Baixar aplicativo
0.63% The King's Avatar (Tagalog) / Chapter 11: Kulang kayo ng Kasama? Isama niyo ako!

Capítulo 11: Kulang kayo ng Kasama? Isama niyo ako!

Editor: LiberReverieGroup

At tumawa pa talaga si Ye Xiu bago siya nagtanong, "Kumusta?"

Ang kanyang nakayayamot at kaswal na tono ang naging dahilan upang si Sleeping Moon ay hindi makapagsalita. Muntikan na niyang hindi makilala na ang taong nasa harapan niya ay ang taong naging sanhi ng kanyang galit, at pinagmumura niya ng halos buong araw.

Kahit na pinaniwalaan ng lahat na dinaya siya ni Lord Grim, ay alam naman nilang dalawa na ang akusasyong iyon ay hindi makatotohanan.

Pero bakit umaasta ang taong ito na para bang walang nangyaring masama? Hindi niya ba nakita ang mensaheng kinakalat niya sa lahat?

"Upang agawin at makuha ang hidden BOSS, hindi tinulungan ng walang-hiyang Lord Grim ang mga miyembro ng kanyang party at hinayaan silang mamatay. Mag-ingat ang lahat."

Mabilis at dalawang ulit pa na nagpadala ng mensahe si Sleeping Moon sa Chat, habang hinihintay ang reaksyon ni Ye Xiu. Subalit sa huli ay nagsalita lamang si Ye Xiu ng, "Ginagawa mo pa rin 'yan? Wala ka bang balak na magpa-level?"

"Gu…gusto kong malaman mo ang lakas ko! Alam mo bang hindi basta-basta ang Full Moon Guild ko?!" Matagal nang pinaghandaan ni Sleeping Moon ang mga salitang ito. Ngunit nang matapos niya itong sabihin, naramdaman niyang wala itong kwenta. Tila ba ang kanyang mga salita ay isang kutsilyo na humihiwa sa mantikilya, hindi kahanga-hanga't walang puwang.

"Alam ko. Hindi na nga ako naakahahanap ng mga bagong kasamahan." Sabi ni Ye Xiu.

Nang marinig ito ni Sleeping Moon siya ay nakahinga nang maluwag, at hindi niya mapigilang tumawa nang malakas. "Tignan natin kung kakalabanin mo pa ako."

Pero hindi niya inaakala na sasabihin ni Ye Xiu ang mga katagang ito, "Hindi ba't kulang ka ng kasama? Bakit hindi mo ako isama?"

Si Sleeping Moon ay agad na nagulatang, "T*ngina, ang lakas talaga ng kawalang-hiyaan mo…"

"Haha, idagdag mo na ako. Bakit hindi na lang tayo magtulungan, ngayong kilala na natin ang isa't isa?" Unang nagpadala ng imbitasyon si Ye Xiu, taliwas sa inaakala ni Sleeping Moon.

May apat na miyembro si Sleeping Moon sa kanyang grupo at mapapansin na hindi ito ang dati niyang mga kasamahan, siya at ang mga kasamahan niya ay mula sa Full Moon Guild.

Ang pagbuo ng guild ay maaari lamang mangyari kapag umalis na sa beginner village. Kaya lahat sila ay galing sa isang nakakatandang server at lumipat lamang sa bagong ika-sampung server. Sa huli ay napunta silang lahat sa iisang beginner village.

Sa mga sandaling gustong makuha ni Sleeping Moon ang hidden BOSS para sa sarili niya ay syempre, hindi naman maganda kung ang lilinlangin niya ay ang mga kasamahan niya. Dahil diyan ay nagkusa siya't naghanap ng mga makakasama na hindi niya nakikilala.

Sa kasamaang-palad, nakatagpo niya si Ye Xiu, na tinulungan at trinaydor sya. Matapos ang pangyayari'y agad niyang sinabihan ang guild para humingi ng tulong. Madali naman niyang nakumbinsi ang mga dati niyang kasamahan para siraan si Ye Xiu. Gusto niyang masira nang tuluyan ang reputasyon ni Lord Grim sa mga oras na iyon.

Pero anong nangyari? Ano ito? Parang hindi naman naaapektuhan itong taong ito? Wala talagang pakialam. Nang dahil lang walang may gustong makasama siya, parang walang nangyari at agad na humingi ng pahintulot upang sumali sa grupo niya? Tinitignan niya ang imbitasyon. Sa totoo lang, hindi alam ni Sleeping Moon kung tatanggapin niya ba ito o hindi.

