"Iyan ba ang dahilan kung bakit isinuko mo ang iyong anak nang magpalit ka ng karera? Para pataasin ang iyong halaga?" Tanong ni Mo Ting.
Malinaw na napanganga ang babae sa mga sinabi ni Mo Ting; hindi niya inaasahan na hahampasin siya nito ng sagot sa ganoong paraan. Ngunit, ilang sandali, nagsimula itong tumawa, "Ito ang pinili ng pamilya ko. Walang pakiaalam si President Mo dito."
"Kung gayon kailangan mong panatilihing malinis ang bibig mo."
Hindi nagbigay ng opinyon si Mo Ting tungkol sa ibang bagay. Ngunit, pagdating kay Tangning, normal lang na gumanti ito.
"Sige, sasarilihin ko na lamang ang mga opiniyon ko. Pagkatapos nang lahat, ang bawat isa ay may kanya – kanyang mga mata…"
"Tinandan ko na ang pag-uugali mo ngayong araw. Kaya, huwag mo akong sisihin kung hindi kita bibigyan ng kahihiyan."
Tumawa muli ang babae, ngunit sa oras na ito umayos siya ng konti, "Ganito na lang, uuwi ako at sasabihan siya. Ano sa palagay mo, President Mo?"