"Parang may pakialam ako kung sino ang inyong Old Master! Ang lahat ay pantay-pantay sa batas. Dalhin niyo ang taong to!" Ikinumpas ni Song shi ang kanyang kamay, at hindi na binigyan pa nang pagkakataon si Sun Qiang ng pagkakataon na makapagsalita pa.
Sa sama nang loob, gusto pa sanang makipagtalo ni Sun Qiang, pero isang biglaang daloy ng kapangyarihan ang nagsara ng kanyang cultivation, na pumipigil sa kanya na mnakapagsalita pa. Kasunod nun, dalawang master teacher ang lumapit sa kanya para dalhin sa kulungan.
"Wuuuuu!" Galit na galit si Sun Qiang na halos sumabog na siya, pero wala siyang magawa sa nangyayari.
Siya ang tagapaglingkod ng dakilang Yang shi, kaya papaano ang isang hamak na quasi 8-star master teacher ay tinatrato siya ng ganito? Ito'y pagsuway sa mas nakakataas!