Lubhang naguluhan si Sleeping Moon, natuto na siya sa pagkakamali niya. Alam niya na ang taong ito ay malayo sa katagang simple, kung ganoon. Ano ba talaga ang plano niya? Habang nagdadalawang-isip siya'y bigla siyang nakatanggap ng pribadong mensahe galing sa kasamahan niya. "Tanggapin mo. Nanghihingi 'yan ng imbitasyon kay kamatayan. Pag nasa loob na tayo ng dungeon, ano pang magagawa niyan?"

Pinag-isipan muna ni Sleeping Moon ang tungkol dito. Dahil mayroon naman siyang apat na kasamahan sa tabi niya ay talagang walang dahilan para makaramdam siya ng takot.

At doon pinasok ni Ye Xiu ang Green Forest kasama ang apat. Mukhang hindi naging maganda ang swerte nila dahil hindi nila nakatagpo ang Midnight Phantom Cat. Marahang tumawa si Ye Xiu at nagtanong: "Kailangan niyo pa ba ang serbisyo ko?"

"Hindi na kailangan. Mga kasama, sabay-sabay tayong umatake!" Matapos itong sabihin ni Sleeping Moon, nagmadali ang apat na kalabanin ang mga halimaw na nasa paligid nila.

Ang apat ay halatang hindi mga baguhan sa laro. Kita-kita sa kanilang mga galawan kung gaano sila kagaling, at sa galing nila ay maaring isa o dalawang tao lang ang kinakailangan para matapos nila ang Green Forest Dungeon. Dahil nagdagdag sila ng isang kasamahan ay naging masyado na silang malakas para sa lugar na ito. Hindi rin masyadong nagsasalita si Ye Xiu, ngunit nagpalit ng anyo ang kaniyang Myriad Manifestation Umbrella at naging isang sibat para umatake.

Sky Strike, Dragon Tooth, ang dalawang skills na ito ay maituturing na skills na ginagamit sa pag-atake. Syempre, liban sa mga skills na ito, may sariling pang-atake rin ang isang karakter.

Ang mga manlalaro, sa pamamagitan ng direksyon at kakayanan nang normal na mga atake, mayroon din silang ibang mga pang-atake tulad ng Straight Stabs, Horizontal Slashes, Vertical Chops, Uppercut, at iba pa. Kung nagagamit mo ito ng lubos sa iba't-ibang kombinasyon ay maari itong makakumpara sa pinsalang nailalapat ng mga skills, pero syempre. Iba rin ang nagiging epekto nila sa kalaban.

Halimbawa, ang Sky Strike ay isang uri ng Uppercut. Ang Dragon Tooth naman'y isang uri ng Straight Stab. Pero ito'y mas mabilis at maaari ring magbigay ng panandaliang Stun Debuff sa kalaban para hindi siya makakakilos.

Hindi kailangang gumamit ni Ye Xiu ng mga skill na ito. Sapat na ang mga ordinaryong niyang atake para mapatay ang mga halimaw sa paligid. Ang problema nga lang ay sa mga sandaling mayroon siyang napatay ay may bigla na namang lilitaw na halimaw na ipinadala ng kaniyang mga kasamahan sa kaniya.

Tumawa na lamang si Ye Xiu, alam niya kung saan nanggaling ang mga halimaw na ito, alam niya na gusto nila Sleeping Moon at ng mga kasamahan niya na mapaligiran siya ng mga halimaw at mamatay.

Pero kahit na makailang beses na siyang napaligiran ng halos lima o sumusobra pang halimaw ay hindi naging problema para sa kaniya ang patayin silang lahat.

Habang ang lima ay pinapanood lang siya at halatang walang balak na tumulong. Sa huli'y napansin nila ang sobrang bilis na pagpaslang ni Lord Grim sa mga halimaw. Sa sobrang bangis ng ipinakitang lakas ni Lord Grim ay hindi nila mapigilang makaramdam ng inggit dahil sa naipamalas na lakas ni Lord Grim.

"Talagang napakagaling ng taong ito." Sabi ng isang miyembrong tinatawag nilang Seven Fields habang tumatango sa kanyang pagsang-ayon.

"Sa isang tingin lang sa kaniyang lakas ay alam mo nang makakaya niyang tapusin ang buong Green Forest Dungeon nang mag-isa, isa siyang beterano." sabi ng isa pang miyembro.

"Alam niya ang kanyang ginagawa. Kinaya niyang mag-isa ang Midnight Phantom Cat. Ngunit hindi ko inaasahang mas malakas pa siya kaysa sakin." sabi ni Sleeping Moon.

