarto na iyo minabuti ko narin lumabas ang pinagtatakahan ko lang bakit ang tagal ni Martin maka balik.


PENSAMENTOS DOS CRIADORES
pumirang pumirang

I will release to chapter daily kung aabot ng 100 yung power stone na ibibigay niyo sa akin.

Thanks sa mga comment...

Load failed, please RETRY

Status de energia semanal

Rank -- Ranking de Poder
Stone -- Pedra de Poder

Capítulos de desbloqueio em lote

Índice

Opções de exibição

Fundo

Fonte

Tamanho

Comentários do capítulo

Escreva uma avaliação Status de leitura: C115
Falha ao postar. Tente novamente
  • Qualidade de Escrita
  • Estabilidade das atualizações
  • Desenvolvimento de Histórias
  • Design de Personagens
  • Antecedentes do mundo

O escore total 0.0

Resenha postada com sucesso! Leia mais resenhas
Vote com Power Stone
Rank NO.-- Ranking de Potência
Stone -- Pedra de Poder
Denunciar conteúdo impróprio
Dica de erro

Denunciar abuso

Comentários do parágrafo

Login