***Hervey's pov
"Ma, why are you forcing me to go home? I can't leave my job here ma!" Halos pasigaw ng sagot ni Hervey sa kausap niyang nasa kabilang linya. Ayaw kasi niya sa lahat ay ang kinukulit siya. Kung ayaw niya ayaw niya. Period.
"But son, can you just stay here for a while? Your brother is not with us anymore. Can you go home and comfort me?" Napapiyok ang boses nito dahil sa sinabi.
Napakunot at nagkasalubong ang makapal niyang kilay sa sinabi nito. Sigurado siyang dinadramahan na naman siya ng kanyang mama, para lang pauwiin siya sa Casa Merah. Kilala na niya ang kapatid niya. Kung gaano siya ka pursige pagdating sa trabaho ay halos kabaligtaran niya ito. Matigas ang ulo at lagi na lang naglalayas at kung saan saan nagpupunta. Kaya hindi nakapagtatakang iniwan na naman nito ang kanilang ina. He sighed bago ito sagutin. "Ma, kung ano man yung drama mo,pwede ba itigil niyo na? Alam mong di uubra sa akin yan! I dont want to leave every single task here. Marami akong inaasikaso dito sa resort." Halos sa trabaho na umiikot ang mundo niya. At sa isla Tiffifania na rin ang buhay niya.
"Pero Im not joking, son." Giit nito at lalo pang napahagulhol. Rinig na rinig niya at ramdam niyang tunay nga ang bawat tangis nito. "Hervey, hindi ako nagbibiro. Patay na si Hindler!"
Saglit siyang napatulala ng marinig ang sinabi nito. Muntik pa niyang mabitawan ang cellphone na hawak pagkarinig sa sinabi nito. Agad niyang hinamig ang sarili bago ito sagutin.
"What? Anung sinabi niyo? Anung patay na si Hindler?" Pasigaw na sagot niya at napabalikwas ng bangon mula sa hinihigaang kama. Kakatapos lang niya sa kanyang misyon at umuwi lang siya saglit para magpahinga bago dumiretso sa opisina para kunin ang files ng bagong kasong hahawakan niya.
"Yes son. You heard me right. He's dead!" Sagot nito at lalong napahagulhol.
Tuluyan na siyang napatulala dahil sa sinabi nito. How could it be? He is strong as a bull. How could it be??"
"Pano nangyari yun ma?" Pumiyok na rin ang boses niya dahil sa emosyong nadama. Gustuhin man niyang magpakatatag pero pagdating sa pamilya balewala ang katigasan ng pagkatao niya. Kung gaano siya katigas sa bawat kasong hinahawakan niya ganun naman siya kalambot pagdating sa pamilya. Kahit hindi sila laging magkasama ng kapatid ay mahal na mahal niya ito. Ito lang ang tanging nasasandalan niya simula ng mamatay ang kanilang ama.
Mataman siyang nakinig habang isa- isang idinetalye ng kanyang ina ang nangyari sa kapatid niya.
"Ok. Fine. Give me some of her information ma. Ako ng bahala sa kanya! I will make sure wala pang isang buwan ay makikita ko na siya." Tiim ang bagang wika niya rito. Sa klase ng trabaho niya ay naging bihasa na siya sa pagkontrol ng emosyon. Pero sa pagkakataong iyon ay gustong sumabog ng puso niya sa sinabi sa kanya ng mama niya.
Matapos makipag usap sa ina ay agad siyang bumangon at nagbihis. Isang pasya ang mabilis na bumuo sa isip niya.
Suot ang plain black tshirt at maong pants ay tinungo niya ang hitech niyang parking. Nasa loob iyon ng tinutuluyan niyang condo at nakapark doon ang dalawa niyang kotse, isang Porsche sportcar at isang black Mercedez Benz 523i. Meron din siyang isang Ducati motorbike na siyang gagamitin niya ngayon.
Bago siya tuluyang umalis ay sinecure niya muna lahat ng gamit niya. Alam niyang matagal tagal din ang dalawang buwan na pagkakawala niya. Dalawang buwan, kasi gusto niyang sulitin na makasama ang kanyang ina. At kailangan niyang siguraduhin na walang makapuslit sa condominium niya. Kahit ang girlfriend niyang si Velvet ay di pa nakakarating dito. Hi-tech ang lahat ng locks at gamit niya sa bahay na to. Sa labas ng pintuan niya ay may voice scanner at six digit pincode bago tuluyang mabuksan ang unang pintuan niya. At pagdating sa loob may iris scanner at super electronic card na kelangang itap para tuluyang bumukas ang main door. Pero he find it troublesome so he personally installed it to his smartwatch para in one tap the door will open. At the same time, he can see if someone forced to open it co'z it's connected to his smartwatch.
Saglit niyang inilagay sa compartment ng motorbike niya ang dala dalang papeles bago tuluyang sumakay. May carlift ang condo niyang iyon kaya dun na siya dumaan pababa sakay ng Ducati niya.
Agad siyang dumiretso sa opisina nila sa kalagitnaan ng isla Thalassina. Hindi basta basta makikita ang opisina nila dahil you need access para maopen ang pinakamain gate ng kweba. And most of all, underground ang opisina nila, at ang bukana niyon ay kala mo kweba. Pero sementado iyon at nagsisilbing gate para makapark din sila sa loob. Sekreto ang lugar na yun at tanging sila lamang na mga agents ang nakakapasok at nakakaalam nun.
