Pagkatapos ng pag-uusap namin, sandali muna akong nanatili sa kwarto niya at magkayakap na nakahiga sa kama. Hindi nagtagal ay bumalik na ako sa aking sariling silid na hindi inaalis ang proteksyon sa kwarto ni Vowel. Hindi pwedeng malaman na kahit na sino na galing ako doon at napag-usapan na namin ang nakaraan, lalo na't naikwento na ni Vowel ang tungkol sa tunay kong pagkatao.
Dumating ako sa kwarto ng ala-una ng madaling araw. Tansya ko ay tatlong oras akong nanatili doon. Sa lahat ng nalaman ko, hindi ko lubos maisip ko paano ko iyon nakayanang intindihin lahat. Sobrang gulo na ng buhay ko, sobrang raming naglilihim sa akin at sobrang raming nagsisinungaling sa akin. Hindi ko na alam kung sino ang paniniwalaan ko pero sa ngayon, siguro ay si Vowel muna. Hindi ko alam kung tama ang gagawin ko pero wala na akong ibang taong maaasahan pa.
Looking back, lahat ng ito ay nagsimula nang napagdesisyonan ni King Demen Arthur na isali kami sa labanan, then it makes me think about my mission.
For now, hindi ko alam kung kaya ko pa kayang magkunwaring wala akong alam sa harap ng tinuring kong pamilya.
Knowing that I used to call "papa" to someone who almost killed us just to get the Human key, knowing that I used to call "mama" to someone who is really my sister, the hidden creation of Lord Syzygy and the ruler of Human na sa kagagawan ng kanyang "asawa" ngayon ay ipinagkait sa kanya. I used to call "family" to the people who has a great greed to power and destroyed me. I can't call them what I used to call them, hindi ko pa kaya.
At ngayon, hindi ko na alam kung kaya ko pa silang pagkatiwalaan.
They once told me, na kaya nila akong itakwil kung ako ay magiging dahilan ng pagbagsak ng Dementia dahil in the first place, hindi nila ako tunay na anak.
Hindi ko na alam kung kaya ko pang gawin ang misyong ipapagawa nila sa akin. Siguro magagawa ko ang misyon kung hindi ko lang nalaman ang katotohanan. Kung ginawa ko man iyon, siguro magiging isang malaking gulo na naman, maaaring ito ay magiging simula ng ikatlong dimaan.
Anong gagawin ko? Anong gagawin namin? How can we stop this?
Nasa kalagitnaan ako ng pag-iisip nang bigla nalang bumilis ang tibok ng puso ko. I only feel this when Vowel's around me. At wala pang limang segundo ay bigla nalang siyang lumitaw sa harap ng kama ko. Pawis na pawis siya, parang kakagaling sa takbo, at agad siyang lumapit sa akin.
"There is something you need to know." He is on his armored suit.
"Ano?" Natatarantang tanong ko nang nakita ko siyang parang nagmamadali.
"Kimberlite is coming anytime now. I can sense her na papunta siya dito. I don't know what she's up to, but now we need to wake everyone up. Una mong gisingin si Skyme and tell him to ready his armor and his sword. Tapos, puntahan mo sina Erik at Luzzi and be sure to hypnotize Erik and teleport him to King Demen's office, bring Luzzi with you at maghintay kayong tatlo dito sa kwarto mo. Ready and wear your armor and your powers, please control it. I'm going to try and reach for Eeyone, he needs to be here." Biglang nanlamig ang kamay ko sa narinig ko. Kimberlite is coming, I'm not ready to face her yet pero parang pinaglalaruan ata ako ng tadhana.
Agad na ginawa ko ay inutos ni Vowel sa akin at agad na nagteleport sa kwarto ni Skyme. And when I got there, he was not even in the bed. He is now on his armor at nakahanda na ang kanyang sword.
"I know what's going on. Someone unexpected is coming. I can sense danger." bungad niya sa akin bago pa man ako nakapagsalita.
"Bilisan mo at pumunta ka sa kwarto ko at huwag na huwag kang lalabas doon." bilin ko sakanya at agad na nagteleport ulit sa kwarto nina Erik at Luzzi.
Pagkarating ko doon ay naabutan kong natutulog sila at naginhawaan ako dahil mapapadali na ang gagawin ko. Agad na hiniptisimo ko si Erik nang wala sa kanilang dalawa ang nagigising at agad na itineleport siya sa office ni King Demen and fortunately walang tao doon kaya nilapat ko nalang muna siya sa sofa at hindi pa rin inaalis ang ginawang paghihiniptismo sa kanya, he can't suddenly wake up kaya mas mabuti nang ganito.
Pagbalik ko sa kwarto nila ay agad na tineleport ko si Luzzi sa kwarto ko at naabutan doon si Skyme, Vowel at isang lalaking sobrang kahawig ni Vowel, I bet this is Eeyone. Nilapat ko muna si Luzzi sa kama ko bago ko sila hinarap.
Lumapit sa akin si Eeyone at niyakap ako, I don't know how he got here, kung paano siya nakatakas sa kamay ng mga Croa at kung paano siya nakapasok sa Dementia pero hindi muna iyon ang iisipin ko.
"I'm glad you're okay, sis." sabi niya sa akin habang nakayakap pa rin sa akin. Agad na rin naman siyang humiwalay at ningitian ko siya.
"Wait what is going on? Where is Dad?" agad na tanong ni Skyme pero walang sino man ang sumagot sa kanya. He looks confuse sa mga nangyayari.
"Calm down, Skyme. For now, you need to do whatever we tell you." sabi ni Vowel sa kanya.
"And why would I do that?" mataray na tugon ni Vowel sa kanya.
"Please. Step aside your feelings for me. We are trying to help you here." tumaas ang boses ni Vowel, parang nanggigiling na siya sa galit pero pilit niya pinipigilan ito.
"And why the hell would I need your help!" sigaw na tugon niya kaya hindi na ako nakatimpi.
"Pwede ba Skyme! Just shut up and do as we say. Huwag mo muna pairalin ang ugali mong iyan sa amin. We have more important thing to deal here!" malakas na sermon ko sa kanya na ikinamulat ni Luzzi.
"Anong nangyayari? Bakit tayo lahat nandito? And where is Erik?" sunud-sunod na tanong niya sa amin.
Pero bago pa man ako makasagot, ay biglang sumakit ang ulo ko kaya napaluhod ako sa sakit. I can hear Vowel shouting too kaya napatingin ako sa kanya, he's holding his heart, nakaluhod rin siya at nagtama ang aming paningin.
At wala na akong ibang maisip pa kung bakit maliban sa...
she's here.