Sa loob ng forty-five degrees celsius na hot spring…
Silang dalawa lang ang nandoon, yakap ang isa't isa at naghahalikan…
Minsan, may mga snowflakes na bababa mula sa bundok…
Alam ni Huo Mian na hindi niya makakalimutan ang malapit na sandaling ito hangga't siya ay nabubuhay…
Naniniwala siya na kahit ilang taon pa ang magdaan, lagi siyang mapapaluha kapag maaalala niya ang sandaling ito.
Pinag-isipan ni Qin Chu mabuti at sinubukan ang lahat para matupad ang sinabi ni Huo Mian nung bata pa ito.
Ito ay pitong taon na ang nakakalipas…
Pumunta ang dalawa sa isang ski resort nang magkasama at sinabi ni Huo Mian, "Maganda sana kung meron tayong sariling resort sa hinaharap at ang tema nito ay snow. May hot springs ito, skating rink, at kapag nasa hot spring tayo, babagsak ang snow. Wow, halos mamatay na ako sa kakaisip kung gaano kasaya iyon. Sobrang romantic din isipin ito."