"Jingxuan, talagang napakamaalalahanin mo."
"Sumakay ka na, sweetie," marahang ngiti ni Tang Jingxuan. Pagkatapos makasigurong maayos nang nakaupo si Xu Qingyan, lumakad na ito papunta sa driver's seat.
Habang pinapanood ni Ye Lang ang eksenang ito, isang lumalagablab na apoy ang nasa loob ni Ye Lan. Kahit na ikinasal siya sa isang rich tycoon at niyayapak yapakan si Xu Qingyan sa loob ng ilang taon, si Father Xu ay matandang lalaki pa rin at maraming bagay ang hindi na nito maaaring gawin. Isang halimbawa, walang paraan na maaari siya nitong bigyan ng init at pagmamahal na magagawa ng isang normal na lalaki.
Kaya, habang pinapanood ni Ye Lan kung paano narahang tratuhin ni Tang Jingxuan si Xu Qingyan, siya ay natutuksong tumakbo at pirapirasuhin ang mukha ni Xu Qingyan…
...