"Syempre, sa lakas niyang iyan ay imposibleng mamatay siya sa Green Forest." Sabi ng isa pa nilang kasama.

"Ano sa tingin niyo kung pumunta tayo ng Spider Cave kapag narating na natin ang Level 10?" Nagbigay ng panukala si Seven Fields sa tatlo.

Ang Spider Cave ay isang level 10-15 dungeon na mas mahirap kaysa sa Green Forest. Kung ang Green Forest ay para masanay ang mga manlalaro sa laro, Sa Spider Cave at iba pang mga dungeon magsisimula ang pagsubok at paghihirap nila sa laro.

Kinailangan na nilang gamitin ang kanilang utak at lumikha ng mga stratehiya't pamamaraan para matapos ang mga dungeon na iyon.

Tinawag itong Spider Cave sapagkat ang mga halimaw ay puro mga gagamba. Dalawang uri ng gagamba ang makikita rito. Ang una ay ang mga pang-malayuang gagamba, naglalabas sila ng sapot na maaaring makagapos sa manlalaro. Ang isa naman ay mga pang-malapitang gagamba, ang mga kagat nito ay may dalang lason. Ang mga manlalarong nalapatan ng lason ay patuloy na mawawalan ng Health hangga't sa mapawi ang Lason. Sa Green Forest, tanging ang Hidden Boss lang ang may kakayahan na gawin iyon.

Liban sa mga ordinaryong halimaw, ang Spider Cave ay may tatlong BOSS. Isang pang-malayuan, isang pang-malapitan at ang Spider Lord na pinaka huli, at pinakamalakas na BOSS ng dungeon. At mayroon pa itong tatlong Hidden Bosses: Spider Elite, Spider Warrior at Spider Emperor.

Dahil madali lang marating ang level 1 to 10, maraming manlalaro pa ang hindi sanay sa larong ito. Pagdating sa Spider Dungeon, madalas hindi na sila nakalalabas nang buhay. Kaya hindi inirerekomenda na pasukin ng mga baguhan ang dungeon na ito. Ang mga manlalarong magtatangkang pasukin ang dungeon na ito ay ang mga taong katulad lamang nila Sleeping Moon na may sapat nang karanasan sa laro.

"Kaya pa ba nating tapusin yung dungeon na yun pag pinatay natin ang taong 'yun sa Spider Cave? Apat na lang tayo kapag nangyari iyon." Pagaalinlangang sabi ni Sleeping Moon.

"Basta hindi natin makasasagupa ang Hidden Boss, sa tingin ko ay hindi ito magiging problema." sagot ni Seven Fields.

"Kahit na makalaban natin ang Hidden Boss, hindi niya kayang kalabanin 'yon. Ang Spider Cave ay mas mahirap na lugar kaysa dito." sabi ng isang miyembro nila.

"Ah, sige tayo na't magpataas ng level. Pagdating ng level 10 pumunta tayo sa Spider Cave." Pagtatapos ni Sleeping Moon.

Nang bigla na lang nagsalita ang isa pa nilang kasamahan na hindi nagbibigay ng opinyon simula pa kanina. "Isasama natin siyang magpataas ng level? Tapos papatayin rin naman natin?"

Nang marinig ito ni Sleeping Moon, nagulat siya at namalayang walang puwang ng ang plano niya. Mabuti nalang ay nagsalita si Seven Fields "Sabihin nalang natin na siya ang gagawin nating kalabaw, ibibigay natin ang lahat ng halimaw sa kaniya tapos papatayin natin siya matapos nating marating ang dulo, hindi ba't mas maganda 'to?"

Nakahinga ng maluwag si Sleeping Moon. "Tama, tama, tama. Iyan nga ang gagawin natin.


Load failed, please RETRY

Presentes

Presente -- Presente recebido

    Status de energia semanal

    Rank -- Ranking de Poder
    Stone -- Pedra de Poder

    Capítulos de desbloqueio em lote

    Índice

    Opções de exibição

    Fundo

    Fonte

    Tamanho

    Comentários do capítulo

    Escreva uma avaliação Status de leitura: C11
    Falha ao postar. Tente novamente
    • Qualidade da Tradução
    • Estabilidade das atualizações
    • Desenvolvimento de Histórias
    • Design de Personagens
    • Antecedentes do mundo

    O escore total 0.0

    Resenha postada com sucesso! Leia mais resenhas
    Vote com Power Stone
    Rank NO.-- Ranking de Potência
    Stone -- Pedra de Poder
    Denunciar conteúdo impróprio
    Dica de erro

    Denunciar abuso

    Comentários do parágrafo

    Login