Umiling si Tangning. Kahit na marami siyang kilalang tao, mabibilang lamang sa daliri ang mga taong talagang malapit sa kanya. At ang mga taong iyon, ay kasalukuyang nasa tabi niya. Kaya, sino pa ang taong nagnanais siyang makita?
Kumumpas si Long Jie na ipikit niya ang kanyang mata.
Sa simula ay ayaw ni Tangning makipaglaro ng tulad ng isang bata, ngunit, yamang ito ay isang tao na hindi niya kayang mahulaan, nagdesisyon siyang wala namang mawawala kung makipaglaro siya.
Ilang sandali pa, narinig niya ang yabag ng balat na sapatos sa sahig.
Pinanatiling pikit ni Tangning ang kanyang mata at ngumiti, "Zihao."
Ang ekspresyon ni Long Jie ay katulad ng isang tao na gulat na gulat. Sinong mag - aakala na mahuhulaan ito agad ni Tangning.