Ang labas ng kwebang yun ay isang modern resort na pagmamay ari ng walang iba, kundi siya. Simula nung mamatay sa isang misyon ang dati niyang superior ay siya na ang namahala sa resort, habang nag uumpisa pa lang siyang maging agent. And ang agency nila dito ay branch lamang ng Corinthians Agency na located sa Los Angeles, isa sa sikat na detective agency sa buong mundo. At dito niya sa resort nakilala ang girlfriend niyang si Velvet. Nagtatrabaho ito dito bilang manager ng resort, pero wala itong kaalam alam tungkol sa pagkatao niya. Maskin ang mama niya ay wala ding alam tungkol sa klase ng trabaho niya. Ang alam lang nito ay namamahala lang siya ng resort. Malayo ang isla Thalassina mula sa Casa Merah kaya minsanan lang siyang umuwi,at pati ang mama niya ay ayaw ding pumunta dito sa kanya dahil nalalayuan. Isa pa, lagi rin siyang nasa labas ng bansa para sa mga misyon niya. Pano ba naman, eh dulo na ito ng Pilipinas. Isang tanaw mo na lang ay abot mo na ang Malaysia.
Matapos maipark ang dalang Ducati ay agad siyang dumiretso sa cubicle niya. Na send na niya kanina sa email ang leave niya kaya aantayin na lang niya ang response ni John. Ito ang superior niya ngayon na nagpasok sa kanya dito sa Corinthians Agency. Nadaanan pa niya sa cubicle ang partner niya sa hacking system, na si The flash, kasi kasingbilis ng kidlat kung mahack nito ang computer system ng mga taong hinahanap nila. At ito ang alyas nito. Alyas lang nila ang tawagan sa isat isa. Tinanguan lang niya ito at dumiretso sa loob ng opisina niya.
Humugot siya ng malalim na buntong hininga at umupo sa swivel chair na naroon. Kinuha niya ang file ng babaeng pumatay sa kapatid niya at agad na binuklat para muling pag aralan. Ngunit tumambad sa pagmumukha niya ang nakangiting mukha nito. Biglang may kung anong kaba ang sumalakay sa kanya habang nakatitig sa litrato nito. The girl look so innocent yet seductive. Ang tipo ng babaeng hindi mo kayang pagdudahan. And she look familiar to him. He just cant remember when or where did he saw her. May naramdaman siyang kakaiba habang tinititigan ang mukha ng babae. Hindi niya alam kung galit ba ang nararamdaman niya o...
Kaagad niyang naisara ang file ng biglang bumukas ang pinto. Umayos siya ng upo ng pumasok ang nakakunot noong mukha ni John.
"Hey! Why you really need to leave?" Bungad nito habang bitbit ang isang folder na alam na niya kung ano ang ibig sabihin.
Sumeryoso ang mukha niya ng humarap rito.
"I need to find someone. I know its out of the line but..."
Hindi na niya natapos ang sasabihin ng bigla nitong inilapag ang folder na dala sa harap niya.
"I'll let you have that, but you do this one also." Wika nito at binuksan ang kakalapag na folder sa harap niya.
Kunot noong niyuko niya ang binigay nitong file at oinasadahan ng tingin.
"Who is that?" Maang na tanong niya.
"Well, your next mission." Casual na sagot nito at naglakad lakad sa harap ng mesa niya. "He's a drug dealer pretending to be a secret agent in a small firm dito sa 'Pinas. May katinikan ang isang yan kaya kahit ang alagad ng batas ay di siya mahuli huli." Pagpapaliwanag nito at muling humarap sa kanya.
Napabuntong hininga siya.
"Why it should be me? John, i need a break. Can you give that to Carter instead?"
"No. Sayo ko lang pwedeng iaasa ang isang to. Hindi siya madaling kalaban, Hervey. And isa pa, malapit lang siya sa lugar na pupuntahan mo." Giit pa nito. "Alam kong ito ang gusto mong kaso kaya sayo ko na ipapasa. Action ang hanap mo di ba? So, there it is."
Muli siyang napabuntong hininga at sinuri ang file na binigay nito.
"Connor Oneal." Bulong niya habang binabasa ang nakasulat sa file. Tama si John. Action nga ang gusto niya. Dahil ito ang nagpapa excite sa bawat kasong hahawakan niya.
"Ok i'll take it! Alam mo naman kung gaano ako kasabik pag ganitong kaso." Aniya ng matapos mabasa ang file.
"All right then. It settle. Make sure updated ka lagi ha, kahit di ka bumisita rito?" Muling wika ni John.
Tango lang ang isinagot niya bago ito tuluyang lumabas. Napabuntong hininga naman siya habang nililigpit ang mga gamit na kailangan niyang dalhin.
Saglit din siyang dumaan sa resort pagkagaling sa opisina, para magpaalam kay Velvet. Pero wala daw ito roon sabi ng assistant nito. Nagpakawala siya ng malalim na buntong hininga. Ilang araw na ring di nagpapakita sa kaniya ang babae. Pero ang nakakapagtaka ay di man lang siya nakaramdam ng pananabik para rito. Nagkibit balikat na lamang siya habang inaayos ang pagkasalansan ng gamit sa loob ng chopper na gagamitin papuntang Maynila. May private airport ang isla para na rin sa mga turistang dumarayo sa resort. At ang Ducati motorbike at Porsche Suv niya ay ipapabiyahe na lang niya papuntang Maynila. Si John na ang bahala roon. Habang paunti unting tumaas ang sinasakyang chopper ay nag uumigting ang galit at pananabik niya na makita nag taong pumatay sa kapatid niya.
"Wait me Hindler. At sisiguraduhin ko sayong makikita ko ang taong may sala sayo." Tiim ang bagang na bulong niya habang minamaneobra ang chopper palayo sa isla Thalassina.
***