Kasabay nito, habang hindi napapansin ng kanyang pinsan, ipinalit ni Han Zhou ang iskandalo ni Tangning sa artikula na kanyang inihanda.
Nang ang artikulo ay gumawa ng ingay sa media saka nalang napagtanto ni Lu Xiaoqian, na ang iskandalo na inilabas ng kanyang pinsan ay hindi man lang nabanggit ang pangalan ni Tangning sa headline…
Mababasa sa headline, [Nakakagulat na pagsisiwalat: Matibay na Katibayan Laban sa mga Bagong mga Modelo na Kasangkot sa Bed-Climbing Scandal!]
Matalinong iniwasan ni Han Zhou ang pagbanggit sa pangalan ni Tangning bilang pagtupad sa kasunduan nila dati ni Long Jie. Ngayon na alam na ng lahat na hindi kasangkot si Tangning, wala nang punto na masangkot pa siya sa iskandalo.
Ang artikulo na inilabas, ay naglalaman ng detalyadong impormasyon tungkol sa kinaroroonan ni Li Yu at mga larawan ng mga modelo na may kaugnayan sa kanyang under-the-table operations. Ang lahat ng mga pangalan ay pinalitan ng mga palayaw na may isang titik.