Hindi ba gusto niya ng kaimutan ang lahat, kaya bakit nga ba inaalala niya pa
ang mga nakaraan na ibinaon niya na sa limot?
Dahil na rin siguro sa biglaang pagpapakita ni Qiao Anhao.
Gusto niyang malaman kung bakit siya hinahanap nito ngayon matapos nitong
maging walang puso sakanya noon…
Habang pinapatay niya ang gripo, umiling siya ng malakas para hawiin ang
lahat ng tumakabo sakanyang isip.
Hindi ito maganda. Matagal na panahon ang binuno niya para kalimutan si
Qiao Anhao at hanggang ngayon ay kinukumbinsi niya pa rin ang kanyang
sarili na putulin na ng tuluyan ang aumang kumukonekta sakanila. Pero dahil
nagpakita ito muli sakanya ngayon, naguguluhan nanaman.
Kung magtutuloy-tuloy ito, siguradong malaki nanaman ang posibilidad na
makagawa siya ng kaparehong pagkakamali na nagawa niya noon… Pero ang
sakit at lungkot na pinagdaanan niya noon ay sobrang bigat kung
pagdadaanan niya ulit sa ikalawang pagkakataon.
Habang nakahawak ng mahigpit sa lababo, yumuko siya para magisip ng
mabuti. Nang makapagdesisyon na siya, kumuha siya ng twalya para punasan
ang kanyang kamay bago siya bumalik sa tulugan. Hinubad niya ang kanyang
pang'itaas na natanggalan ng butones at nagpalit ng bagong damit bago siya
magempake. Noong oras din na 'yun, kinuha niya ang telepono na nasa loob
ng kanyang kwarto para tawagan ang counter sa baba. "Ihanap mo ako ng
pinaka maagang flight papuntang America, gusto ko ng magcheck out."
Pagkaputol ng tawag, tinignan niyang mabuti ang buong kwarto para
siguraduhing wala na siyang naiwan. Sinarado niya ang kanyang maleta at
naglakad papunta sa pintuan.
-
Pagkatapos nilang magkita ni Lu Jinnian, gumawa si Qiao Anhao ng bagong
group chat na kasama ang assistant ni Lu Jinnian at si Zhao Meng.
Nang palabasin siya ni Lu Jinnian sa kwarto, ang una niyang naisip ay ang
magsend ng umiiyak na emoticon sa chat.
Ang unang reaksyon ni Zhao meng ay [Qiao Qiao, anong nangyari? Hindi ka
nagtagumpay?]
Iniangat ni Qiao Anhao ang kanyang ulo para tignan ang nakasaradong
pintuan na nasa harap niya bago siya malungkot na nagreply, [Hindi.]
[Ah?] Nagsend ang assistant ng nagulat na emoticon at nagtanong, [Miss
Qiao, hindi ba kayo nakapagusap ni Mr. Lu?]
[Gusto ko, pero noong sinabi ko ang Valentines Day, bigla nalang siyang
nagalit sa akin. Sinakal niya ao at pinalabas ng kwarto niya.]
Mahilig si Zhao Meng sa mga romantic novel kaya nang mabasa nito ang
sinabi ni Qiao Anhao ay nakalimutan nitong intindihin ang nararamdaman ng
kaibigan at nagsend ng love emoticon. [Wa, napaka cool naman ng best
screen actor Lu na 'yan, drools]
Nanatiling kalmado ang assistant at sinabi, [Oh, kanina noong binanggit kita
Miss Qiao, bigla ring nagalit si Lu Jinnian! Natakot ako kaya hindi ko na
tinuloy.]
At agad ding sinundan ng assistant, [Miss Qiao, iniiwasan niya ang lahat ng
tungkol sayo.]
[Hihintayin ko siya sa entrance hanggang sa lumabas siya…]
At muling nagsend ang assistant, [Base sa pagkakakilala ko sa ugali niya,
hindi ka talaga niya bibigyan ng pagkakataong makapagsalita.]
[Nandito ka ba para tulungan ako?]
[Oo, pero sinasabi ko lang ang totoo..]
Pagkatapos ng pagfa'fangirl ni Zhao Meng, bigla naman siyang nagsend ng
naiinis na emoticon at sinabi, [Para kayong hindi nagiisip! Kung ayaw niyang
pagusapan ang nakaraan, edi wag! Kapag mas sinubukan mong ungkatin, lalo
lang siyang lalayo sayo at paano kung bigla nanaman siyang mawala? Ang
sinasabi ko lang ay ang pinaka madaling paraan ay dapat may mangyari
sainyo!]