Baixar aplicativo
13.4% Maybe This Time Love Can Win (Tagalog) / Chapter 52: Truth or Dare 3

Capítulo 52: Truth or Dare 3

"Haha... Kinabahan pa naman ako akala ko kung ano ipapagawa mo sakin kasi biglang nagliwanag yung mata mo. Akala ko paghuhubarin mo ko habang nagsasayaw sa labas or ipapakalbo mo sa akin yung buhok ko. Buti nalang gusto mo lang pala ng pera. Huh... kinabahan talaga ako!" Pagpupunas pa niya sa kunyaring pawis sa noo niya.

"Arte mo!" Iretable ko namang sagot sa mahabang salaysay niya. Pano nga naman di ko talaga naisip yun. Hays... sana nakabawi na ko sa ginagawa niya sa akin kasi magmumuka talaga siyang ewan kong pinagawa ko kahit isa dun sa sinabi niya.

"Akin na yung pera!" Pagdedemand ko habang muling winasiwas yung nakalahad kong kamay. Atleast di ko na poproblemahin yung pambayad ko sa hotel at kahit iwan niya ko siguradong makakauwi ako.

"Para na kitang asawa na humihingi ng sustento ah!" Natatawa niyang sabi sabay dukot ng wallet niya sa bandang likurang bulsa ng kanyang short.

"Magkano ba?" Maingat niyang tanong habang binubuksan yung wallet niya.

"Ten thousand!" Agad ko naman sagot.

"Ten thousand?" Gulat na gulat niyang sabi.

"Halik pa nga lang nagagawa ko sayo tapos ten thousand na kagad hinihingi mo sa akin. Parang lugi ako dun ah...!" Mahaba niyang salaysay habang tinitingnan ako ng may malisya mula dibdib pababa.

"Anong lugi... kulang pa nga yan sa moral damage ko saka sa pang bully mo sa akin. Kaya akin na yung ten thousand!" Galit kong sagot habang hinablot yung wallet niya dahil feeling ko wala siyang balak bigyan ako ng pera. Saka tama lang yung ten thousand sa bayad sa hotel kaya di yun kalabisan sabi ko sa sarili ko.

"Aba...! Di pa nga kita asawa nangunguha ka na ng wallet... Akin na yan...!" Dahan dahan niyang sabi habang lumalapit sa akin. Ako naman seryosong binibilang yung pera niya para siguradong tama ang makukuha ko dibaleng sobra wag lang kulang dahil wala talaga akong pang dagdag "One... Two... Three...!" Di ko na natapos yung pagbibilang ko ng mapansin ko siyang lumalapit na sa akin kaya agad naman akong umuusog papalayo sa kanya habang naka upo. Samantalang siya naman umaabante habang gumagapang na parang sanggol.

"Akin na yan!" Muli niyang demand ng seryoso pero alam mo na nang aasar.

"Di ko pa nakukuha yung pera ko!" Agad ko naman tangi na parang batang di pa nabibigyan ng gusto habang naka pouty lips. Pero ramdam ko yung patuloy parin niyang paglapit sa akin. Nung akmang dadakmain na niya yung wallet niya sa mga kamay ko agad ko iyong iniwas sabay tayo at takbo para di niya iyon makuha pero agad din siyang humabol.

"Hoy anong ginagawa mo!" Sigaw ko habang tumatakbo akong palabas ng higaan niya.

"Akin na yan!" Habol niya sa akin. Para kaming mga batang naglalaro ng habulan sa loob ng kwarto namin.

Agad akong tumakbo sa direksyon ng CR para makalayo sa kanya pero mukang nabasa niya yung naisip ko at agad niya kong hinarangan papunta dun.

"Martin!" Muli kong sigaw.

"Akin na yan!" Muli niyang habol para ma distract siya inihagis ko yung wallet niya

"Oh eto!"

Pero kinuha ko na lahat ng laman nun. Agad akong tumakbo sa direksyon ng higaan ko. Pero muli niya kong hinarangan kaya tumakbo ako sa sofa.

"Ayan na binigay ko na sayo! Tumigil ka na!"

"Anong tumigil... eh kinuha mo lahat ng pera ko!"

"Ano ka ten thousang lang ito!" Pagsisinungaling ko, alam ko naman more than yun sa tantiya ko nga nasa fifty thousand yung perang nasa kamay ko. Sadyang inaasar ko lang si Martin habang nakatayo ako sa likod ng sofa. Samantalang si Martin naman nakatayo sa may center table nag iikutan kaming dalawa.

