Chapter 904: Sobra Akong Nadismaya sa Iyo (5)
" Ya, walang namang nag-akala na mauuwi ito sa ganito. Naisip naming dalawa ni Wei Liao na planado ito para kay Su Yu… may tao sa likod ng lahat ng ito."
Nanatiling tahimikk si Huo Mian…
"Ngunit may isang bagay akong hindi maintindihan, ano ba ang nangyari sa oras ng kanyang pagkawala, at bakit ba hindi na lang niya sabihin ang nangyari sa oras na iyon? Gaano ba kahalaga ito na pipiliin niyang i-frame siya kaysa sabihin ang totoo? Ang boses ng mga tao ay laban sa kanya, at kahit pa mula siya sa mayamang pamilya at apo ni Commander Su, magiging mahirap para sa kanya ang makaalis sa kasong ito. Ang opinyon ng nasa itaas ay ikulong siya kung hindi maitatanggi ang ebidensya at maipapawalang bisa ang kanyang pagkainosente. Nakasalalay ang lahat ng ito sa kakayahan ng kanyang abogado kung ano ang magiging hatol sa kanya sa kasong ito."
"Seryoso ba ito?" Nag-aalalang tanong ni Huo Mian.