Pagkatapos ng kasal ni Yu Feng, lumabas naman sa maraming entertainment news sources ang pangalan nina Tangning at Mo Ting. Ang kanilang popularidad ay isang bagay na maaari lamang tingalain ng maraming artista. Gayunpaman, pagkatapos ng maliit na intermisyon, umurong ulit si Tangning mula sa spotlight at bumalik sa paggawa ng pelikula.
Nang mga oras na iyon, ang resulta ng ranking para sa 'Asian Model with the Highest Public Confidence' ay inilabas. Si Tangning ang nangunguna sa Asya na doble ang boto kumpara sa modelong pumangalawa.
Isang malaking larawan ni Tangning ang inilimbag sa isang international news source. Habang tinitingnan ng lahat ng may pagtatanog ang popular na modelo, napagtanto nila na hindi nila ito nakita sa Autumn/Winter Fashion Week!
"Kung totoo ngang gumagawa ngayon si Tangning ng pelikula, talaga namang napakatapang niya para isuko nalang ang lahat ng mayroon siya ngayon."