Naka ilang beses kami nagpaikot-ikot ni Martin sa sala bago ako naabutan. Agad niya kong niyapos sa baywang at kiniliti mabilis akong nagpumiglas pero di niya na talaga ako pinakawalan.

"Matin... ano ba! Haha...haha... Bitaw! Nakikiliti ako! Haha... haha...! Ito na yung pera mo!" Sabay abot sa kanya yung pera para tigilan niya na yung ginagawa niyang pangkikiliti. Pero di niya ako tinigilan hanggang matumba ako.

Buti nalang at sa sofa ako natumba kaya di ako nasaktan. Samantalang si Martin naman napaluhod habang hawak parin ang baywang ko para alalayan ako sa pagbagsak.

Hawak parin ng kaliwa kong kamay yung mga pera kaya muli ko iyong inabot sa muka ni Martin para umalis na siya sa paanan ko. Pero sa halip na abutin niya na iyon iba naman ang inabot nito. Inabot niya yung ulo ko at bigla niya kong hinalikan.

Agad ko siyang itinulak papalayo sa akin at dahil di naman maayos yung pagkakapwesto niya agad siyang nalaglag sa upuan.

"Aray!" Sigaw niya. Agad akong bumangon para tingnan yung kalagayan niya. Nakatihaya si Martin sa sahig at hawak-hawak niya yung likod ng ulo niya na tumama nung bumagsak siya.

"Okey ka lang?" Pag-aalala kong tanong sa kanya. Na agad namang sumagot ng pabalang.

"Panong okey? Tingnan mo nga oh, parang may bukol ata ako sa ulo." Daing niya habang dahan-dahang bumabangon.

Agad naman akong lumuhod rin sa tapat niya para alalayan siya sabay haplos sa bahagi ng ulo niya na nirereklamo niyang masakit. Makailang beses kong hinagod pero wala naman akong nakapa na bukol o anumang sugat. Doon ko naisip baka nagiinarte lang siya pano naman magkakabukol eh ang baba lang naman ng binagsakan niya tapos may karpet pa yung sahig. Kaya agad ko siyang binatukan dahil sa pagsisinungaling niya.

Pero ginamit niya yun para sumubsob sa sakin at yumakap. Agad niyang ipinatong yung ulo niya sa kaliwa kong balikat habang yung dalawang kamay niya ay nasa baywang ko.

"Bitaw!" Utos ko sa kanya. Di ako makagalaw dahil sa position namin dalawa nasa pagitan ako ng sofa at ni Martin.

"Nahihilo ako... mukang nabagok yung ulo ko! Kaya hayaan mo munang yakapin kita ha!"

"Anong nabagok eh napaka baba lang ng hinulagan mo? Paka-arte mo! Sabay kurot sa tagiliran niya.

"Aray! Grabe ka magmahal masyado kang mapanakit!" Pero di parin siya natinag sa pagkakayakap sa akin.

"Lalo kang masasaktan pag di ka pa bumitaw sa akin!" Muli kong pagbabanta sa kanya. "Martin! Muli kong tawag sa kanya kasi parang baliwala ang pagbabanta ko.

"Binigyan na nga kita ng pera tapos kiss and hugs lang ayaw mo parin akong pagbigyan." Pagdadrama niya.

"Huh?" Pagtataka ko doon ko nga pala naalala yung pera niya na hanggang nagyon hawak-hawak ko pa.


PENSAMENTOS DOS CRIADORES
pumirang pumirang

Sorry for 1 chapter bawi ako next time!!!

Thanks!!!!

Load failed, please RETRY

Status de energia semanal

Rank -- Ranking de Poder
Stone -- Pedra de Poder

Capítulos de desbloqueio em lote

Índice

Opções de exibição

Fundo

Fonte

Tamanho

Comentários do capítulo

Escreva uma avaliação Status de leitura: C52
Falha ao postar. Tente novamente
  • Qualidade de Escrita
  • Estabilidade das atualizações
  • Desenvolvimento de Histórias
  • Design de Personagens
  • Antecedentes do mundo

O escore total 0.0

Resenha postada com sucesso! Leia mais resenhas
Vote com Power Stone
Rank NO.-- Ranking de Potência
Stone -- Pedra de Poder
Denunciar conteúdo impróprio
Dica de erro

Denunciar abuso

Comentários do parágrafo

Login