I still let Aeiou tell me about myself pero hindi na rin ako lubos na makapagfocus at makasagot sa kanya. I was thinking about what he did para magtamo ng ganoon kadaming sugat at dugo. This is my second future, my second life. Hindi ko alam kung ano ang mangyayari. It seems like after kong mamatay sa hinaharap ko ay babalik ako sa eksaktong eksenang ito.
I wanted to recall all the predictions or dreams I had for the past days pero wala na akong masyadong naaalala. Lahat ng napanaginipan ko at nakita ko na galing kina Skyme at Kimberlite ay may kinalaman lamang sa unang hinaharap ko. Pero paano nalaman ni Kimberlite na may tatlo akong hinaharap?
I checked the time, it was 9:32pm. Less than four hours away for that moment to happen again. Kung may dapat man akong gawin ngayon is to move faster and move earlier.
"Aeiou, I need to tell you something." pagtawag ko sakanya.
"Aeiou? That's the first time you called me in that name. I only told you about my whole name few minutes ago." nagtataka niyang tanong sa pagtawag ko sakanya. I forgot about it.
I smiled to him.
"Gusto ko lang. I'm going to call you Aeiou from now on." tugon ko sakanya.
"Okay. So, ano yung sasabihin mo sa akin?" tanong niya.
Nagbugtong-hininga muna ako. I don't know if it's right to tell him this pero I guess I will.
"Don't be surprise or something. Sana maniwala ka sa akin." sambit ko sakanya. Inabot ko ang kanyang kamay sabay tingin sa kanyang mga mata.
"I promise." tugon niya.
"I came back from my first future." deretso kong sabi sa kanya.
"My love, my amore, my life." nabigla ako sa sinabi niya. That is what he called me before we died! I looked at him really shocked. Wala akong masabi. I stared at him. Nanigas ako sa narinig ko galing sa kanya.
"We both came back from our first life, Sync." paliwanag niya. Bigla akong lumambot at mahigpit na kumapit sa kanyang mga kamay. I'm starting to cry again. Agad na niyakap niya ako at kinulong sa kanyang mga bisig.
"I'm sorry for lying. Ngayon ko lang napagtanto ang ibig sabihin ni Kimberlite na may tatlo kang hinaharap. Maybe she saw yours, but she didn't saw mine." paliwanag niya ulit. I managed to calm down but stayed in his arms.
"Kagagawan ba ito ni Kimberlite? Is she ruining our lives and memories again?" tanong ko sakanya.
"No. She didn't know anything about this. I saw how she was shocked habang pinapakita niya ang hinaharap mo sa iyo. When you were under her spell, I also saw mine pero it wasn't Kimberlite who let me see it." sambit niya sa akin.
"Sino?" I asked.
"It was Skyme. He let me see my two futures, yung pangatlo ay hindi na natuloy when Kimberlite took him. Hindi ko pinahalata sa lahat na may nakita ako dahil sigurado akong tatapusin niya si Skyme pagnalaman niya. Her intention was really to get Skyme's power, pero di niya inaasahan ang pagbabalik nina Eeyone at Luzzie, kaya napagdesisyunan ni Skyme na ipakita sa akin kung ano man ang nakita niya bago pa man siya makuha ni Kimberlite. But then, she changed her plan to get you instead of him. Dahil ikaw ang naging dahilan ng pagbabalik nila, you were the one who destroyed her progress." pagdedetalye niya sa mga pangyayari.
"What did you saw from the second future?" tanong ko sa kanya.
Hinarap niya ako sa kanya at tinitigan ako sa mata.
*
Biglang naglaho ang paligid at nakita ko ang aking sarili na nakatayo sa isang madilim na lugar. I looked at myself and realized that I'm on Aeiou's body. This is weird. Now, I must act like him in front of myself?
Nilingon ko ang sarili ko ulit. I remembered this dream. Ito yung nakita ko before I woke up nung nahimatay ako sa hallway.
Hindi ko alam kung paano ko ito iuugnay sa pangyayaring pagkuha sa akin ni Kimberlite.
Palinga-linga ang sarili ko sa paligid. I think I was looking for some light para maaninag ang paligid ngunit wala akong makitang ilaw. I walked near me pero bago pa man ako makalapit ng maayos ay agad na bumagsak ako sa lapag. Nagulat ako sa pagbagsak ko kaya hindi ko nasalo ang sarili ko, that sure hurts.
Lumapit ako at nilagay ang aking ulo sa hita ni Aeiou na hita ko na rin ngayon. Ang gulo pero yun na yun. Tinaas ko ang aking mga kamay para hawakan ang aking mukha pero bago ko pa man ito magawa ay biglang umilaw at lumitaw si Kimberlite sa harapan ko, sapat na layo para makita ko ang kanyang kabuuan.
"Hello, Aeiou." tawag niya kay Aeiou na sa ngayon ay ako. Tinignan ko ang kanyang mga mukha. Hindi mawala ang kanyang mga ngisi. Kinunot ko ang aking noo para ipahiwatig sa kanya na naiirita ako sa pagmumukha niya.
"Stop this, Kimberlite." sambit ko. Medyo nabaguhan ako sa aking boses, katunog na katunog ko si Aeiou. So hindi lamang physical features ang nagaya ko, also his voice.
"I'll stop when you stop breathing. Matatapos lahat ng ito kung mamamatay na kayo pareho. Makukuha ko na lahat ng gusto ko." sagot niya.
"You know you can't end us." tugon ko sa kanya. Unti-unting nahihirapan akong huminga. Why is this happening? Nilingon ko saglit ang aking katawan na nasa lapag. My body is slowly turning into ashes.
"Not me, Aeiou. You are going to end Sync and you." nakangisi niya sagot.
May biglang lumitaw na kutsilyo sa aking kamay at unti-unting nilapit ito sa aking puso. Hindi ko magawang ilihis ang aking kamay, Kimberlite is controlling me!
Bumaon ang kutsilyo sa aking damit at agad na naramdaman ko ang kutsilyo sa aking dibdib. Sumigaw ako sa sakit na aking nararamdaman.
Bago pa man ito bumaon ng malalim, agad na bumalik ako sa kwarto ni Aeiou.
*
Hinahabol ko ang aking hininga habang nakahawak sa aking dibdib. Nasa bisig na ako ni Aeiou pagbalik ko.
"I'm sorry." sabi niya habang hinihimas ang aking buhok.
"It's okay. Masakit, pero sigurado akong mas masakit ang naranasan mo. How did you manage to endure the pain?" tanong ko sa kanya.
"I used zero sense that time. Pero tinigil ko rin when Kimberlite left. Doon na ako napasigaw sa sakit but I'm okay." sagot niya at hinalikan ako sa noo.
"By the way, ano ang nangyari sa iyo sa unang hinaharap? Bakit naliligo ka sa sarili mong dugo?" I asked him pero nanatili siyang tahimik at patuloy na hinihimas ang aking buhok.
Hindi na rin ako nagsalita. Baka hindi niya gustong pag-usapan kaya iintindihin ko nalang. Mas lalong siniksik ko ang aking sarili sa kanya and I looked at the time, 10pm. Three hours to go.