Sa kailaliman ng gabi, ipinadala ni Fang Yu ang mga katibayan na kanyang nakuha kina Lu Che at Mo Ting. Talaga namang isang propesyunal na reporter si Lin Chong: ang footage na kanyang kinunan ay perpektong nakapokus kina J – King at Yue Shanshan na kung saan malinaw na makikita ang dalawa at ang kanyang presensya sa eksenang iyon ay hindi makikita.
Kalakip ng video ang katibayan ng pagbibigay ni Yue Shanshan ng iskrip kay J – King pati na rin ang pag – uusap tungkol sa katotohanan si likod ng insidente tungkol sa marahas na tagahanga. Kasama din dito ang pag – amin ni J – King sa kanyang intensyon na pagkuha ng kapangyarihan mula kay Mo Ting…
Nagmadaling pumunta si Lu Che sa kalagitnaan ng gabi sa Hyatt Regency para malamang ang susunod na aksyon ni Mo Ting.