"Noong taon na yan, laging mugto ang mga maya niya kasi araw-araw at gabi-
gabi, wala siyang ibang ginawa kundi umiyak ng umiyak."
"Napansin ko din noong taong ito, nag'matured siya ng sobra… Dati kasi, lagi
siyang umuuwi ng madumi ang damit kaya lagi ring nagagalit ang mama niya,
pero ang nakakatawa… lagi rin namang nilalabhan ng mama niya yung damit
niya… Mula noong mamatay ang asawa ko, lagi kong nakikita yung anak ko na
patagong naglalaba ng damit niya… Siguro ayaw niyang mapagalitan ko siya…
"Kahit na hanga ako sa pagiging matured niya sa murang edad, sobrang
nasasaktan pa rin ako.
"Ito yung picture na kinuha niya sa university of Beijing… Ako yung naghatid
sakanya dun. Tignan mo… may picture kami sa Tiananmen Square…"
Puno ng magkakahalong emosyun, huminga ng malalim si Mr. Song. "Ito yung
taon na nagkasakit ako at kinailangan ko ng malaking pera para maoperahan
ako. Noong panahon na 'yun, gusto nalang sanang magtabi para kay Sisi, pero
nagulat ako, gumawa siya ng paraan para makaipon ng pangopera ko."
"Noong panahon nay un, sobrang hirap namin. Huminto si Sisi sa pagaaral at
naging isang sales attendant sa isang mall. Buwan-buwan, kumikita siya hg
three thousand dollars, at yun yung ginagamit niya pambili ko ng gamot."
Biglang kumunot ang noo ni Xu Jiamu.
Noong panahon na 'yun, nagsasama na sila, pero pagkatapos niya itong
bigayan ng fifty thousand dollars, hindi na ito humingi ulit sakanya ng kahit
singkong duling.
Ang alam niya, pumapasok ito dati sa A college… Tandang-tanda niya na
kapag pinapapunta niya ito sa lugar niya, hindi ito tumatanggi o
nagrereklamo… pupunta ito ng gabi at aalis ng umagang umaga kinabukasan
raw pumasok sa school… May mga pagkakataon na sinusundo niya ito sa
tapat ng A college, kaya ang buong akala niya talaga ay nagaaral ito…
"Pagkatapos, naging artista na siya. May isang beses na binisita ko siya sa
set… Grabe yung pinagawa sakanya, at winter pa nun…Hindi ko
makakalimutan na ang taas taas ng lagnat niya, sabi ko nga magpahinga muna
eh… Pero ayaw niyang pumayag… Bilang papa niya, sobrang sakit nun para
sakin… May isang beses din na may nambully sakanya. Pinagsasampal daw
siya at sinara ang damit niya… Alam mo ba? Umuwi siya nung gabing yun at
iyak lang siya ng iyak sa akin…"
Habang tumatagal, lalong nagiging emosyunal si Mr. Song, at sa pagkakataong
ito, mangiyak-ngiyak siyang nagpatuloy, "Noong panahon na 'yun, siguro
sobrang nasaktan siya… Baka wala siyang mapagsumbungan kaya kahit
malayo ang bahay namin, umuwi siya para magsumbong sa papa niya. Halos
kalahating buwan siyang nagstay dito bago siya bumalik sa set. Pagkatapos
nun… Siguro nahiya na siya sa akin, kaya mula 'nun, ala na siyang
sinusumbong na kahit ano, pero alam ko, tinitiis niya lang ang lahat….
Pakiramdam ko tuloy, wala akong kwentang tatay…"
Dahil sa mga sinabi ni Mr. Song, biglang naalala ni Xu Jiamu noong tinanong
niya si Song Xiangsi kung bakit pa nito tinuloy ang pagfifilm kung namamaga
na ang paa nito. Noong oras na 'yun, sinabi lang nito sakanya na matagal na
itong nagtitiis…
Sa totoo lang, noong narinig niya 'yun kay Song Xiangsi, sobrang nasaktan
siya, pero ngayon na nalaman niya na ang lahat… isang daang beses na mas
masakit ang nararamdaman niya, na para bang paulit ulit na sinasaksak ang
puso niya…
Walong taon silang nagsama…. Gabi-gabi, magkatabi silang matulog… Mahigit
tatlong libong gabi, pero wala siya ni katiting na ideyang nasasaktan pala ito,
sinasampal ng iba, nilalagnat, malungkot, masaya, o kahit noong tumigil ito sa
pagaaral…