Baixar aplicativo
2.46% Bringing the Nation's Husband Home (Tagalog) / Chapter 24: Sino Nagpapasok Sayo Dito? (4)

Capítulo 24: Sino Nagpapasok Sayo Dito? (4)

Editor: LiberReverieGroup

Naisip na ni Qiao Anhao ang susunod na gagawin ni Lu Jinnian. Hindi sinasadyang napalingon siya at nakitang nakatulala ito. Akala siguro ni Lu Jinnian ay isa itong panaginip.

Natakot si Qiao Anhao na maulit ang nangyari. Tinulak niya si Lu Jinnian.

Nakaraang tatlong buwan. Naalala niya kung paano ang nangyari sa kanila ni Lu Jinnian, wala ito sa tamang pag-iisip, ng magising ito, gusto siyang patayin sa sakal nito.

Sumimangot si Lu Jinnian. Hinawakan nito ang mga kamay ni Qiao Anhao upang hindi ito makagalaw.

Hindi malinaw ang isipan ni Lu Jinnian dahil sa lagnat. Ayaw nito na may mangyari sa pagitan nila. Gustong makawala ni Qiao Anhao sa kanya, pero dahil sa pagod ay sumuko nalang ito.

Kinagat ni Qiao Anhao ang kanyang labi at ipinaubaya ang sarili kay Lu Jinnian. Ayaw isipin ni Qiao Anhao ang maaring mangyari kung malaman nito na umulit ang nagawa nila tatlong buwan na ang nakakaraan.

Natapos nila, nilapit ni Lu Jinnian si Qiao Anhao gamit ang kanyang mga braso at natulog ulit.

Pagod si Qiao Anhao ngunit hindi siya makatulog. Nang umalis sa mga braso ni Lu Jinnian ang unang naisip ni Qiao Anhao ng maayos na ang sarili nito.

Hinangad niya ang mga yakap nito, manatili sa tabi nito ng matagal pero alam niya na hindi para sa kanya ito. Yakap lang siya nito dahil wala ito sa tamang pag-iisip.

Lahat ito ay isang pagkakamali.

Nakita ni Qiao Anhao ang telepono niya ng tatanggalin na niya ang braso ni Lu Jinnian. Bahagyang nagdadalawang-isip, kumuha siya ng litrato gamit ang kamera ng telepono.

Sa kanyang telepono, Yakap siya nito habang ito ay mahimbing na natutulog.

Ito ang hinangad niya, ang mayakap ni Lu Jinnian, kahit hindi totoo ang intensyon, gusto niya pa rin ito.

Gamit ang litrato, maari niyang isipin na gusto ni Lu Jinnian na mayakap siya sa pagtulog nito.


Load failed, please RETRY

Presentes

Presente -- Presente recebido

    Status de energia semanal

    Rank -- Ranking de Poder
    Stone -- Pedra de Poder

    Capítulos de desbloqueio em lote

    Índice

    Opções de exibição

    Fundo

    Fonte

    Tamanho

    Comentários do capítulo

    Escreva uma avaliação Status de leitura: C24
    Falha ao postar. Tente novamente
    • Qualidade da Tradução
    • Estabilidade das atualizações
    • Desenvolvimento de Histórias
    • Design de Personagens
    • Antecedentes do mundo

    O escore total 0.0

    Resenha postada com sucesso! Leia mais resenhas
    Vote com Power Stone
    Rank NO.-- Ranking de Potência
    Stone -- Pedra de Poder
    Denunciar conteúdo impróprio
    Dica de erro

    Denunciar abuso

    Comentários do parágrafo

    Login